Sa edad na ganito, ang anak mo ay paniguradong nasa primary school na. Isa itong panibagong challenge para sa kanya! Pero no worries mommy. Makakatulong naman ito sa development niya. At mas magiging independent na siya. Ngunit ‘wag kakalimutan na kailangan pa rin niya ng iyong gabay lalo na. sa pag build ng confidence at character niya.
Ngayon, tara na’t alamin natin ang mga milestones at development ng 6 taon 8 buwang gulang mong anak.
Ngunit tatandaan na lahat ng bata ay iba-iba. Hindi lahat ay nakikita agad ang kanilang sariling kakayahan sa parehong oras. Ang milestones na ito ay isa lamang gabay para sa iyo.
Milestones at development ng 6 taon at 9 buwang gulang
Physical Development
Sa edad na ito, nakakaya nang gawin ng iyong anak ang iba’t-ibang bagay. Kasama na rito ang mga delikadong activities! So, mommy tutukan ng maigi ang anak mo kapag siya ay naglalaro sa labas o kaya naman sa loob mismo ng inyong bahay.
Sa ganitong stage, ang average height at weight ng anak mo ay dapat:
- Boys
- Height: 120.5 cm (47.4 in)
- Weight: 22.6 kg (49.7 lb)
- Girls
- Height: 120.1 cm (47.3 in)
- Weight: 22.2 kg (49 lb)
Sa paglaki ng iyong anak, tumataas ang kagustuhan nitong maging independent. Kung hahayaan mo ang iyong anak sa kanilang kagustuhan mag-isa, mahahamon sila. Pwedeng kaya nilang magbihis ng kanilang sarili, isintas ang kanyang sapatos o magbike ng walang training wheels.
Bukod sa ibang motor skills katulad ng climbing, tumbling, running, at hopping, maaari mo rin siyang ienroll sa sa dance class o sports katulad ng soccer. O pwede rin namang sa swimming lesson. Paniguradong mag eenjoy siya rito!
Tips
- Hikayatin ang iyong anak na mag-explore ng ibang bagay at gawin ang mga activities na napupusuan niya.
- Saganitong edad, ang iyong anak ay nagpapakita na ng interes sa illustration. Bumili ng maraming art material para mapractice niya ang kanyang skills!
- Interesado rin siya sa iba’t-ibang sports. Ngunit marami rin ang mararanasang normal accidents katulad ng pagkalaglag s bike o pagkadapa. Mabuting alamin ang mga first-aid remedies.
When to see a doctor
- Kapag hirap hawakan ng iyong anak ang lapis o ibang art material
- Kapag hirap makisabay ang iyong anak s mga kaibigan niya habang naglalaro
- May problema sa simple hand-eye coordination katulad ng pagsalo ng bola
Cognitive Development
Ang iyong anak ay pumasok na sa primary school na. Sa ganitong stage ng anak mo, marami na ang kanyang mararanasan. Katulad na lamang ng pagpasok sa school, makakilala ng ibang tao at mararanasan ang ibang activities.
Ngunit good news naman dahil sa gaitong edad, mas nagiging focus sila sa mga bagay na kanilang nararanasan. Nakakatagal ang kanyang concentration ng 15 minutes pagdating sa school activities.
Kailangan rin ng anak mo na matutunan na magbasa, sabihin ang oras at intindihin ang konsepto ng mga numero.
Tips
- Sa ganitong edad, kasalukuyan pa rin nitong iniintindi ang sense of distance. Laging hawakan ang kamay ng iyong anak kapag tatwid ng kalsada para makaiwas sa aksidente.
- Mahalagang maintindihan ng anak mo ang basic fire safety training sa ganitong edad. Mag install ng smoke alarm sa inyong bahay at turuan ang iyong anak sa ganitong sitwasyon.
When to see a doctor
- Kapag hindi makasunod ang iyong anak sa simpleng instruction
- Pagkawala ng skill nya sa isang bagay na dati ay meron siya
Social and Emotional Development
Ang iyong little one ay kasalukuyang nagdidiscover ng mga bagong bagay sa kanyang sariling kakayahan. At mahalaga ang iyong suporta at gabay sa iyong anak sa pag build niya ng confidence.
Sa ganitong edad, ang iyong anak ay nagsisimulang maghanap maging independent mula sa kanyang pamilya. Kaya ‘wag kang magugulat kapag nagvolunteer siyang gumawa ng mga gawaing bahay. Ito ay makakatulong sa kanyang development, ang kanyang pagkukusa. Pero opps! Bantayan lang ng maigi. ‘Wag iiwan siya ng mag -isa dahil accidents i just around the corner.
Tips
- Purihin ang iyong anak sa bawat accomplishments na kanyang ginagawa. Ito ay makakatulong sa kanya upang mabuild ang kanyang confidence.
- Ipakita sa iyong anak na nasa tabi ka lang niya lagi upang makinig at gabayan. Pwede mo siyang tanungin tungkol sa kanyang school, kaibigan o mga gumugulo sa kanyang isipan.
- Ang mga batang nasa ganitong edad ay kadalasang nagsisinungaling, nangongopya at nangunguha ng ibang bagay na hindi sa kanya. ‘Wag mag alala dahil ito ay normal. Ngunit ‘wag kakalimutan na ipaalala sa kanya na may kaakibat na consequences ang kanyang ginagawa. Mahalagang ituro sa kanya ang konsepto ng tama at mali.
- Hikayatin ang iyong anak na sumali sa mga club o community work sa kanilang paaralan. Mahalagang iparanas sa kanya ang mga challenges na ito para mahasa ang kanyang problem-solving abilities.
- Turuan ang iyong anak na gumawa ng mga simpleng desisyon. Pwede mo siyang papiliin kung anong laruan o sports ang kanyang gusto.
When to see a doctor
- Kapag ang iyong anak ay lumalayo sa social interaction
- Kung makakakita ka ng mga senyales ng low energy, depression at anxiety
Speech And Language Development
Ang iyong anak ay ibinabahagi ang kanyang mga nalalaman sa lahat!
Sa edad na 6, ang iyong anak ay maaaring kilala na sa inyong lugar dahil sa kanyang mga joke at promises. Nakakabili na rin siya sa tindahan. Ngunit kadalasan rin nilang nakakalimutan ang sukli! Ang cute diba?
Umaabot na sa 2,600 hanggang 7,000 ang vocabulary ng iyong anak sa ngayon. Gumagamit na rin siya ng mga pronouns, possessives, tenses, at conjunctions ng tama.
Tips
- Patuloy lang na magbasa ng mga librong appropriate sa edad ng iyong anak para mag expand ang kanyang vocabulary.
- Ang pagababasa ay humahasa sa kanyang imagination. Ang pag discover niya ng iba’t-ibang literary genre ay nakakahikayat sa kanyang passion. Ito ay makakatulong sa kanyang sarili para unti-unting ma-build ang kanyang goals sa future.
- Kahit na nakakapagod minsan, ang pakikinig sa iyong anak ay importante. Communication establishes openness.
- Bantayan ang iyong mga salita at kilos. Tandaan, na sa’yo natututunan ng iyong anak ag lahat ng kanyang ginagawa.
When to see a doctor
- Kapag hindi nito nakukumpleto ang isang pangungusap.
- Kapag mas pinipili niyang mg-isa at hindi nagsasalita masyado.
- Hindi naiintindihan ang konsepto ng numbers, adjectives at time.
Health And Nutrition
Wait, lumalaki na talaga ang iyong anak! Ang kanyang baby teeth ay isa-isa nang nabubungi at napapalitan na ng mga permanent teeth. ‘Wag kakalimutang ipakilala siya kay Tooth Fairy!
Marami pang exciting task ang mararanasan ng iyong anak lalo na ngayon ay nasa primary school na siya. Lagi ring tatandaan na importante ang open communication sa inyong dalawa ng anak mo. Ito ay makakatulong sa mental health ng iyong anak.
Bumibigat na rin ang iyong anak at nadadagdagan ang kanyang timbang ng 4-7 pounds at lumalaki ng 2.5 inches kada taon.
Kailangan ng iyong anak ang 3 basic foods kapa ma-maintain niya ang well-balanced diet. ito ang darit, protein, fruits at vegetables.
Ang calorie na kailangang nasa isang bata ay:
- Boys: 1,819 Kcal/day
- Girls: 1,707 Kcal/day
Ang kanilang nutrisyon ay dapat kasama ang:
Protein
Sa paglaki ng iyong anak, kailangan niya ng tamang nutrients sa pagpapatibay ng kanyang muscles at ma-maintain ang malakas na pangangatawan. Nakakatulong ito sa pag repair ng kanyang tissues. Kaya siguraduhin na pakainin sila ng eggs, beans, meat at beans!
Fruits
Ang fruits ay nagdadala ng natural vitamis at minerals. Kaya mahalagang tandaan ang iba’t-ibang kulay ng prutas na ipapakain sa iyong anak.
Vegetables
Katulad ng fruits, ang gulay ay may enzymes na nakakapagpa-healthy at nakakapagpalakas sa katawan ng iyong anak. Nakakatulong rin ito upang makaiwas sa mga sakit at pagtaba.
Grains
Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.
Maari kang mamili kung ano ang nais mong ibigay sa kanya. Whole grains, oatmeal, quinoa, wheat brea, popcorn o brown rice. Ngunit ‘wag lang sosobrahan ang mga ito lalo na sa white bread, pasta at kanin.
Milk/Dairy
Sa edad na ito, tumutubo na ang permanent teeth ng iyong anal. Kailangan niya ng madaming calcium sa pagkakataong ito. Ang mga pagkaing mayaman sa calcium ay milk, cheese, o yogurt. Pwede rin ang ice cream, dessert type custard, at mousse sa kanyang dessert. Pero hinay hinay lang sa mga pagkaing ito dahil mataas ang sugar level nito.
Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:
- Fruits: three cups for boys; three cups for girls
- Vegetables: two cups for boys; two cups for girls
- Grains: four ounces for boys; four ounces for girls
- Proteins: 36g for boys; 36g for girls
- Milk: 17-20 ounces for boys; 17-20 ounces for girls
- Water: 1500 ml for boys; 1500 ml for girls (around six cups)
Tips
- Hugasan ng mabuti ang prutas o gulay bago kainin
- Ugaliin ang physical activity araw-araw
- Kailangan niya ng 9-12 oras ng tulog
- Regular visit ang kailangan sa kanyang dentist
- ‘Wag munang pagamitin ng mga gadgets
When to Talk to Your Doctor
- Kapag hindi nakakatulog ang iyong anak ng 9-12 hours
- Kapag hindi lumalaki ang iyong anak
Vaccinations and Common Illnesses
Ang anak mo ay nasa anim na taong gulang na, marapat lang na bigyan na ito ng proper vaccination. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng ipa nag vaccine katulad ng flu shot.
Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat.
Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.
Treating Common Illness
Laging tandaan na kahit may proper vaccine ang isang bata, maaari pa rin itong kapitan ng colds, flu at Hand Foot and Mouth disease. Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.
1. Fever
Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.
2. Cough
Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.
3. Cold
Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.
Sa ganitong pagkakataon, mahalagang ituro sa’yong anak ang proper hygiene. Simulan sa paghuhugas ng kamay. Prevention is always better than cure!
(*Disclaimer: This is the median height and weight according to WHO standards)
If you want to read the english article of this, click here.
BASAHIN: Development at milestones ng isang bata: 6 taon at 8 buwang gulang
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.