Stages of grief after stillbirth: Shock, anger, sadness, grief at guilt. Ilan lamang ito sa mga emosyong nararanasan ng isang ina pagkatapos ng kanyang miscarriage. Kung nararanasan mo ito ngayon, o naranasan mo na ang mawalan ng baby, always remember mommy, our hearts are with you.
Shock, anger, sadness, grief at guilt. Ilan lamang ito sa mga emosyong nararanasan ng isang ina pagkatapos ng kanyang miscarriage. Kung nararanasan mo ito ngayon, o naranasan mo na ang mawalan ng baby, always remember mommy, our hearts are with you. Marami ang kailangan pang matutunan tungkol sa stillbirth. Kasama na kung paano malalampasan ang tagpong ito. Ang emotional aftermath ng pagkakaroon ng stillborn baby ay karaniwang hindi naiintindihan ng lahat. Ito ay dahil sa iba’t-ibang paniniwala at kultura ng mga tao. Ngunit hindi pa rin maaalis ang katotohanan na, masakit ang mawalan ng isang anak.
Stages of grief after stillbirth
Sa isang pag-aaral ng Stillbirth Collaborative Research Network kung ano ang stillbirth at mga epekto nito sa nanay, nadiskubre nila na ang mga babaeng nakranas ng perinatal loss at mataas ang risk factor na makaranas ng depressive symptoms.
Ngunit ang stage na ito ng isang nanay ay kailangan ng mahabang oras at matatag na puso. Narito ang mga paraan kung paano maka cope up sa iyong pregnancy loss.
Stages of grief after stillbirth | Image from Cristian Newman on Unsplash
1. Let yourself grieve
Ang pagdaan sa stillbirth ay isang personal na bagay. Ito ay dahil mula sa simula pa lang, nagkaroon na ng matinding ugnayan ang ina at baby sa womb nito. Kaya naman mahirap tanggapin kung sakaling bigla na lamang mawawala ang taong iniingatan mo, at ito ang iyong one and only angel.
Mararanasan mo na kainin ng mga emosyong ito at hindi lahat ay naiintindihan ka. Marami rin ang magbibigay ng iba’t-ibang advice o opinion sa dapat mong gawin pero hindi lahat ay nararanasan ang matinding damdaming nasa puso mo. You have every right to grieve your own way.
2. Dealing with guilt
“Ano ba ang nagawa ko at kailangang mangyari ito?” Isa ito sa tanong na ang kasunod ay ang pagsisi sa sarili. Normal na sa isang tao ang sisihin ang iba o mismo ang sarili. Pero walang may kasalanan sa pagkawala ng iyong stillborn baby. Kadalasang nangyayari ito dahil sa pregnancy complication, placental problems at mga hindi inaasahang tagpo na wala nang may kayang kumontrol.
Ang pagkaramdam ng guilt ay isang memosyong hindi basta-basta maaalis. Ngunit ang isang paraan para malampasan ito ay ang pagkausap sa iyong doctor. Dito ay matutulungan ka niya upang mawala ang guilt sa iyong puso. May pagkakataon ring sasailalim ka sa test para matignan ang iyong health at kung nais mong magsagawa ng autopsy.
3. Express your feelings
Mahirap isipin na kailangang mong iligpit ang nursery na ginawa mo para sa iyong anak sahil hindi na ito kailanman niya magagamit. Ang mga binili at hinanda mong gamit niya katulad ng diaper, crib o damit ay mananatiling alaala nalamang. Natural ang malungkot sa ganitong pagkakataon. Kaya naman ‘wag mahihiyang ilabas ang tunay na emosyon o sabihin ang lahat ng iyong nararamdaman. Makakatulong ito upang gumaan kahit papaano ang dinadala mong bigat sa puso.
Stages of grief after stillbirth | Image from Kelly Sikkema on Unsplash
Hindi mo kailangang mag-isang dumaan sa ganitong pag-subok. lalo na kung nandyan ang iyong asawang katuwang mo sa lahat ng bagay. Maaaring makapangyarihan ang iyong emotions pero tandaan, hindi ka nag iisa dahil nandyan din ang asawa mo na nararanasan ang nararamdaman mo.
Suportahan ang isa’t-isa. Makinig at ‘wag kakalimutan na irespeto ang kanya-kanyang emosyon. Ang pag express sa sarili ay hindi kadalasang sinasbai ito ng malakas. Maaaring ito ay idaan sa mga activities katulad ng journaling o pagbabasa ng libro.
4. Honour your stillborn baby
Bigyan ng oras ang sarili. Minsan hindi mapipigilan ang emotional trauma at gugustuhin mo na lamang na kalimutan ang nangyari. Ngunit tandaan na ang pangyayaring ito ay hindi basta-bastang makakalimutan at hindi isang pikit mo lang ay mawawala na ang sakit. Bakit hindi mo subukang gumawa ng closure sa iyong baby? Honouring your stillborn baby, not only as a loss, but as a person.
Magplano ng funeral. Tanggapin ang pagkawala ni baby at mag-iwan ng goodbyes sa kanya ngunit ‘wag iyong kakalimutan.
5. Get a support system
Madami ang itakwil o layuan ang mga tao at piliin ang mag-isa. May mga pagkakataong mas gugustuhin mo na lang na hindi kumibo o hindi makarinig ng kahit anong salita sa lahat. Pero laging tatandaan na hindi lang ikaw ang nasasaktan. Nandyan rin ang pamilya mo na dumadaan s isang pagsubok. Nalulungkot rin sila sa pagkawala ng iyong baby.
Hindi mababayaran ang ang suportang kayang ibigay ng iyong mga mahal sa buhay. Kaya naman tanggapin ang kanilang tulong at pang-unawa sa’yo. Hayaan silang tulungan ka sa gawaing bahay, magluto o ipakita ang kanilang pagmamahal sa’yo. It is okay to have help.
Stages of grief after stillbirth | Image from Luis Galvez on Unsplash
Hindi kailangang ikahiya ang pagtanggap ng tulong sa iba. Nakakabawas ng bigat sa puso ang pagsali sa mga support group ng mga nanay na nakaranas rin ng naranasan mong bigat. Makakatulong ito upang ma-express mo ng buo ang iyong nararamdaman. Pwede rin namang magbasa ng mga libro patungkol dito. Kung sakali namang nararamdaman mo pa rin ang patuloy na pagbigat ng iyong puso o hindi nakakatulong ang mga ito, maaari nang kumonsulta sa espesyalista.
6. Take care of yourself
‘Wag kakalimutan na ang physical aspect ng pagkakaroon stillbirth ay nasa katawan mo pa rin. Ang iyong gatas ay patuloy pa rin sa pag-produce. Kailangan mo pa ring alagaan ang iyong sarili sa ganitong pagkakataon. ‘Wag ring mababahaal kung sakaling makakaranas ng stomach cramp dahil ang iyong womb ay bumabalik na sa normal size nito.
Magkaiba ang physical pain sa emotional pain. Pero laging tatandaan na ang iyong katawan ay kailangan ring magpahinga at makarecover. Ang pag-alaga sa iyong physical health ay isang way rin para maka-cope up sa current mental state. Kumain ng healthy foods, uminom ng madaming tubig at magpahinga.
7. The future
Kung iisipin sa ganitong pagkakataon, malabo pa ang future na nakikita mo. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unti mo na itong mabubuo muli. ‘Wag hahayaan na ipressure ka ng karamamihan. Tandaan, it is your body and the choice is yours. Maaaring ngayon ay nararanasan mong kainin ng lungkot, ngunit dadating rin ang araw na makakatayo ka at makikita rin ang kagandahan ng iyong paligid. Ang kailangan mo lang ay tulungan ang iyong sarili na makarecover at bumangon.
Kung sakaling bumubuti na ang iyong emotional state, mabuting komunsulta sa iyong doctor upang mabigyan ka niya ng mga paalala. Maaari mo ring tanungin kung paano ang magiging proseso ng sunog na pagbubuntis mo.
Labanan lang ang takot at maging open-minded sa lahat ng advice. Mommy, Hindi ka nag-iisa.
Translated by Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!