Ang parenting habang nagbubuntis ay hindi madali. Ito ay maaring maging stressful lalo na kung hindi sapat ang suporta ng pamilya habang buntis. Ngunit paano nga ba makakakuha ng suporta ng pamilya habang buntis, lalo na mula sa mga anak?
Paano sabihin sa iyong anak ang tungkol sa pagbubuntis?
Ang bawat bata ay magkakaiba kaya naman asahan na iba rin ang kanilang magiging reaksyon. Mayroong puwedeng ma-excite, mayroon namang maaring makaramdam ng pagseselos. Kaya naman mahalaga na bago mo sabihin sa kanila ay matantya mo muna ito base sa kanilang edad at maturity.
Image from Freepik
Toddlers: Maari mong iparamdam sa kanila ang iyong excitement dahil ang tendency ay mararamdaman lang din nila ito. Ang mga toddler ay madalas na naka-depende sa iyo para sa kanilang emotional cues. Kaya naman kung excited ka, maaring ito rin ang maramdaman nila.
Kapag naghahanda para sa baby, huwag kalimutan na bumili rin ng para sa kanila upang maramdaman nila na mahal pa rin sila.
Preschoolers: Hindi katulad ng mga toddler, ang mga preschooler ay medyo sensitive. Kaya naman maaring mas maging mahirap ang pagsasabi sa kanila.
Subukan muna na makipag-bond sa kanila at siguraduhin na nararamdaman nilang special sila sa iyo. Kung tingin mo ay ayos na, saka mo ito gawin. Huwag mo lang asahan na tumalon sila sa tuwa o ma-excite kaagad. Ang idea ng pagkakaroon ng kahati sa iyo ay maaring overwhelming para sa kanya. Kaya naman i-reassure muna siya kung sakaling malungkot siya dahil sa iyong balita.
Batang 5 pataas: Sa edad na ito, mas understanding na ang bata. Kaya naman kapag sinabi mo na sa kanya ay maaring hindi na magkaroon ng issue. Kailangan mo lang paghandaan ang pagdating ng baby dahil dito na sila makakaramdam ng pagseselos.
Para mabawasan ang ganitong pangyayari, kausapin ang iyong mga anak para naman maging involved din sila sa pagdating ng bagong baby. Ito rin ay para malaman mo kung ano ang negative na emosyon nila at maiayos ito.
Suporta ng pamilya habang buntis: Mga paraan para ma-involve ang bata
Image from Freepik
1. Puwede mo silang isama sa doctor’s appointment o sa pag-shopping para sa gamit ni baby
Ang pagbibigay sa kanila ng idea sa mga mangyayari ay makakatulong para maintindihan ang sitwasyon. Ang pagsama sa kanila sa doctor’s appointment o pag-shopping ay ilan lamang sa mga paraang ito. Hayaan din silang pumili ng mga cute na outfit para sa kanilang magiging kapatid.
2. Tanungin sila ng baby name suggestions
Ang pagbibigay ng pangalan ay maaring maging stressful para sa mga magulang. Kaya naman puwede mo na ring tanungin ito sa iyong anak!
3. Ipaliwanag sa kanila na maari kang mapagod minsan o humina ang energy
Mapapansin nila ang pagbabago sa iyo lalo na sa unang 12 weeks. Maaring mapagod ka at hindi maging attentive sa kanila. Ang pagbibigay nitong warning sa kanila ay magiging beneficial hindi lang para sayo kung hindi para na rin sa mga bata. Mababawasan din ang pressure para sa iyo.
4. Pero subukan pa rin ang iyong best para asikasuhin sila
Kahit hindi mo masyadong i-pressure ang iyong sarili. Kailangan mo lang na maging present. Kasama ng iyong asawa, siguraduhin lang na hindi sila napapabayaan.
Ano naman ang puwedeng gawin ng iyong asawa?
Image from Freepik
Ang pagbubuntis ay iba-iba rin para sa lahat ng ina, kaya naman para maintindihan ng iyong anak at para makuha ang suporta ng pamilya, kailangan ay involved din ang iyong asawa.
Bilang asawa, narito ang ilang paraan para masuportahan ang iyong buntis na asawa. Una, ay syempre, i-educate ang iyong sarili upang malaman kung paano ka makakatulong nang tama. Ikaw din ang tutulong sa iyong anak para mas maintindihan ang proseso.
Kung nagkakaroon na siya ng morning sickness, siguraduhin na magiging kumportable siya. I-monitor na rin ang kanyang diet at bukod dito, iparamdam sa kanya na mapagkakatiwalaan ka niya sa mga gawaing bahay.
Kailangan mo rin maging mas maintindihin dahil ang pagbubuntis ay komplikado. Maging sensitibo sa kanyang mga pangangailangan at subukan na maging physically at mentally present para sa kanya.
Ang pagkakaroon ng stable at matibay na support system ay magco-contribute sa kanyang healthy pregnancy. Kaya naman mga soon-to-be moms, huwag matakot na isali ang iyong pamilya sa iyong pagbubuntis. I-enjoy din ang journey kahit na minsan ay mahirap ito.
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
Basahin:
ALAMIN: Gaano kahalaga ang pagbibigay ng tulong ng iyong pamilya sa pagbubuntis mo?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!