Paano nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis
Bawat buntis ay may iba’t-ibang journey sa pagbubuntis. Pero lahat sila ay kailangan ng solid at nakasuportang family physically at emotionally para malagpasan ang 9 months na pagbubuntis. Lahat rin ng pregnant mom ay kailangang dumaan sa mga pagbabago sa kanilang katawan katulad ng morning sickness, hormonal spikes at pregnancy brain. Paano nga ba nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis?
May pagkakataon talaga na kailangan ni mommy ng suporta sa kanyang pagbubuntis na makukuha lang niya sa kanyang pamilya.
Napagalaman sa research na ang isang pregnant mom na may nakaalalay at mayroong suportang natatanggap sa pamilya ay ngkakaroon ng magandang improvement sa child care, health at overall quality sa pagbubuntis ni mommy! Kaya naman sa mga soon to be daddy, lola, lola, tito, tita, narito ang mga tips kung paano masusuportahan ang very special lady ng inyong pamilya para magkaroon ng happy at healthy pregnancy.
Paano nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis? | Image from Freepik
Paano nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis?
Morning sickness
Normal sa isang buntis ang morning sickness. Kadalasang nagsisimula ito sa 4th week ng kanilang pregnancy. Dito nila nararanasan ang magsuka sa umaga at gabi.
Pero bawat buntis ay iba-iba ang nararanasang morning sickness. May ibang pregnant mommy na hindi nakakarans nito samantalang ang iba naman ay nakaka-experience ng mild hanggang severe nausea.
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis na mayroong mild hanggang moderate morning sickness ay mas prone na mag-increase ang appetite sa kanilang early pregnancy.
Ang biglang paglala ng nausea ay maaaring magdulot ng pagbabago sa diet ni mommy. Katulad ng pagkakulang sa gulay, tea, coffee, rice, cereals, fruit o iniinom na fluid.
Paano ka makakatulong?
- Bantayan kung ano ang epekto sa kanya ng pagkain. Pinapayo ng eksperto na ipakain sa mga buntis ang mga meal na may mataas na protein at mababa sa taba para madali lang itong matunaw. Iwasan ang pagkain ng mga maanghang, greasy o matatabang pagkain. Narito ang mga pagkain na maaaring kainin ng buntis.
- Painumin siya ng maraming tubig. Ang pagkakaroon ng nausea ay magiging dahilan ng dehydration at pagkawal ng electrolytes ng buntis. Kaya naman painumin siya ng madaming tubig. Ang mga maaalat na pagkain naman ay makakatulong para maibalik ang mga nawalang electrolytes.
- Bigyan siya ng snacks. Maghanda ng snacks para kay mommy sa umaga katulad ng plain biscuits. Makakatulong ito para sa nausea at maiwasan ng pagkagutom oras-oras. Maaari ring painumin siya ng prenatal vitamins. Siguraduhin lang na kumonsulta muna sa doctor bago siya bigyan nito.
- Tulungan siya sa gawaing-bahay. Ang katawan ng isang buntis ay laging pagod at mahina kaya maaaring hindi siya makagawa ng mga gawaing bahay.
- Bantayan ang iba’t-ibang amoy. Kadalasan, ang partikular na amoy ay nakakapagpalala ng nausea. Iwasan siyang ilapit sa pgkain o habang nagluluto habang nagbubuntis. Hayaan siyang alamin kung anong amoy ang pwede sa kanya.
- Seek professional advice. Samahan si mommy sa kanyang scheduled consultation. Maaaring bigyan siya ng specific type ng diet kung sakaling lumala ang kanyang morning sickness.
Emotional health
Asahan na ang pabago-bagong emotion ni mommy.
Ayon sa American Pregnancy Association, ang mga pregnant mom ay makakaranas ng pabago-bagong emotion dahil sa kanilang hormone levels. Ang production ng progesterone at oestrogen ay mabilis dahil sa paglaki na rin ni baby.
May ibang mommy na laging iritable dahil dulot ito ng mataas na level ng progesterone. Bawat babae ay iba-iba. Mayroong mga babae na sensitive dahil sa oestrogen changes. Ang hormone changes na ito ay nakakaapekto sa brain chemicals na konektado sa ating mood na mas kilala bilang neurotransmitters.
Dagdag pa rito, ang stress at fatigue ay maaaring makaapekto rin sa mental health ni mommy. Kaya naman makikita mo ang pagka-overwhelmed ng isang pregnant mom lalo na sa kanyang first 3 months.
Present rin dito ang mga negative emotions katulad ng anxiety. Maaaring ito ay dulot ng nakaraang miscarriage, pagduda sa motherhood o kaya naman sa kanyang katawa.
Paano ka makakatulong?
- Lagi siyang kausapin. Tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya o kaya naman makinig sa kanyang mga concern o pagkatakot. Minsan, ang pakikinig o positive reassurance lamang ang kanyang kailangan.
- Be patient. Makikita mo talaga ang kanyang mga mood swings at mahirap itong intindihin. Kaya naman maging patient at subukang intindihin ang mga bagay na kinaiinisan niya at ‘wag na itong ulitin pa.
- ‘Wag hayaang lumala ito. Ang mga mood swings ay nagdudulot ng awy lalo na sa mg amag-asawa. Kaya naman subukan na ‘wag silang pagtaasan ng boses o mainis sa mga oras na ito. Sa halip ay kausapin sila ng mahinahon at magsimula ng healthy conversation.
- Pagpahingahin siya. Kailangan ng isang buntis ang maraming tulog. Gawin ang mga gawaing bahay para mabawasan ang stress ni mommy at makatulog siya ng maayos.
- Physical activity. Kumbinsihin siya na maging active. Maaaring maglakas o pasalihin si mommy sa yoga.
Paano nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis? | Image from Freepik
Pregnancy brain
Mas kilala ito bilang “mommy brain” Ito ay kapag ang isang pregnant mom ay nagiging makakalimutin. Ang science sa likod nito ay dahil sa mabilis na pagtaas ng production ng progesterone and oestrogen sa pregnancy. Naaapektuhan nito ang neurons ng brain dahilan para maging makakalimutin si mommy.
Ayon sa research ni J. Galen Buckwalter, isang psychologist sa University of Southern California, normal na sa pagbubuntis ang pagiging makakalimutin. Pero ito ay temporary lamang. Babalik rin ang ito pagkatapos nilang manganak. Nakakaapekto rin sa brain ni mommy ang lack of sleep at poor emotional state.
Paano ka makakatulong?
- Gumawa ng schedule. Mag-create ng schedule ng pagpunta ni mommy sa kanyang mga check-up at appointments. tulungan siya na mag set up ng reminder sa mga mahalagang araw o event. Maaaring idikit ito sa pader para makita niya araw-araw!
- Isulat ito para sa kanya. Bumili ng notebook at gumawa ng easy template para maisulat niya lahat ng importanteng bagay na kailangan niyang gawin katulad ng check-up, dinner dates at family visits.
- Siguraduhin na siya ay may sapat na paghinga. Kumbinsihin siya na magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
- Pakainin siya ng masustansyang pagkain. Bigyan siya ng healthy foods na mayaman sa protein. Ang protina ay mahalaga sa growth at development ng katawan ni mommy kasama na ang brain nito.
Physical health
Ang katawan ng isang buntis ay dadaan talaga sa iba’t-ibang transformation. Katulad ng paglaki ng tyan o pagtaas ng timbang. Meron naman ibang buntis na nakakaranas ng pamamaga ng ankle at pagdurugo ng gums. Sa unang buwan ng kanyang pagbubuntis, ang oestrogen ay mabilis na tumataas. Ito ang dahilan ng pagkakaroon paghaba ng buhok ng pregnant mom kasama na ang mga part kung saan hindi naman tinutubuan ng buhok dati. Pero kapag bumaba na ang oestrogen nito, dito lang niya mararanasan ang hair fall na kadalasang nangyayari kapag nagsusuklay o naliligo ang isang buntis.
Kasama na rin sa pagbabago ng katawan ang paglaki ng breast at pagkakaroon ng stretch marks ng isang buntis.
Bukod dito, ang katawan ng isang pregnant mom ay naghahanda na sa paglaki ng tuluyan ni baby. Asahan na rin ang pagbabago sa lifestyle ni mommy. Lalo na sa kanyang journey na hindi lang sarili niya ang pinapakain kundi pati na rin si baby.
Paano ka makakatulong?
- Recipes. Magdoble ingat sa mga pagkain na ihahain kay momy. Dahil ang ilan sa kanila ay maaaring makapagpalala sa kanyang nausea.
- Alamin kung ano ang kailangan niya. Ihanda ang iyong sarili sa pagbubuntis ni mommy. Alamin ang mga bagat na pwede at bawal sa kanya. Katulad ng may ibang pagkain na bawal kainin ng buntis. Kaya naman komunsulta muna sa iyong doctor para mabigyan kayo ng payo sa uri ng diet na bagay kay mommy.
- Bagong damit. Sa paglaki ng tyan ni mommy, hindi na talaga magkakasya ang mga luma nitong damit. Kaya naman ‘wag kalimutan nag bigyan ng maternity wear si mommy!
Paano nakakatulong ang pamilya sa pagbubuntis? | Image from Unsplash
Preparing for birth
Kung iisipin, ang birth ay natatatakot. Lalo na sa mga first time mom. Pero sa pagkakataong ito, nakahanda kana para makilala ang iyong precious one. Mula sa kanyang unang sipa hanggang sa mga parenting guides na iyong inaral.
Ang 3rd trimester at importanteng oras para kay mommy. Ang pagkakaroon ng healthy pragnancy practices sa months na ito ay makakatulong sa peace-of-mind ni mommy. Importante ang pagbibilang ng sipa ni baby sa tyan para malaman ang pattern nito at ma-track ang kanyang movements. Sanayin rin siya na patulugin sa kanyang side dahil importante rin ito para mapanatili ang healthy pregnancy.
Sa paglapit ng due date ni mommy, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng anxiety, takot at excitement nito. Kaya naman kailangan niya ng helping hand sa pagkakataong ito.
Paano ka makakatulong?
- Tulungan siya na mag-pack ng hospital bags. Mahalaga na matulungan si mommy na mag asikaso ng mga gagamitin niya once na siya ay manganak. Lalo na dahil matindi na ang pressure sa kanyang katawan at present parin ang mommy brain.
- Prep with classes. Magsimulang maghanap ng antenatal classes na makakatulong sa pagdating ni baby. Helpful ito lalo na sa mga first time mom.
- Pumunta sa appointments. Samahan si mommy sa kanyang consultation. Makinig mabuti at alalahanin ang mga bilin ng doctor. Kung hindi ka makakapag book ng consultation, ugaliin ang mga mahalagang tagpo katulad ng scans. Ito ay kung saan maiintindihan mo ang pagbubuntis ni mommy.
- Panatilihin ang good pregnancy habits. Planuhin ang kick counting schedule at humanap ng comfortable na spot para sa kanya. Ipaalala kay mommy one hour bago ang kick counting session ninyo. Maaari mo rin siyang samahan na magbilang at ipaalala ang sleep on side sa gabi.
Just offer a helping hand
Mahalang sanayin ang sarili na tanungin ang isang buntis kung may kailangan ba siya. Gaya ng ating sinabi, ang bawat pregnant mom ay iba-iba. Habang ang pagbubuntis ay isang regalo, ito rin ay nagdudulot ng fatigue sa kay mommy. Kasama na ang stress at iba pang mararanasan nila. Kaya naman maganda kung lagi siyang i-reach out kung sila ba ay may kailangan o nais na hinging tulong.
Narito ang ilan pang tips para matulungan si mommy:
- Reassurance. Sa bawat situation, ang emotion, stress, takot at iba pang physical aspect ay maaaring mangyari. Siguraduhin na ‘wag kakalimutan na bigyan siya ng reassurance o compliment sa bawat bagay si mommy.
- Affection. Para sa mga asawa, ang paglambing at yakap ay comforting para kay mommy. Para sa family, ‘wag matakot na paalalahanan siya na lagi lang kayong nasa tabi niya. Ang maliit na affection ay makakatulong para sa kanya.
- Lifestyle. Ang pagbubuntis ay makakaapekto ng malaki sa lifestyle change at diet. Bigyan siya lagi ng lakas katulad ng pag lift up sa kaniya sa lahat ng bagay. Sa pamamagitan nito, mapapanatili ang healthy pregnancy ni mommy.
Bigyan siya ng support system na magmumula sa’yo daddy at sa family nito.
Translated by Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Iba’t ibang uri ng mental health conditions na maari mong maranasan habang buntis
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!