Hindi maaalis sa pagbubuntis ang pagiging emosyonal. ‘Wag magugulat kung mararamdaman mo na hindi balanse ang iyong mental health during pregnancy. Yung tipong ngaon ay sobrang saya mo pero bukas bigla ka na lang makakaramdam ng lungkot na hindi mo alam kung saan nanggagaling. In fact, madalas na nararanasan ang anxiety at stress habang nagbubuntis lalo na kung first time mom ka. Mahalagang pangalagaan ang mental health during pregnancy.
Ayon sa World Health Organisation (WHO), nasa 10% ng mga buntis worldwide “and 13 percent of women who have just given birth experience a mental disorder, primarily depression.”
Ito ang nagpapatunay na ang pregnancy ay isang challenge para sa mga nanay. Mula sa pagbabago ng mga hormones hanggang sa pisikal na anyo, tests at scans, marami ang pwedeng mangyayari sa loob ng 9 months. Kung nakarananas kana ng mental disorder dati, mas mataas ang tyansa na mararanasan mo ulit to habang nagbubuntis.
Sa kasamaang palad, maraming babae ang hindi pinapahalagahan ang kanilang mental state. Ito ay dahil nakafocus sila sa paglaki ng kanilang anak. Hindi alam ng karamihan na kung hindi bibigyang pansin ang mental disorde na ito, maaaring magdulot ito ng mas seryosong consequences sa ina at mismo sa lumalaking bata.
Good news! Dahil marami ang mga practical treatments sa tamang pagbalanse ng mental health ng isang buntis bago , habang at pagkatapos ng kanilang pagbubuntis.
Pero bago ang lahat, kailangan mo munang maintindihan kung ano ba talaga ang nararanasan mo ngayon. May limang uri ng healh issue sa mga buntis na labis naaapektuhan ang kanilang stado.
Mental health during pregnancy | Image from Freepik
Mental health during pregnancy: 5 Common Emotional Disorders
Maraming babae ang nakakaranas ng ganitong mga condition sa loob lang ng 9 months. Samantalang ang iba namang buntis na hindi pa nakakaranas ng issue sa mental health ay maaaring madevelop ito habang nagbubuntis. Narit ang mga common mental health condition during pregnancy na kailangang bigyang pansin.
1. Depression
Ang depression sa pagbubuntis ay hindi mo mamamalayan na meron kana pala. Ayon sa isang pag-aaral na pinublish sa British Journal of Psychiatry sa National Institute for Health Research, nasa 25% ng mga kaso ng postpartum depression ay nagsisimula sa pagbubuntis.
Napagalaman rin na mataas ang rating ng depression sa 8 months ng pregnancy. Mahirap malaman kung ang nararanasan mo ba ay matatawag mo nang depression. Ngunit kapag nakita mo na ang mga sintomas na ito, kailangan mo nang magpatingin sa iyong doctor.
- Pagiging malungkutin o miserable sa araw-araw
- Iritable, anxious at galit sa halos lahat ng bagay
- Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati ay nag eenjoy ka
- Hirap sa pagtulog o sobra sobra ang pagtulog
- Umiiyak palagi kahit sa maliit na bagay
- Overeating o pagkawala ng appetite
- Sobrang pagkapagod
- Lack of concentration
- Nawawala ang connection sa baby at nakakapag isip ng malulungkot na mga bagay
- Pagkawala ng connection sa asawa
- Pag-iisip na ikaw ay isang ‘masamang ina’
- Thoughts of self harm
- Suicidal thoughts
Kung napansin mo na ang mga gantiong sintomas, mabuti lang na sabihin agad ito sa iyong pamilya at bumisita sa doctor. Makakatulong ito para malaman kung ano ang primary cause ng iyong depression. Ito ay maaaring dahil sa iyong history ng depression sa iyong pamilya o kaya naman baka naman may taong nakakaranas rin nito na nakakasama mo.
Kung ito ay unplanned pregnancy, maaaring makaranas ka ng mga unrealistic expectation sa iyong pagbubuntis.
Pwede rin na mayroon kang problema sa iyong marriage o relationship sa iyong asawa. Magpakonsulta sa iyong doctor upang maiwasan ang seryosong consequences.
2) Anxiety
Isa pang common mental health issue during pregnancy ay ang anxiety. May mga uri ng anxiety at nakabase sa iyong mga sintomas.
- A generalised anxiety disorder
- Obsessive compulsive disorder (OCD)
- Post-traumatic stress disorder (PTSD)
- Agoraphobia (fear of places)
- A panic disorder
Nakakaramdam ng mga sintomas ang mga babae bago sila magbuntis. Habang iba naman ay nadedevelop habang sila ay nagbubuntis. Kung napapansin mo na nag ganitong mga signs, maaaring ikaw ay nakakaranas na ng anxiety.
- Stress at worried sa lahat ng pagkakataon
- Hirap kumalma at may muscular tension
- Hirap sa pagtulog
- Worrying thoughts
- Physical panic attacks katulad ng hirap sa paghinga o hindi mapakali
- Pagkahilo
Karamihan sa ati nay nakakaranas ng stress. Minsan ay nakukuha sa work o personal relationships. Pero kapag ang anxiety ay galing sa pregnancy, ito ay seryosong tagpo na kailangang bigyan ng pansin. Worried ka sa iyong health at ni baby samahan pa ng societal pressures.
Ang mga babaeng biktima o survivors ng sexual assault ay maaaring makaranas ng anxiety habang nagbubuntis. Ngunit sa iba ito ay nararanasan pagkatapos ng pregnancy o hanggang sa tumagal ang parenthood.
Nakakaramdam ng pagkahilo, shortness of breath, hot flashes at pagtaas ng heart rate habang nagbubuntis. Ito ay nagdudulot ng panic attacks. Mahalagang bumisita sa doctor upang mabigyan ng proper treatment. Dito ay sasailalim ka sa therapeutic treatments, Ayurveda, at iba pang mindfulness exercises. Sa malalang condition, kailangan nila ng medication ng doctor.
Mental health during pregnancy | Image from Freepik
3) Bi-polar disorder
Isa itong form ng depression na kabilang ang extreme types ng emotions– high (mania), lows (depression), at hypomania (pagbabago ng mood).
Ito rin ay isang uncommon form ng mental disorder at kadalasan ay genetic din. Ang mga sintomas nito ay may kapareho sa actual depression.
Narito ang sintomas ng bi-polar disorder during pregnancy.
- Makakaramdam ka ng sobrang kasiyahan
- Marami ang araw na ikaw ay iritable imbes na malungkot
- Mataas na energy at paggalaw ng todo
- Mabilis na pagsasalita
- Kulang sa tulog pero sobra ang energy
- Sobrang confident sa iyong talent, looks at abilities
- Nais lumahok sa mga delikadong activities
- Pagtaas ng libido
- Pagkawala ng kontrol sa sarili
- Pagtaas ng paggamit ng alcohol at drugs
- Sa extreme cases, makakaranas ka ng psychotic symptoms
Ang mga babaeng na-diagnosed sa bi-polar disorder bago ang pregnancy ay m
Magandang maplano ang pregnancy katulong ang doctor samga babaeng na-diagnosed sa bi-polar disorder bago ang pregnancy.
Kaya magandang kumonsulta muna sa iyong doctor dahil ang mga sintomas na ito ay isang challenge para sa iyong buntis.
4) Schizophrenia
Ang schizophrenia sa pagbubuntis ay uncommon at ito ay nakukuha sa family history. May dalawang uri ng schizophrenia sa mga babaeng nakakaranas nito: hallucinations at delusions.
Ang sintomas nito ay ang pag iisip na nakakakita sila ng mga bagay na akala mo ay totoo pero ang hindi naman pala. Minsan ay nararanasan rin nila na kinokontrol sila ng mga mga bagay na kanilang nakikita. Narito ang mga sintomas nito:
- Pag-iwas sa tao dahil sa paranoia
- Hirap magdesisyon
- Hindi mapakali
- Hirap magkagawa ng mga normal daily tasks
- Jumbled speech
- Abnormal na pagtulog kung saan tulog sa araw habang gising sa gabi
Kung mapapansin mo ang ganitong mga sintomas, mabuting magpatingin agad sa iyong doctor.
5) Eating disorders (and lack of nutrition)
Isang common issue rin ng mental health during pregnancy ang pagkakaroon ng hindi sapat na nutrition o sleeping disorders. Ang mga babaeng may eating disorder noong teenage years ay kadalasang nadadala rin niya sa kanyang pagbubuntis.
Ito ay anorexia nervosa, bulimia nervosa, at a generic lack of nutrition.
Sa kabilang kaso naman, ang ibang nanay ay natatakot na madagdagan ang kanilang timbang dahilan para bawasan nila ang kanilang pagkain. Sa bulimia nervosa, makakaranas ka ng nervous eating. At dahil dito hindi nakakakuha ng sapat na nutrition ang iiyong katawan.
Ito ay maaaring dahil sa economic reasons o ikaw ay kabilang sa harmful substances katulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak o pag gamit ng drugs. Lahat ng ito ay maaaring magdulot ng stillbirth o miscarriage.
High risk ang mga babaeng may eating disorder during pregnancy. Ito ay dahil sa:
- Prone sa anaemia.
- Ang mga babaeng nakakaranas ng eating disorder katulad ng bulimia nervosa ay may mataas na tyansa sa miscarriage.
- Ang pagkawala ng sapat na nutrition ay dahilan upang tumagal sa recovery mula sa caesarean, episiotomy, o tearing.
- Walang sapat nag nutrition na makukuha si baby
- Ang mga babaeng nakakaranas ng eating disorder ay maaring magkaroon ng maliit na baby na may maliit na ulo. Maaari rin silang magsilang ng low-weight premature babies.
Hindi ito namamalayan agad. Kaya naman, mabuting imonitor ang iyong eating disorder. Challenging ito dahil hindi mo makokontrol ang iyong timbang.
Kung ikaw ay may eating disorder, kailangan mo ng dobleng pagbabantay sa iyong health upang magkaroon ka ng sapat na nutrition at si baby. Kumonsulta sa iyong dietician o GP para mabigyan ka ng proper food chart. Tandaan, kung ikaw ay breastfeeding, ang pagpigil sa pagkain ay makakaapekto sa iyong breastmilk at sa health ni baby.
Pagkatapos ng iyong panganganak, kung ikaw ay limitado pa rin sa pagkain, bumisita agad sa iyong doctor upang ikaw ay masuri.
How To Improve Mental Health During Pregnancy
Bukod sa pagbisita sa iyong doctor, marami pa rin ang practical ways upang mabantayan ang iyong mental health during pregnancy. Makakatulong ito sa iyong pagbubuntis at maiiwasan ang pag-suffer sa aforementioned mental health issues.
Mental health during pregnancy | Image from Freepik
1. Talk it out
Ang pagiging isang ina ay nakakalungkot paminsan-minsan. Kung may masasabihan ka ng iyong mga saloobin, makakabuti ito sa’yo upang maging malaya at maayos ang iyong pregnancy.
Maaari ring sabihin ito sa kapwa mo ina. Makakatulong ito sa’yo dahil mararamdaman mong hindi ka nag-iisa at may nakakaintindi ng iyong saloobin.
Ang mahalaga ay dapat hindi mo pigilan ang iyong emotions o challenges. Bakit hindi mo subukang mag enroll sa ibang pregnancy classes para maibsan ang iyong takot at worries.
2. Make a wellness plan
Isang magandang pag uugali ang pagkakaroon ng importansya sa iyong health bago magbuntis. Ang maayos na plano kasama na ang listahan ng mga activities ay makakatulong sa iyong pagbubuntis para mapanatili ang pagiging healthy. Isa rin itong way para ma-express mo ang iyong feelings.
mag enroll sa antenatal classes at magkaroon ng malalim na ugnayan sa iyong baby.
3. Exercise and meditate
Isang magandang pag-uugali rin ang hindi pagbalewala sa iyong mind, soul at body sa tulong ng exercise at medication. Humingi ng permission sa iyong GP tungkol rito. Kasama na ang physical activities katulad ng swimming, walking, o running.
Kailangan ng iyong mind ng break mula sa trabaho o routine life. Makukuha mo ito sa pamamagitan ng medication at deep-breathing exercises.
4. Treat yourself
Sa pagbubuntis, maaaring nakakalimutan mo na ang mga bagay na dati ay lagi mong ginagawa. Kaya naman, bakit hindi mo i-treat ang iyong sarili sa massage, manicure, fancy dinner, safe activities o travel? Kailangan mo pa ring mag-enjoy!
5. Ask for support
Kung nararamdaman mo na ikaw ay nahihirapan, ‘wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa iba. Ito ay pwedeng pamilya mo, asawa o kaibigan. Umattend rin ng counseling kung kinakailangan. Subukan rin ang complimentary therapies katulad ng acupuncture o yoga.
Ang iyong nine months ay talaga namang rollercoaster. May pagkakataon na makakaramdam ka na wala kana sa kontrol pero tandaan lang na mahalaga ang mental health during pregnancy. ‘Wag matakot kausapin ang pamilya para rito.
Pagkatapos ng lahat, ang pagkakaroon ng positive attitude at pag focus sa mental health during pregnancy ay isang mahalagang bagay na mararanasan mo sa iyong buhay.
Translated by Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Stillbirth: Anong gagawin ko pagkatapos mawala ni baby?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!