“Mama, bakit parang gising si baby kahit tulog?”
Familiar ba, Mommy? Yung akala mo gising na si baby kasi gumagalaw, umuungol, o nagpipilit dumilat… pero tulog pa pala!
Don’t worry, normal lang ‘yan sa newborn sleep! Ang tawag dito ay active sleep, at bahagi ito ng natural na newborn sleep cycle. Mahalaga na alam natin ang pagkakaiba ng active sleep at quiet sleep para hindi natin agad napuputol ang tulog ni baby—at para makatulog rin si Mommy nang mahimbing!
Ano ang Active Sleep sa Newborn Sleep?
Sa active sleep ng newborns, mapapansin mong medyo malikot si baby. Gumagalaw ang kamay at paa, umaalog-alog ang katawan, umuungol, umiimik, o minsan pa nga parang ngumingiti o umiiyak. Pero tulog pa sila!
Ayon sa mga eksperto mula sa American Academy of Pediatrics (AAP) at mga pag-aaral na inilathala sa journal na Sleep Medicine, ang mga newborn ay gumugugol ng halos 50% ng kanilang newborn sleep sa active sleep. Mahalaga ito sa brain development—dito kasi nahuhubog ang memory, learning, at overall cognitive growth ni baby.
Ano naman ang Quiet Sleep sa Newborn Sleep?
Kapag quiet sleep na, makikita mong kalmado si baby—steady ang paghinga, halos hindi gumagalaw, at mukhang tulog na tulog. Dito nangyayari ang physical growth, cell repair, at deep rest.
Ang quiet sleep ay mas “tahimik” para kay baby at mas less likely siyang magising. Kaya kung natutulog na siya nang ganyan, mas okay huwag na istorbohin.
Gaano katagal ang Sleep Cycle ng Newborn Sleep?
Ayon sa child development experts mula sa Raising Children Network (Australia), ang isang sleep cycle ng newborn ay tumatagal ng 40 hanggang 60 minuto. Sa loob nito, nagpapalitan ang active at quiet sleep.
Pagkatapos ng isang cycle, natural na gumagalaw o nagigising sandali si baby. Kaya kung mapansin mong parang nagising siya, hintay-hintay lang muna—baka bumalik rin siya sa quiet sleep nang hindi mo kailangang buhatin.
Bakit Mahalaga Itong Malaman Tungkol sa Newborn Sleep?
Kapag naiintindihan natin ang natural na sleep behavior ng mga sanggol, mas confident tayong mga nanay. Hindi na tayo madaling mag-panic sa bawat ungol o galaw.
Sabi rin ng mga pediatric sleep experts mula sa Children’s Hospital of Philadelphia, mahalagang alam ng mga magulang ang mga signs ng active sleep sa newborn sleep cycle para maiwasan ang hindi kailangang paggising sa baby—na maaaring makaapekto sa tulog nila at sa tulog mo rin, Mommy!
Panoorin: Real-Life Newborn Sleep — Active to Quiet Sleep
Sa video na ito, makikita ninyo mismo ang baby ko habang nasa active sleep—gumagalaw, umiimik, pero tulog pa rin! Pagkatapos ng ilang minuto, makikita n’yo rin kung paano siya bumalik sa quiet sleep nang kusa, nang hindi ko siya binuhat o ginising.
Panoorin sa Instagram: www.instagram.com/reel/DJSn9pLzTk-/?utm_source=ig_web_copy_link&igsh=MzRlODBiNWFlZA==
Ang ganitong eksena ay common sa newborn sleep, pero minsan nakakapanibago talaga para sa mga bagong magulang. Kaya mahalaga ang kaalaman—mas confident ka, mas makakatulog rin si baby nang mas mahimbing.
Mommy Tip:
Pag nag-stir si baby, hintay-hintay lang. Baka active sleep lang sa newborn sleep cycle ‘yan. Bigyan siya ng konting minuto—malamang bumalik siya sa mahimbing na tulog nang kusa.
Mas tipid sa pagod, at mas maraming tulog si baby at ikaw!