Development at milestones ng isang bata: 6 taon at 5 buwang gulang

Ang development ng 6 taon 8 buwang gulang na bata. Ano ang mga dapat mong makita na pagbabago sa kanya? Alamin din ang mga dapat mong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakiramdam mo ba ay parang kahapon lang ang iyong anak ay sobrang dependent pa sa iyo? Pero ngayon ay hindi na baby ang iyong baby! Ngayong siya ay 6 taon at 5 buwang gulang na, normal na makikita mong minsan ay aasta siya na parang matanda.

Minsan ay ipapakita niya sa iyo na handa na siya para sa bigger responsibilities. Pero mararamdaman mo rin na madalas ay kailangan niya pa rin ng atensyon at lambing mo.

Tignan natin ang development ng iyong 6 taon 5 buwang gulang na anak.

Pero tandaan, hindi ito diagnosticl tool at puwedeng iba ang development ng iyong anak. Mayroong kanya-kanyang paraan sila ng paglaki. Pero kung mayroong mga bagay na sa tingin mo ay nakaka-alarma, kumonsulta na rin sa doktor para matukoy agad ito.

Development ng 6 taon 5 buwang gulang: Is Your Child on Track?

Physical Development

Sa yugtong ito, ang average height at weight ng iyong anak ay dapat na:

  • Lalaki
    – Height: 118.3 cm (46.6 inches)
    – Weight: 21.8 kg (48 lb)
  • Babae
    – Height: 117.9 cm (46.4 inches)
    – Weight: 21.4 kg (47.1 lb)

Ngayong siya ay 6 taon at 5 buwang gulang na, gusto niyang ipakita na siya ay malaki na. May lakas na siya ng loob na gumawa ng mga bagay para ipakita ang kanyang kakayahan. ‘Wag kayong masyadong kabahan, moms and dads dahil ito ay patunay lang na right on track ang development ng inyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, ang mga bata na ganitong edad ay kailangan talagang mag-ubos ng energy.

Mapapansin mo rin ang improvement sa kanyang hand-eye coordination. Makakapagpakita na rin siya ng galing sa mga activities katulad ng pagbato o pagsalo ng bola at iba pang mga teamwork-based sports. Ito naman ay maaring magresulta sa pagkakaroon niya ng leg pains o minsan nga ay tummy ache.

Ganunpaman, kung maging paulit-ulit ang pagsakit ng mga ito ay dapat mo na rin siyang patignan sa doktor.

Ito ang mga bagay na dapat nagagawa na ng 6 taon at 5 buwang gulang:

  • Makapagsulat ng letters
  • Makapag-pinta ng mas realistic na imahe
  • Makapaglaro ng skipping rope
  • Makapag-cartwheel
  • Matutong mag-bike
  • Makapagbato ng bola
  • Magsimulang mawalan ng baby teeth

Parenting Tips:

  • Mag-schedule ng isang oras na physical activity araw-araw. Subukan din siyang isali sa mga extracurricular classes o sports team.
  • Puwede mo rin siyang i-sign up para sa swimming classes.
  • Hikayatin mo rin siyang alamin ang mga skills niya at suportahan siya sa mga bagay na nae-enjoy niyang gawin.
  • Subukan din gumawa ng mga activities na pwede niyong gawin pareho. Magandang example ito para maging physically active siya habang lumalaki.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor:

Kung sa tingin mo na ang iyong 6 taon at 5 buwang gulang na anak ay medyo huli sa development, kumonsulta na sa doktor para malaman ang dapat gawin. Ito ang ilan sa mga senyales na dapat mong tignan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kung ang skills ng iyong anak ay parang hindi nag
  • Kapag hindi niya pa kayang magsuot ng damit niya
  • Kung hirap siyang makatulog sa gabi o madalas na nagigising-gising
  • Kapag madalas siyang nakaka-ihi sa kama, lalo na kung tumigil na ito at nangyayari ulit

Cognitive Development

Ang cognitive skills at pag-unawa ng iyong anak ay mas magiging complex. Dahil siya ay papasok na sa school, mapapansin mo na nakakasunod na siya sa iba’t ibang instructions at hindi na lang siya nakatuon sa isang task.

Ang kanyang curiosity ay nagde-develop din at dahil dito ay magiging meaningful na ang mga conversation na kanyang magagawa. Normal na sa kanya na magtanong nang magtanong para magkaroon ng mas malalim na pag-intindi sa mga bagay sa paligid niya. Mabuti ito dahil ibig sabihin ay nagiging maalam na ang iyong anak.

Tignan ang mga sumusunod na development sa iyong anak:

  • Makakatanda na siya ng hanggang tatlong magkakahiwalay na instructions
  • Kaya na niyang makalabas sa isang maze
  • Kaya na rin niyang makakopya ng mga complex shapes katulad ng diamond
  • Nagtatanong na siya ng mga makabuluhang tanong
  • Kaya na niyang mag-ulit ng mga numbers kahit pabaligtad

Parenting Tips:

  • Hikayatin ang iyong anak na magtanong nang magtanong. Hayaan mo siyang makipag-usap ng tuluyan sa mga tao.
  • Bigyan ng opportunity ang iyong anak na matuto sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na bago sa kanya.
  • I-challenge din ang iyong anak. Turuan din siya na hindi laging kailangan manalo, mas importanteng matuto sa mga ginagawa niya at magamit ito sa hinaharap.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor?

  • Kapag nahihirapan siyang magbasa ng simpleng pangungusap
  • Kung hindi siya makasunod sa mga simpleng instructions
  • Kapag hindi siya tumitingin sa tuwing tinatawag ang kanyang pangalan
  • Kung mainitin ang uli niya at madalas na nananakit

Social and Emotional development ng 6 taon 5 buwang gulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iyong 6 taon 5 buwang gulang na anak ay mayroon ng pakialam sa mga opinyon ng iba. Siya ay natututo na ring makipag-cooperate at mag-share ng kung ano ang mayroon siya. Mapapansin mo rin na magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan.

Habang ang iyong anak ay nakikipag-kaibigan, siya ay magiging expressive din at matututong intindihin ang kanilang feelings. Dahil nagiging kumportable pa lamang siya sa pagpapakita ng kanyang emosyon, maaari mo siyang mahuli na minsan ay magsabi ng white lie o mag-cheat sa tuwing nakikipaglaro. Dahil bilang bata, tinitignan pa rin nila kung ano ang puwede sa hindi.

Sa kabuuan, ito ang mga milestones ng iyong anak sa stage na ito:

  • Nakakapaglaro mag-isa pero kaya ring makapaglaro sa ibang bata
  • Nakakakopya ng mga kilos ng mga matatanda sa paligid nila
  • Nakikipaglaro sa mga bata na kapareho nila ng gender
  • Nae-enjoy maglaro ng board games o turn-based games
  • Mayroon ng self-control
  • Hindi na masyadong nagkakaroon ng emotional outbursts

Parenting Tips:

  • Bigyan ng oras ang iyong anak na mag-discuss ng seryosong issues katulad ng bullying, peer pressure, violence, sexuality, at drug use. Mahalaga na bata pa lang sila ay unti-unti mo na itong ma-open sa kanila.
  • Magkaroon ng rules sa screen time para hindi maapektuhan ang physical activities, family time o kahit sleeping schedule.
  • Magkaroon ng parental controls sa kanilang computer at TV para hindi sila makakita ng mga content na hindi pwede sa kanila.
  • Patulungin sila sa mga gawaing bahay.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor:

  • Kapag nagpapakita ng signs ang iyong anak na siya ay na-bully, kasama na ang pagiging mahiyain sa inyo sa tuwing siya ay dumadating galing sa school.
  • Kapag siya ay humihiwalay sa mga ibang bata at mahilig mag-isolate ng sarili.

Speech and Language development ng 6 taon 5 buwang gulang

Ang iyong anak ay marunong nang makipag-usap sa mga matatanda at kahit kapwa niya bata. Siya ay nakakapagsalita na rin ng diretso at ang kanyang mga responses ay maiintindihan mo na.

Ang batang 6 taon at 5 buwang gulang ay maaari na ring mahilig sa pagbabasa ng libro. Minsan nga ay magpapabasa pa sila sa iyo. Puwede rin naman na magbabasa sila at ikaw ang makikinig. Kapag nabasa niyo ang parehong libro, kadalasang magki-kwento pa ulit siya sa iyo dahil gusto niyang malaman mo na naiintindihan niya ang kanyang binasa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipagpatuloy mo lang ang pag-suporta sa kanya dito dahil sa katagalan ay makatutulong ito sa vocabulary niya.

Ang iba pang speech and language milestones:

  • Nalalaman na nila na may mga salitang iba-iba ang dahilan
  • Nakakakuha na rin sila ng mga jokes
  • Nakakapagsalita na sila ng buong sentence na may lima hanggang pitong salita
  • Nae-enjoy na nilang magbasa ng mga librong pambata
  • Nakakapagsulat na rin sila ng mga story na kadalasan ay tungkol sa kanila
  • Nakakapagsulat na rin sila ng mga salita pero minsan ay gawa-gawa lang nila ang spelling nito
  • Puwede ring natututo na silang gumamit ng capitalization at punctuation

Parenting Tips:

  • Makipag-ugnayan sa mga school administators o guro ng iyong anak para maging updated sa kanyang progress.
  • Maglaan ng oras para magbasa ng libro kasama ang iyong anak.
  • Tulungan siya sa kanyang mga homework pero ‘wag naman gawin ito lahat. Hayaan mo rin ang iyong anak na matuto.
  • Ugaliing bigyan sila ng instructions para ma-exercise ang kanyang focus.
  • Gumamit ng mga bagong salita sa tuwing ikaw ay magki-kwento para lumawak ang kanyang vocabulary.
  • Subukan ding mag-joke sa kanya para malaman niya ang ibig sabihin ng ibang salita.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor:

Tignan ang mga warning signs na ito kung ikaw ay nag-aalala sa development ng iyong anak:

  • Kapag nahihirapan siyang magbasa ng mga maiikling salita o simpleng sentences.
  • Kung siya ay madalas na nauutal.
  • At hindi siya nakikipag-usap nang maayos o nagsasalita.

Health and Nutrition

Ang batang 6 taon 5 buwang gulang na bata ay nagde-develop cognitively, emotionally, at physically. Para masigurong steady ang kanyang paglaki, ito ang balanced diet na dapat mong obserbahan.

Bukod kasi sa exercise na dapat ay 60 minuto kada-araw, kailangan din ng anak mo na kumain ng mga pagkain ng may sapat na sustansya. Bilang magulang, maging tamang role model sa kanila at kumain din ng healthy!

Tips: 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Maghanap ng 100% whole grain kaysa sa mga pagkain made with whole grain lang. Ang una kasi ay mas healthy dahil hindi ito masyadong na-process.
  • Bantayan din ang dami ng kinakain ng iyong anak at pakainin pa siya ng mas marami kung nagugutom pa.
  • I-pair ang mga pagkaing may iron at Vitamin C katulad ng red meat at gulay na leafy greens. Pagkain naman tulad ng tomato at potato ay nakakatulong sa pag-absorb ng iron.

Ang mga bata sa edad na ito ay dapat mayroong:

Dapat na calorie intake nila ay:

  • Lalaki: 1789 Kcal/day
  • Babae: 1678 Kcal/day

Ang recommended daily dietary guidelines para sa 6 taong gulang ay dapat 1,200 calories. Kasama na rito ang mga pagkaing nabibilang sa food group ng dairy at protein.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Kapag ang iyong anak ay:

  • Underweight o overweight
  • Kapag nasusuka siya tuwing kumakain
  • Kung mataas ang kanyang lagnat

Vaccinations and Common Illnesses

Ito na dapat ang mga vaccine na mayroon ang iyong anak:

  • DTaP vaccine na nagpo-protekta sa kanya sa diphtheria, tetanus, at pertussis
  • IPV vaccine na nagpo-protekta sa kanya sa polio
  • MMR vaccine na nagpo-protekta sa kanya sa measles, mumps, and rubella
  • Varicella vaccine para sa chickenpox
  • Flu shot na karaniwang binibigay yearly

I-check sa kanyang doktor kung ang immunization record niya ay up-to-date.

Treating Common Illnesses

  • Gamot sa lagnat: Kung ang iyong anak ay may lagnat na umaabot sa 38°C (100.4°F), subukan ang ilang home remedies na ito. Gumamit ng maligamgam na tubig at sponge at punasan siya. Pwede mo rin siyang pagsuotin ng manipis na damit para lumabas ang init ng kanyang katawan. Siguraduhin din na siya ay kumakain pa rin ng tama at umiinom ng maraming tubig. Kung wala sa mga ito ang makatulong sa kanya, dalhin na siya sa doktor at painumin ng gamot na mabibili over-the-counter.
  • Gamot sa ubo: Marami ring home remedies na nakakatulong sa ubo. Subukan mong painumin siya ng kalahating kutsara ng dark honey. Ito ay makakatulong din sa kanyang immune system. Bigyan din siya ng sabaw para mag-clear ang nasal passages niya.
  • Gamot sa sipon: Painumin ng maligamgam na tubig ang bata. Para mawala ang bara sa ilong niya, maglagay ng cool-mist humidifier malapit sa kanya. Aalisin nito ang bara sa kanyang ilong para makahinga siya nang maayos. Bigyan din siya ng mataas na unan para makahinga habang nakahiga.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor:

Kapag ang iyong anak ay may:

  • Hindi karaniwang rashes, lumps o bukol
  • Nagtatae at nagsusuka
  • Mataas na lagnat na umaabot sa 39 degrees Celcius
  • Madalas na pagsakit ng ulo at ibang parte ng katawan

 

Translated with permission from TheAsianParent Singapore

BASAHIN: Child development and milestones: Your 6-years-6-months old

Sinulat ni

mayie