Tinatawag na infertility ang problema kapag hirap makabuo o magbuntis matapos ang 12 buwan ng pagsubok. Sinasabing ang lifestyle ang pangunahing dahilan kung bakit nakakaranas ng infertility, kasama na ang labis na stress at pagod.
May mga kondisyon at sakit din na nagiging sanhi ng infertility, at isa sa anim na mag-asawa o mag-partner ang nakakaranas ng problemang ito, ayon sa librong The Infertility Cure: The Ancient Chinese Wellness Program for Getting Pregnant and Having Healthy Babies ni Randine Lewis, PhD. Isa na rito ang labis na pag-inom ng alak at paninigarulyo. Ang alak kasi ay nakakaapekto sa bilang ng sperm at nakakahadlang sa ovulation. Ganon din ang paninigarilyo, lalo na sa mga lalaki, na nagiging dahilang ng low sperm count at mahinang sperm motility. Ang mga babaeng naninigarilyo naman ay nagkakarong ng chromosomal abnormalities at mahinang obaryo.
Nariyan pa ang labis na timbang, sexually transmitted diseases tulad ng chlamydia at gonorrhea, na nakakahadlang din sa conception at nakakasira sa reproductive system ng babae at scrotum ng mga kalalakihan. Maraming makabagong paraan ngayon para makatulong na magbuntis ang mag-asawa, sa pamamagitan ng siyensiya. Nariyan ang IVF, surrogacy, at adoption. Pero bago pa humantong dito, may mga natural na paraan para maging malusog ang sistema at matulungang labanan ang infertility.
Para sa parehong babae at lalaki
- Kumain ng sariwang prutas araw-araw, at gawin pang panghimagas sa bawat kain.
Ang Vitamin C at antioxidants na makukuha sa maraming prutas ay nakakatulong sa pagpapadami ng semilya at sa kalidad din nito. Ayon sa mga pagsasaliksik, 2 prutas sa isang araw ang ideal portion. Uminom ng lemon water sa umaga, bago pa uminom ng kape o mag-almusal, at mag-stock ng orange, mangga, saging sa kusin at hapag-kainan. Nariyan pa ang pomegranates, na napatunayan ding nakakabuti sa kalidad ng sperm at nakakapagpadami ng testosterone. Kumain din ng cherries, cantaloupe, strawberries, tomatoes, black currants, ubas, kiwi fruit, at pinya.
Ayon sa mga pag-aaral, nakakasama daw sa fertility ng babae ang pagkain ng labis na karne, lalo na manok at turkey. Para makabawi sa kinakailangan protina, gulay at produktong dairy ang kailangan para maprotektahan ang obaryo ng babae.
Para sa mga lalaki
Ang pangunahing sanhi ng male infertility ay mababang bilang ng semilya. Ang kailangan ng isang lalaki para para dito ay ang pagkain ng sapat na sariwang prutas, gulay, whole grains at legumes.
-
Subukan ang mga superfood na grains, tulad ng Quinoa.
Tinatawag itong superfood dahil sa dami ng kabutihang nadudulot nito sa ating katawan, kasama na ang kabutihan nito para sa fertility. Ito ay isang pseudocereal at mayaman sa iron, B-vitamins, magnesium, phosphorus, potassium, calcium, vitamin E, fiber ating folate. Ang, Vitamin E, folate at vitamin B12 ay partikular na nakakatulong sa pagpapadami ng sperm count at pagpapabuti ng kalidad nito.
-
Unahin ang broccoli sa pagpili ng gulay sa diet.
Broccoli ang isa sa pinakaimportanteng fertility food na dapat kainin ng mga lalaki. Mayaman ito sa Vitamin C, calcium, Vitamin K, omega 3 fatty acids at glucosinolates, at mahusay na panlaban sa cancer, atake sa puso, stroke, allergy, at pamamaga, pati sa mga sakit sa buto tulad ng osteoporosis. Makakbuti rin ang asparagus, peas, patatas, parsley, at spinach na mayaman sa Vitamin C.
-
Nakakatulong din ang isda.
Hindi lang sa broccoli makukuha ang omega-3 fatty acids, kundi lalo na sa mga isda tulad ng fishes mackerel, lake trout, herring, sardinas, tuna at salmon. Ayon sa libro ni Dr. Lewis, nakakabuti ang pagkain ng isda at fish oil dalawang beses sa isang linggo, para makuha ang sustansiya nito. Ang essential fatty acids ng isda ay nakakatulong sa siskulasyon ng dugo sa reproductive system kaya’t napapabuti ang kalidad ng sperm at bilang ng sperm.
-
Piliin ang mga isasahog sa pagkain: bawang, red capsicum, at luya ang makakatulong.
Nadiskubre ng mga mananaliksik ang tulong ng bawang sa problema sa testicular functions at sa kabuuang kalusugan ng lalaki. Huwag lang sosobra, ayon sa mga doktor. Huwag lalabis sa 2 hanggang 4 na clvoes ng bawang sa bawat araw para makamit ang sapat na kalusugan.
Mahusay din ang red capsicum para sa sperm count, bukod sa pagiging epektibong antioxidant at mayaman sa Vitamin C. Nariyan din ang luya na mayaman din sa Vitamin C, magnesium, potassium, copper at manganese. Ang regular na pag-inom ng ginger tea ay nakakatulong din sa pagpapataas ng sperm count.
-
Magpapak ng buto ng kalabasa.
Kasama sa infertility treatment ang pagkain ng buto ng kalabasa, pati buto ng sunflower, dahil mayaman ito sa phosphorous, magnesium, manganese, copper, zinc, iron at protein, dahil mabuti ito para sa pagkakaron ng malusog na semilya.
Kailangan din ito para sa testosterone metabolism, testicle growth, at sperm production, pati sperm count, at nakakatulong na mabawasan ang labis na estrogen sa male reproductive tissue.
Para sa mga babae
Ang mga karaniwang problema sa inferitlity ng babae ay nasa problema sa ovulation at obaryo, at hormonal imbalance.
-
Kumain ng almonds at iba pang nuts.
Maraming uri ng nuts tulad ng almonds at walnuts ang makakatulong sa problema sa infertility ng mga babae. Mayaman ito sa Vitamin E, nakakatulong sa sex drive, at napapanatili ding ligtas ang sanggol sa sinapupunan, bukod pa sa nilalabanan nito ang cancer at atake sa puso.
Vitamin E ang nakakatulong sa kalusugan ng mga itlog na nilalabas ng reproductive system ng babae. Dagdag pa ang paglaban nito sa pagkakaron ng birth defects at pagkalaglag.
-
Itlog, para sa malusog na itlog sa obaryo.
Itlog ang isa sa pinakaimportanteng pagkain para sa mga nagsusubok na magbutnis, lalo na sa mga babae. Mayaman ito sa Vitamin D, Vitamin E, Vitamin K, Vitamin B6, Vitamin A, calcium, folate, phosphorous at selenium, at nagbibigay ng protina para, at nakakatulong sa pagpapalusog ng buto, buhok at kuko. Ang pagkaing may Vitamin D ay nakakatulong sa pagpo-prodyus ng estrogen at hormones na importante para sa malusog na sexual at reproductive system.
-
Kung pipili ng gulay, unahin ang asparagus.
Mayaman ang asparagus sa Vitamin B6 na nakakatulong sa pagpapadami ng progesterone, ang steroid hormone na inilalabas ng mga babae sa reproductive system at may kaugnayan ito sa menstrual cycle, pagbubuntis at embryogenesis. Mayaman din ito sa Vitamin E, Vitamin K, Vitamin A, magnesium, zinc, fiber, selenium, thiamin, riboflavin, niacin, Vitamin B6, iron, copper at manganese, na nagpapalusog sa ovum. Nakakatulong din ito na maiwasan ang pagkalaglag at pagkakaron ng birth defect ng sanggol.
Alam na marahil ng lahat ang magic ng tofu, pagdating sa paglaban sa breast at prostate cancer, osteoporosis at anemia. Mabuting pinagkukunan din ito ng magnesium, iron, Vitamin K, thiamin, riboflavin, niacin, Vitamin B6, iron, copper, manganese at selenium.
Kapag hindi sapat ang iron na nakukuha ng isang babae, maaaring magkaron ng anovulation (o problema sa ovulation) at hindi malusog na mga itlog, kaya’t hirap sa pagbubuntis.
Ang patatas ay nakakatulong na makapaglabas ng enzymes sa katawan, na nakakatulong sa pagkabit ng fertilized egg sa obaryo at nakatutulong na maiwasan ang pagkalaglag ng bata. Mayaman ito sa Vitamin B at E na nakakatulong naman sa pagkakaron ng malusog na obaryo.
-
Saging sa bawat araw ang pinakamahusay na panghimagas.
Ayons mga pag-aaral, saging ang isa sa pinakaimportanteng pagkain para sa mga babaeng nagsusubok na magbuntis. Mayron itong taglay na Vitamin B6, Manganese, Vitamin C, Potassium, Dietary Fiber, Protein, Magnesium, Folate, Riboflavin, Niacin, vitamin A at iron. Tumutulong din itong labanan ang cancer, hika, diabetes at atake sa puso. Ang Vitamin B6 ay partikular na nakakatulong sa produksiyon ng sex hormones na nakakatulong sa ovulation at hormonal balance.
Ang pagtutok sa mga kinakain at sa pangkabuuang kalusugan ay ang susi para sa tagumpay na pagbubuntis. Walang mawawala kung isasama ang mga pagkaing ito sa araw araw na listahan ng kakainin, kasama na nang pag-iwas sa mga nakasasama sa kalusugan.
READ: The all-new list of best fertility foods for women and men
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!