Development at milestones ng isang bata: 6 taon 7 buwang gulang

Ngayong siya ay 6 taon at 7 buwang gulang na, asahan mo na ang unang taon ng iyong anak sa primary school ay magiging abala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Asahan mo na ang unang taon ng iyong anak sa primary school ay magiging abala. Kaya naman dahil dito ay siguradong madadamay ka rin. Maaaring noong una ay hindi ka pa sanay na wala na siya sa inyong bahay at matagal mo siyang hindi nakakasama, pero ngayong siya ay 6 taon at 7 buwang gulang na, marahil ay sanay ka na.

Ayon sa mga eksperto, ang tawag sa stage na ito ay “middle childhood”. Dito pa lang natututunan ng iyong anak na maging independent, pero kasabay nito ay hinahanap-hanap niya pa rin ang pag-aalaga mo.

Ang paglalaro rin niya ngayon ay magbabago na. Magsisimula na siyang gumaya ng mga napapanood niya sa TV o nababasa sa libro.

Magiging mas bibo rin siya at mahihilig sa mga fun physical activities. Kaya naman kailangan mong tulungan ang iyong anak na maging healthy!

Development ng 6 taon 7 buwang gulang

Image from Freepik

Physical Development

Sa stage na ito, halos hindi mapigilan ang iyong anak sa paglaki. Ang growing rate ng mga bata sa edad na ito ay 2.5 inches hanggang 6 cm kada taon. Kadalasan din silang nadadagdagan ng 3 kilos kada taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa puntong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:

  • Lalaki
    – Height: 119.4 cm (47.0 inches)
    – Weight: 22.2 kg (48.9 lb)
  • Babae
    – Height: 119.0 cm (46.9 inches)
    – Weight: 21.8 kg (41.0 lb)

Dahil siya nga ay nahihilig sa physical activities, maari na rin niyang subukan na mag zigzag patterns, cartwheel o tumalon talon. Mapapansin mo rin ang kanyang improvement sa gross motor skills. Puwedeng matuto na siya na tumakbo at maghabol ng bola saka sipain ito o di naman kaya ay mag-skip rope nang umiikot-ikot.

Ang mga structured sport ay makakatulong din sa kanya. Puwede mo siyang i-enroll sa dance class o di naman kaya ay paglaruin siya ng soccer o tennis.

Ang fine motor skill niya naman ay nagdevelop na rin. Kaya niya nang mag-toothbrush na hindi nangangailangan ng tulong. Mapapansin mo rin na kaya niya ng gumupit ng irregular shapes at magsulat ng maliliit na letra sa kanyang school books.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Mararanasan din ito ng iyong 6 taon 7 buwang gulang na anak:
  • Magsisimula na siyang maging aware sa kanyang katawan
  • Mabubungi na ang kanyang mga baby teeth
  • Magiging mas madami na ang physical skills niya
  • Mas magkakalaman siya at dadagdag ito sa kanyang overall na timbang
  • Magkakaroon na rin siya ng 20/20 eyesight
  • Siya rin ay magiging mas energetic pa
  • Matututo na rin siyang sumunod sa mga rules sa laro

Tips

  • Kailangan niya pang mas ma-expose sa mga physical activities
  • Hayaan siya na maglaro rin sa labas
  • Makipaglaro rin sa kanya. Sa paraang ito, magkakaroon kayo ng bond at makakatulong din ito para ma-boost ang kanyang confidence
  • Bantayan naman sila kung sakaling gumawa ng mga activities katulad ng pagsampa-sampa sa mga matataas na lugar
  • Kausapin din sila na manghingi ng tulong kapag kailangan
  • Ilayo rin sa kanila ang mga harmful na household products, tools, equipment at firearms

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Obserbahan ang mga sumusunod na senyales. Dito mo kasi matutukoy kung mayroong mali. Kung ang mga senyales na ito ay mapansin mo sa anak mo, maiging kumonsulta na sa doktor.

  • Kung ang progress ng kanyang pisikal na kakayanan ay mabagal o paurong
  • Kapag hindi siya makatulog sa gabi
  • Sakali namang siya ay ma-injure dahil sa paglalaro sa labas o dahil sa sports, dalhin din siya kaagad sa doktor
  • Kung madalas siyang maihi sa kama

Cognitive Development

Image from Freepik

Ang iyong 6 taon 7 buwang gulang na anak ay magkakaroon na ng malay pagdating sa tama at mali. Mapapansin mo rin na mangsisita siya ng mga kaibigan niya kapag sila ay may hindi ginagawang tama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalawak na rin ang kanyang attention span at kakayanin na niyang sumunod sa mga mas komplikadong gawain para sa eskwela. Mapapansin mo rin na kaya na niyang:

  • Sabihin ang kanyang edad
  • Magbilang hanggang 10
  • Ma-express nang maigi ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsasalita
  • Makatukoy ng mga cause and effects
  • Makapagbasa at makapagsulat nang maayos
  • Mayroon na rin silang konsepto ng oras

Tips

Sa puntong ito, kailangan mong turuan ang iyong anak na ayos lang magkamali. Mas maiging sumubok ng mga bagong bagay kaysa matakot na magkamali. Turuan din sila na wag sumuko kahit maging mahirap ang sitwasyon. Ito pa ang ilan sa mga tips na makakatulong sa iyong 6 taon at 7 buwang gulang na anak:

  • Puriin sila tuwing may nagagawa silang mabuti. Iparamdam din sa kanila ang iyong pagmamahal.
  • Tulungan siyang magkaroon ng sense of responsibility. Puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa gawaing bahay.
  • Tanungin siya tungkol sa school, sa mga kaibigan niya at mga bagay na gusto niyang gawin.
  • Turuan din sila na magkaroon ng respeto sa iba at maging matulungin.
  • Tulungan siyang mag-set ng mga goals at suportahan siya rito.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Narito ang ilang senyales:

  • Kung hirap siyang makabasa.
  • Kapag mayroong senyales na siya ay nabu-bully.
  • Kung napapansin mong stressed siya.
  • Sakaling ayaw niyang mahiwalay sa’yo.
  • Kung mas gusto niyang naiiwan mag-isa o maglaro mag-isa.
  • Kapag ayaw niya ring sumasali sa mga activities.

Social and Emotional Development

Ngayong 6 taon at 7 buwang gulang na ang iyong anak, mas magiging malalim na ang kanyang pag-intindi sa mga relationships. Kung minsan ay mapapansin mong makakaramdam siya ng selos, pero dahil mga bata pa sila, hindi naman din ito nagtatagal.

Dahil natututo pa lang siyang makipag-kaibigan, madalas ay kumukuha siya ng sense of security sa mga taong close sa kanya. Mas nagiging importante na rin sa kanya ang opinyon ng kanyang mga kaibigan. Pero dahil dito ay matututo na rin siyang makipag-cooperate at magbahagi ng mga mayroon siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon ay natututo na rin siyang mag-express ng kanyang sarili. Kaya na rin niyang magsabi kung ano ang nararamdaman niya o kung ano ang kanyang gusto.

Puwede mo ring i-expect na magsinungaling siya o manduga dahil inaalam pa lang din niya kung ano ang puwede sa hindi.

Tips

Ito ang mga kailangan mong obserbahan para maging mabuting magulang sa iyong 6 taon at 7 buwang gulang na anak:

  • Hayaan ang iyong anak na pumili ng sports at laruan. Bigyan lamang siya ng mga options.
  • Bigyan siya ng limit sa paglalaro ng video games o paggamit ng computer. Siguraduhing hindi maapektuhan ang oras na dapat siya ay naglalaro sa labas o natutulog.
  • Basahan sila ng libro o di naman kaya ay hikayatin silang magbasa sa iyo.
  • Maglagay ng parental control sa inyong computer at TV.
  • Wag matakot na kausapin sila tungkol sa mga isyu katulad ng peer pressure, violence, drug use, and sexuality. Ipaliwanag lang din ito sa paraang maiintindihan nila.
  • Maari mo ring i-enroll siya sa swimming lesson o fire safety training.
  • Tulungan siyang maintindihan na okay lang magkamali. Ang mahalaga ay hindi siya sumuko o matakot na sumubok.
  • Ipaintindi rin sa kanya na may mga consequences ang mga ginagawa nila kaya dapat na mag-ingat.
  • Disiplinahin ang iyong anak dahil ito ang paraan para maprotektahan sila. Imbis na parusahan sila pag may nagagawa silang mali, kausapin na lang sila nang masinsinan tungkol dito.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

  • Kung nauutal ang iyong anak pag nagsasalita.
  • Kung hirap siyang sumunod sa mga instructions.
  • Kapag hirap siyang makipagkaibigan.
  • Kapag nananakit siya ng iba o may tendency na maging aggressive.

Speech And Language Development

Kaya na rin niya ngayong magsalita ng kompletong sentences! Dapat kang ma-excite dahil dito! Natututo na rin siya ng 10 na bagong salita kada araw at patuloy na lumalawak ang kanyang vocabulary. Kaya kung siya ay nagiging madaldal o nahihilig mag-joke, normal lang iyon.

Nalalaman na rin niya ang importansya ng pagsasalita. Kahit na minsan ay may pagka-bulol pa siya sa R o ang mga salita niya ay minsan hindi maintindihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa puntong ito dapat ay marunong na siyang:

  • Makasunod sa tatlong utos nang sunod-sunod.
  • Nalalaman na rin niyang may iba’t ibang kahulugan ang isang salita.
  • Matututo na siyang mag-joke.
  • Ang kanyang mental ability ay magkakaroon din ng pagbabago.
  • Makakapagbasa na rin siya ng mga librong angkop sa kanyang edad.
  • Kapag naman mayroon siyang narinig na mga salitang hindi niya alam, magtatanong din siya tungkol dito.
  • Kaya na rin niyang matukoy ang umaga at gabi, pati na rin ang kanan sa kaliwa.
  • Ang oras din ay kaya na niyang matukoy.

Tips

Hangga’t maaari, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa sa iyong anak. Isa itong paraan para matuto pa siya ng mas maraming salita. Hikayatin mo rin siyang magsulat ng mga salitang interesado siya at puwede mo rin siyang tanungin sa mga spelling nito.

Mapapansin mo rin na ang iyong 6 taon at 7 buwang gulang na anak ay magiging madaldal. At karamihan sa mga sasabihin niya ay patanong. Maging matyaga lang sa pagsagot sa kanya.

Kung makipag-usap siya, pansinin na para bang matanda na siya kung magsalita. Huwag namang mag-alala at kausapin lang din siya dahil magandang senyales ito.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

  • Kung hindi agad siya makasunod sa mga instructions na magkakasunod.
  • Kapag ayaw niyang isulat ang kanyang pangalan o sinasabi niyang hindi niya kaya.
  • Kung ayaw niya ring magbasa.
  • Kapag hirap kang pasunurin siya at masyadong nagiging makulit.
  • Kapag hindi niya mai-spell out ang mga simpleng salita.

Health And Nutrition

Image from Freepik

Ngayong 6 taon at 7 buwang gulang na ang iyong anak, kailangan niya ng mahigit 1,800 calories araw-araw. Turuan na rin silang kumain ng healthy dahil hindi lang ito nakakatulong sa kanilang paglaki kundi pati na rin sa kanilang learning abilities.

Dahil magiging physically active talaga sila sa edad na ito, kailangan magpantay ang nakukuha nilang nutrisyon mula sa mga kinakain nila. Hikayatin din siyang mag-exercise kahit pa sa bahay o school ito.

Ang mga pagkain na may dairy, protein at grains ay mahalaga para sa iyong anak.

Kadalasan, ang calorie intake ng mga bata sa edad na ito ay:

  • Lalaki: 1,805 Kcal/day
  • Babae: 1,693 Kcal/day

Tips: 

  • Siguraduhing nahugasan ang mga prutas bago ipakain sa kanila.
  • Gumawa rin ng salad at subukan silang pakainin nito.
  • Lagyan din ng gulay palagi ang inyong ulam.
  • Paminsan-minsan ay palitan din ng gulay ang karne para sa dagdag na protina.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

  • Kung siya ay under o overweight.
  • Kapag may nakita kang unusual rashes, lumps o pasa.
  • Mayroong lagnat na hindi bababa sa 39 degrees C.
  • Kung nasusuka siya tuwing kakain.
Vaccinations and Common Illnesses
Kadalasan ay tapos na ang mga vaccination na kailangan niyang makuha sa edad na ito. Pero kung hindi pa, dapat ay magtanong na sa inyong doktor at alamin ito.

Dahil mas matagal na ang oras na siya ay nasa eskwelahan, maaari siyang mahawa sa mga sakit. Kaya naman obserbahan ito at tignan kung mayroon siyang lagnat o rashes. Sabihan ang iyong anak na agad magsabi sa iyo kung siya ay mayroong nararamdamang ganito.

Gamot para sa Common Illnesses

Narito ang mga paraan para gamutin ang tatlong pinaka-common na medical issues sa mga bata:

  • Lagnat: Kung ang iyong anak ay may lagnat at hindi ito bumababa sa 38°C (100.4°F), painumin siya ng maraming tubig at pagpahingahin. Puwede mo rin siyang lagyan ng maligamgam na compress sa noo, kilikili at singit para mapababa ang kanyang temperature. Kung tumaas pa rin ang lagnat niya, dalhin na siya sa doktor.
  • Ubo: Kahit na ang pag-ubo ay dahilan lamang ng discomfort sa lalamunan, nagiging pahirap ito sa bata dahil madalas ay nadadagdagan ito ng baradong ilong at pagbahing. Ang mga home remedy katulad ng pagpapakulo ng luya o honey ay maari mong subukan. Painumin din ng tubig ang iyong anak at dalhin sa doktor kapag hindi talaga nawawala o kumakapal ang plema.
  • Sipon: Kung hindi naman masyadong malala ang sipon, iwasan muna ang pagbibigay ng over the counter na mga gamot sa iyong anak. Ang sipon ay kadalasang dulot ng isang virus at ang mga antibiotic ay hindi makakatulong. Kung ang sipon ay may kasamang sakit ng katawan at mataas na lagnat, puwedeng ito ay flu at kailangan mo nang dalhin ang iyong anak sa doktor.

Sa panahon ngayon, importante rin na turuan ang iyong anak na mag-practice ng tamang hygiene at maghugas ng kamay palagi.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

  • Kapag ang lagnat niya ay lagpas na sa 39 degrees Celsius
  • Kung mayroon siyang mga pasa sa katawan o rashes
  • Kung madalas siyang magreklamo dahil sa sakit ng ulo o ibang parte ng katawan
  • Kapag mayroon siyang diarrhea o nagsusuka siya

 

Translated with permission from TheAsianParent Singapore

BASAHIN: Development at milestones ng isang bata: 6 taon at 8 buwang gulang

Sinulat ni

mayie