Development at milestones ng isang bata: 6 taon at 6 buwang gulang

Ngayong 6 taon 6 buwang gulang na ang iyong anak ay maraming exciting na developmental milestones ang dapat mong asahang mararanasan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga milestones at development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata na iyong mapapansin sa iyong anak.

Parang kailan lang ay maliit pa ang iyong anak. Ngunit ngayon sa kaniyang edad ay marami na siyang nararanasan at nagagawa. Isa nga sa mga bagay na matutunan niya sa edad na ito ay ang kung paano gumawa ng desisyon. At napakahalaga ng papel mo upang magawa niya ito ng tama. Upang mas magabayan ang iyong sa anak sa kaniyang paglaki, narito ang ilan pang dapat mong malaman sa development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata. Ngunit, tandaan na ito ay hindi isang diagnostic tool o sukatan kung siya ba ay nag-dedevelop ng tama. Sa halip ay isang guideline na magiging gabay mo sa kaniyang paglaki.

Halika’t tingnan natin ang mga milestones at development ng 6 taon 6 buwang bata.

Development ng 6 taon 6 buwang bata

Photo: istock

Physical Development

Sa edad na 6 taon 6 buwan, ang physical limits ng iyong anak ay masusubukan. Kaniya ng mai-enjoy ang maraming physical activities tulad ng pag-sipa ng bola o pagtalon sa lubid. Mas active siya ngayon na tutulong sa development ng kaniyang moving skills. Maliban sa kaniyang gross motors skills ay mahahasa rin ng mga activities na ito ang fine motor skills ng iyong anak. Mapapansin mong kaya niya ng mag-toothbrush ng ngipin niya mag-isa. O kaya naman ay ay gawin pa ang ibang daily hygiene task na hindi na humihingi pa ng tulong mo.

Pero asahan ding sa edad na ito ay magsisimulang mag-reklamo ang iyong anak tungkol sa mga sakit sa katawan na kaniyang mararanasan. Tulad ng sakit sa tiyan, binti at iba pa. Ngunit hindi ka dapat mag-alala, ito ay palatandaan lang na mas nagiging aware na siya sa kaniyang katawan.

Sa edad na 6 taon 6 buwan, ang normal height ng iyong anak ay nasa pagitan ng 42-51 inches. Habang ang healthy weight o timbang na dapat niyang taglay ay nasa pagitan ng 36-60pounds o 16kg-26kg.

Ang mga bata sa kaniyang edad ay lumalaki ng 2.5 inches kada taon at bumibigat ng 4-7 pounds.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa stage na ito, ang average height at weight ng iyong anak ay ang sumusunod:

Mga lalaki

– Height: 118.9 cm (46.8 inches)

– Weight: 22.0 kg (48.4 lb)

Mga babae

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

– Height: 118.5 cm (46.6 inches)

– Weight: 21.6 kg (47.6 lb)

Narito ang mga physical development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata:

  • Kaya ng mag-zipper at mag-butones ng damit niyang mag-isa.
  • Nakakagupit na siya ng mga hugis.
  • Nakakapagsulat na siya ng mga maliliit na letra sa loob ng linya sa kaniyang mga libro.
  • Nakaktakbo na siya sa zig-zag pattern.
  • Nakakatalon pababa sa hagdan.
  • Kaya niya ng mag-cartwheels.
  • Nasasalo niya na ng isang bola.
  • Natatali niya na ang sintas ng kaniyang sapatos.

Tips:

  • Magpakita ng interes at samahan ang iyong anak sa mga bagay na gusto niyang gawin.
  • I-enroll siya sa swimming lessons at fire safety training.
  • Turuan at samahan siyang mag-explore sa isang parke o nature reserve.
  • Hayaan siyang mag-desisyon kung paano niya gagamitin ang kaniyang free time.

Kailan dapat makipag-usap sa doktor

Kung mapapansin mong nahuhuli ang iyong anak sa anuman sa physical developments na nabanggit sa kaniyang edad ay makipag-usap sa iyong doktor. Ilan rin sa mga red flags o palatandaan na dapat mong ipag-alala sa kaniyang edad ay ang sumusunod:

  • Kapansin-pansin at patuloy na kawalan niya ng gana sa mga activities o skills na nagagawa niya noon.
  • Kawalan ng kakayahang gawin ang mga basic tasks tulad ng pagsusuot ng kaniyang school uniform.
  • Pag-ihi niya sa kama sa gabi na hindi niya ginagawa noon. Dapat ngayon sa kaniyang edad ay na-master niya na ang kaniyang bladder at bowel control.
  • Hirap siyang makatulog o matulog ng mahimbing sa gabi

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cognitive Development

Sa edad na 6 taon 6 buwan ay hindi pa marunong pumagitna o maging neutral ang iyong anak. Ang alam niya lang ay ang kaibahan ng tama at mali, magaling sa hindi at kung sino ang kaniyang kaaway at kaibigan.

Natututo naring maging intellectually at emotionally independent ang iyong anak ngayon. Mapapansin mong mas natututo rin siya gamit ang language at logic kaysa sa observation at experience.

Mababawasan narin ang interes niya sa mga fantasy plays. Dahil mas gusto niya ng ma-experience ang real world tulad ng mga adults.

Ilan sa mga cognitive development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata na mapapansin sa iyong anak ay ang sumusunod:

  • Mas naiitindihan niya na ang cause and effect relationship.
  • Mas tumatalas narin ang memorya niya.
  • Napagsasama-sama niya narin ang mga bagay ayon sa kanilang laki, hugis at kulay.
  • Kaya ng mag-solve ng simple math problems tulad ng addition at subtraction.
  • Mas nagiging curios sa paligid niya at mas dumarami ang kaniyang tanong.
  • Gumagawa ng maliliit na experiments upang subukan ang mga hyphotesis na naiisip niya.
  • Madali siyang ma-distract.
  • Madaling makalimot ng maliliit na request at directions.

Tips:

  • Habaan ang pasensya sa iyong anak at intindihing sinusubukan niya lang mas maintindihan ang mundong kaniyang ginagalawan.
  • Tulungan siyang masagot ang kaniyang mga tanong at maintindihan ang mga bagay na gumugulo sa kaniya.
  • Nakakatakot para sa iyong anak ang mga bagong pagsubok lalo na ang ideya ng pagkakabigo. Kaya naman mahalaga na ipakita sa kaniya ang iyong suporta. At pagpaparamdam na lagi ka lang nasa likod niya kahit anong mangyari.
  • Turuan ang iyong anak na OKAY lang magkamali. Kaya naman hayaan siyang sumubok na mga bagong bagay at matuto mula rito.

Kailan dapat makipag-usap sa doktor

  • Kapag nagpapakita ang iyong anak ng aggressive behavior tulad ng pamamalo, paninipa at pananapak ng madalas.
  • Nagpapakita siya ng withdrawn, worried at depressive behavior.
  • Hirap siyang makipag-usap o makipaglaro sa ibang mga bata.
  • Hindi niya na-rerecognize sa tuwing tinatawag siya sa kaniyang pangalan.
  • Hirap siyang mawalay sayo.
  • Nahihirapan siyang sumunod sa two-part directions tulad ng “Itabi mo ang iyong bag at dalhin mo dito ang iyong soccer uniform.”

Photo: istock

Social and Emotional Development

Para sa social at emotional development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata ay mahalaga ang group play para sa kaniyang personal growth at sense of security.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hinahanap-hanap niya rin ang sense of accomplishment. Ang paggawa ng mga activities tulad ng paglalaro ng jigsaw puzzles o pagtatanim sa garden ay magiging napaka-rewarding para sa kaniya.

Normal lang din na mas magiging mapagbigay ang iyong anak sa kaniyang edad. Marunong narin siyang maghintay sa oras o turn niya.

Sa oras ng conflict o gulo ay magiging bukas narin siya sa negosyasyon. Marunong narin siyang makipag-cooperate na kung saan ang tinitingnan niya ay yung maabot ang goal ng kaniyang grupo.

Sa kabuuan, ang iyong anak ay ma-achieve ang mga milestones na ito sa kaniyang edad na 6 taon 6 buwang gulang:

  • Mas binibigyan niyang halaga ang peer acceptance. Kaya naman mas matutunan niyang magbigay at makipag-cooperate.
  • Binibigyan niya rin ng kahalagahan ang friendship at teamwork.
  • Nag-crave siya sa sense of accomplishment.
  • Nakikipag-negotiate siya kaysa sa hindi sumunod.
  • Nakukumpara niya narin ang kaniyang sarili sa ibang mga bata.

Tips:

  • Makakatulong kung isasali siya sa mga clubs tulad ng girls scouts o boy scouts.
  • Limitahan ang mga direct commands at hayaan siyang gumawa ng desisyon para sa kaniyang sarili.
  • Purihin ang iyong anak sa mga tama niyang nagawa.
  • Bigyang atensyon ang strengths at positive qualities ng iyong anak. Purihin ito upang madagdagan ang kaniyang self-esteem at confidence.
  • Gumamit ng side-step approach kaysa maging confrontational. Tulad nalang sa kung mapapansin mong umiinit na ang usapan ay itigil na ito at magbukas ng ibang topic.
  • Suportahan ang iyong anak upang mas magtiwala siya sa kaniyang sarili. At i-encourage siyang i-enjoy ang pag-iexpress sa sarili niya.
  • Kausapin ang iyong anak tungkol sa kaniyang nararamdaman. At turuan siya sa mga tamang salita sa pagsasalarawan ng nararamdaman niyang ito.

Kailan dapat kausapin ang doktor

  • Kapag ang iyong anak ay sobrang tahimik o mahiyain pagkagaling sa school. Ito ay maaring palatandaan ng bullying.
  • Kapag nagpapakita siya ng extreme signs of aggression tulad ng pananakit ng kapwa.

Photo: istock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Speech and Language Development

Sa edad na 6 taon 6 buwang gulang ay pumapasok na sa mundo ng story-telling ang iyong anak.

Ang kaniyang imahinasyon ay mas pinapalawak ng pagbabasa at gusto niyang ibinabahagi ito sa mga kaibigan niya. Natututo narin ang iyong anak na i-express ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsusulat. Kaya naman mas madali siyang makaka-relate sa iba.

Perfect time ito para sayo na bigyan siya ng iba’t-ibang reading materials. Dalhin siya sa library para sa isang visual treat at dito i-spend ang quality afternoon ninyo na magkasama.

Ang iba pang speech and language development ng 6 taon 6 buwang gulang na bata ay ang sumusunod:

  • Nakakapagsalita na siya ng simple ngunit kumpletong sentences na may lima hanggang pitong salita.
  • Nakakapagsabi narin siya tungkol sa kaniyang skills o behavior na ipinakita. Tulad ng “Kaya kong kumain ng 10 hamburgers.”
  • Nakakabuo na siya ng maliliit na argumento.
  • Kaya niya ng sumunod sa tatlong magkakasunod na utos. Tulad ng “hugasan mo ang kamay mo. Itabi mo ang iyong mga libro. At bumaba ka rito para kumain na tayo.”
  • Nalalaman narin niyang may mga salita na may higit sa isang kahulugan.
  • Gumagamit na siya ng present at past tense sa mga sentence na kaniyang nabubuo.
  • Na-indentify niya na ang mga word patterns.
  • Kaya niya ng bali-baliktarin ang pagkakasunod ng mga titik at numero. words.

Tips:

  • Kilalanin ang mga guro at iba pang mga taong nakakasalimuha ng iyong anak sa kaniyang school.
  • Magbasa ng mga libro sa iyong anak at hayaan din siyang magbasa para sayo. Kung siya ay magkamali ay hayaan at itama ito. Ngunit huwag siyang pagalitan ng dahil dito.
  • Tulungan ang iyong anak sa kaniyang mga homework. Pero bilang isang facilitator at hindi para ikaw ang gumawa nito para sa kaniya.
  • I-praktis siya sa tamang classroom behavior. Bigyan siya ng maliliit na task upang siya ay matutong mag-focus at sumunod sa mga instructions.
  • Kausapin ang iyong anak tungkol sa mga bagay na interesado siya. Tulad ng kaniyang paboritong hayop o sports upang ma-encourage siyang makinig at sumagot.

Kailan dapat kausapin ang doktor

  • Kapag siya ay hirap magbasa ng maiikling salita o sentences.
  • Nabubulol o laging nauutal magsalita.

Photo: istock

Health and Nutrition ng iyong 6 taon 6 buwang gulang na anak

Ang iyong anak ay lumalaki ng mabilis kaya naman dapat mong masiguro ang kaniyang maayos na paglaki. Dapat ay siguradong nakakakuha siya ng sapat at tamang nutrients para sa kaniyang katawan araw-araw.

Tips:

  • Siguraduhing laging may stock sa inyong bahay ng mga healthy food choices. Tulad ng prutas, gulay, yogurt, milk at cheese. At gawing madali para sa iyong anak na maabot o makuha ang mga ito.
  • Limitahan ang pag-inom niya ng kahit anong liquid sa oras ng pagkain.
  • Gawing goal na mabigyan siya ng happy mealtime palagi.
  • Magbigay ng sweets sa kaniya bilang occasional treat.
  • Sa oras ng pagkain ay bigyan lang ng konting serving ng pagkain ang iyong anak. Dagdagan nalang ito kapag gusto niya pa.

Ang nutrition at physical activity ay dapat sabay na nakukuha ng maayos ng iyong anak. Kaya naman maliban sa masustansiyang pagkain ay dapat nakakagawa ang iyong anak ng hindi bababa sa 60 minutes na physical activity araw-araw.

Ideally, ang mga bata sa ganitong edad ay dapat nakakakuha ng mga sumusunod na nutrients araw-araw:

Ang recommended daily dietary guidelines ng isang batang 6 na taong gulang ay dapat hindi bababa sa 1,200 calories. Binubuo ito ng mga pagkain na mayaman sa protein, dairy products pati na prutas at mga gulay.

Ang calorie intake ng batang babae at lalaki sa edad na ito ay ang sumusunod:

Lalaki: 1,796 Kcal/day

Babae: 1,686 Kcal/day

Dairy group

Isa sa importanteng nutrient group na kailangan ng lumalaking bata ay dairy. Makakatulong ito para pagpapatibay ng kaniyang ngipin at mga buto.At sa edad na ito ay kailangan ng iyong anak ng 2.5 cups ng gatas o yoghurt sa kaniyang diet. Siguraduhin lang na iyong ibibigay sa kaniya ay ang low in fat.

Subukan ang mga fun food options na ito upang maidagdag ang dairy sa diet ng iyong anak:

  • Yogurt popsicles
  • Banana smoothie
  • Rice cream pudding
  • Fettuccine carbonara
  • Date scones
  • Homemade strawberry frozen yogurt

Protein group

Para sa mga batang edad 6 na taong gulang, inirerekumenda ng CDC na hindi dapat bababa sa 19 grams ang protein intake sa araw-araw.

Kung picky eater ang iyong anak ay huwag mag-alala. May mga paraan upang mabigyan siya ng great source of protein na mai-eenjoy niya. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Magdagdag ng ground flax seed sa smoothies.
  • I-swap ang oats sa flour sa mga baked goods.
  • Idagdag ang red lentils sa soup na gusto ng iyong anak.
  • Palitan ang regular potato chips ng protein-packed chips.

Fruit and vegetable group

Pagdating sa pagkain ng prutas at gulay mas mai-enjoy ito ng iyong anak kung isasama mo siya sa pagpe-prepare nito. Hayaan siyang tumulong sa kusina at obserbahan mo kung paano ito makakatulong sa language at math skills niya. Iwasan rin ang stress sa pagpapakain ng gulay at prutas sa iyong anak sa pamamagitan ng pagiging creative.

Ang mga bata sa ganitong edad ay nangangailangan ng hindi bababa sa 1 tasa ng prutas at 1.5 tasa ng gulay sa isang meal.

Grains

Ang iyong 6 taon 6 buwang gulang na anak ay kailangan ng 4 ounces ng grains araw-araw. Ibigay ito sa kaniya sa pamamagitan ng mga ready-to-eat cereals o isang slice ng home-cooked na tinapay. O kaya naman ay ½ cup ng cooked pasta o cooked cereal.

Puwede ring bigyan siya ng oatmeal, quinoa, whole-wheat bread, popcorn o brown o wild rice. Siguraduhin lang na lilimitahan siya sa pagkain ng mga refined grains tulad ng white bread, pasta at kanin.

Sa kabuuan ay narito ang mga kailangang pagkain ng iyong anak sa araw-araw:

Fruits: three cups para sa lalaki; three cups para sa mga babae

Vegetables: two cups para sa lalaki; two cups para sa mga babae

Grains: four ounces para sa mga lalaki; four ounces para sa mga babae

Proteins: 36g para sa lalaki; 36g para sa babae

Milk: 17-20 ounces para sa lalaki; 17-20 ounces para sa babae

Water: 1500 ml para sa lalaki; 1500 ml para sa babae

Tips:

  • Ihalo ang mga paboritong kulay ng iyong anak sa gulay na ihahain sa kaniya.
  • Isama ang iyong anak sa pag-prepare ng pagkain niya.
  • Subukan ang ibang paraan ng pagluluto ng isang putahe. Tulad ng mashed, riced, roasted, steam o blended. Saka tingnan kung alin sa mga ito ang pinaka-nagustuhan ng anak mo.

Kailan makipag-usap sa doktor

  • Kapag ang iyong anak ay sobrang mababa o mabigat ang timbang para sa kaniyang edad.
  • Nasusuka sa tuwing kumakain.
  • Nawawalan ng gana sa mga pagkain na madalas niyang kinakain.
  • Biglang kawalan ng gana sa pagkain.

Vaccinations and Common Illnesses ng 6 taon 6 buwang gulang na bata

Halos lahat ng bakunang kailangan ng iyong anak ay naibigay na sa edad niyang ito. Ngunit mabuting makipag-usap parin sa iyong doktor upang makasigurado. Dahil may mga bakunang tulad ng flu shot na kailangang naibibigay sa kaniya ng regular.

Sa ganitong edad ay mas marami naring oras ang iyong anak sa eskwelahan kaysa sa inyong bahay. Kaya naman asahang maari siyang mahawa sa mga sakit rito tulad ng sipon at ubo. I-encourage siyang magsabi agad sayo kung hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Pati na kung nakakaranas siya ng pangangati o itching sa katawan. At bantayan kung may mga rashes na lumalabas sa kaniyang balat.

Mahalaga ring tandaan ng mga magulang na ang bawat bata ay iba-iba. Ganoon din ang kanilang mga development at milestones na dapat lang gawing basehan o gabay sa kanilang paglaki.

Treating Common Illnesses

Para malunasan ang mga tatlong sakit na madalas na nakukuha ng mga bata sa edad na ito, narito ang mga maaring gawin:

Lagnat:

Subukan muna ang mga home remedies kung may lagnat na 38°C (100.4°F) pataas ang iyong anak. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tuwalyang may maligamgam na tubig sa kaniyang noo. Damitan rin siya ng preskong kasuotan para lumabas ang init sa kaniyang katawan. Siguraduhin rin siya ay nakakain ka ng maayos at nakakainom ng sapat na dami ng tubig.

Kung hindi parin bumaba ang lagnat niya ay magpakonsulta na sa inyong doktor. Mahalagang tandaan na huwag painumin ng aspirin ang iyong anak. Dahil sa ito ay napatunayang nagdudulot ng Reye’s syndrome, isang delikadong sakit na nakakaapekto sa utak at atay.

Ubo:

Subukan rin ang home remedies sa pagbibigay lunas sa ubo. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng half teaspoon ng honey sa iyong anak. Dahil ang honey ay high in antioxidants.

Puwede mo ring subukang bigyan ang iyong anak ng chicken soup dahil mayroon itong anti-inflammatory properties. At nakakatulong rin ito upang lumuwag ang kaniyang paghinga. O kaya naman ay gumamit ng cool-mist humidifier sa kwarto ng iyong anak. Nakakatulong ito para maibsan ang chest at nasal congestion lalo na sa gabi.

Sipon:

Ang sipon ay madalas na gumagaling sa loob ng ilang araw. Pero makakatulong ang pagpapa-inom ng maligamgam na juice o decaffeinated tea with honey sa iyong anak para mas mapabilis ang paggaling nito. O kaya gumamit ng dehumidifier at bahagyang itaas ang ulo ng iyong anak gamit ang unan sa tuwing siya ay matutulog sa gabi. Ito ay upang hindi siya mahirapang huminga.

Ngunit kung ang mga home remedies na ito ay hindi umepekto sa sakit ng iyong anak ay magpakonsulta na sa doktor. Ito ay para makapag-reseta sila ng gamot na maaring makapagpagaling sa iyong anak. Magandang ideya rin kung tuturuan ang iyong anak na i-praktis ang good personal hygiene. Tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng panyo.

Kailan dapat makipag-usap sa doktor

Kapag ang iyong anak ay:

  • May lagnat na higit sa 39 degrees Celsius
  • May mga kakaibang rashes o bukol sa kaniyang katawan.
  • Lagi siyang nagrereklamo na masakit ang kaniyang ulo o ibang parte ng katawan.
  • Sumusuka o nagtatae ng higit sa dalawang araw na.

 

References: WebMD, CDC,  Kidshealth, MSF, Psychology Today, Livestrong

Previous month: 6 taon buwan

Next month: 6 taon 7 buwan