X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pagkain na may gluten, iwasan daw kapag nagbubuntis!

3 min read
Pagkain na may gluten, iwasan daw kapag nagbubuntis!

Dinodoble raw umano ng pagkain ng gluten habang nagbubuntis ang panganib ng type 1 diabetes sa mga bata. Dapat na bang umiwas sa pagkain ng gluten?

Siguro ay nabasa niyo sa internet o kaya napanood sa TV ang tungkol sa gluten. Ang gluten ay isang uri ng protein na natatagpuan sa mga pagkain na gawa sa harina. Para sa karamihan ng mga tao, safe kainin ang gluten. Pero tulad ng ibang mga pagkain, may mga taong nagkakaroon din ng allergy sa gluten. Ngunit ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagkain daw ng gluten ay posibleng maging sanhi ng diabetes sa bata.

Paano kaya ito mangyayari? At safe kaya ang pagkain ng gluten kapag nagbubuntis? Ating alamin.

Diabetes sa bata, epekto nga ba ng pagkain ng gluten?

diabetes sa bata

Posibleng maging sanhi ng Type 1 diabetes ang mga pagkain na may gluten.

Kung iyong titingnan, halos araw-araw ay kumakain tayo ng gluten. Mula sa pan de sal sa umaga, sandwich sa merienda, pati na ang mga instant noodles na kinakain natin. Lahat yan ay mayroong gluten.

 Ang gluten ang nagbibigay ng chewy na texture sa mga pagkain, lalo na ng mga tinapay. Ito rin ay nabibigay ng elasticity sa mga noodles at iba pang pagkain na mayroong harina.

Para sa karamihan ng mga tao, hindi naman masama ang pagkain ng gluten. Madalas ang kailangan lang umiwas dito ay ang mayroong mga gluten allergy, o kaya ang mga may kondisyon na celiac disease. 

Ngunit base sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa US, Denmark, at Iceland, posibleng may kinalaman ang pagkain ng gluten sa pagkakaroon ng Type 1 diabetes sa bata.

Ano ang koneksyon ng gluten sa Type 1 diabetes?

Pinag-aralan nila ang 63,500 na mga ina, at inalam kung gaano karaming gluten ang kinakain nila habang nagbubuntis. Natagpuan nila na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng diabetes ang anak ng  mga madalas kumain ng gluten habang nagbubuntis.

Sinabi ng mga researcher na hindi pa sila sigurado kung epekto nga ba ito ng gluten, ngunit may posibilidad na may kinalaman ang gluten dito.

Kung totoo nga ito, malaking tulong ito para sa kalusugan at sa research tungkol sa Type 1 diabetes. 

Ito ay dahil kumpara sa Type 2 diabetes, ang Type 1 diabetes ay hindi nagagamot, at panghabangbuhay itong kondisyon. Kung ang pag-iwas sa pagkain ng gluten sa pagbubuntis ay may epekto sa pagkakaroon ng Type 1 diabetes, malaking tulong ito para sa pagpigil ng Type 1 diabetes.

Dati ay inaakala ng mga eksperto na walang paraan upang makaiwas sa Type 1 diabetes. Pero dahil sa resulta ng pag-aaral na ito, puwedeng alamin kung ano ang papel ng gluten sa pagkakaroon ng Type 1 diabetes.

Ano ba ang Type 1 diabetes?

Ang Type 1 diabetes ay isang uri ng kondisyon kung saan sobrang kulang ang nagagawang insulin ng katawan. Ibig sabihin nito, mahalagang umiwas sa mga pagkain na mayroong mataas na sugar content, at importante sa mga may Type 1 diabetes ang pagturok ng insulin sa kanilang katawan.

Nakakamatay ang Type 1 diabetes kapag napabayaan dahil posibleng sumobra ang sugar sa katawan, o kaya naman ay posibleng bumagsak ito at maging sanhi ng diabetic coma. 

Madalas tinuturuan ang mga batang mayroong type 1 diabetes na kumuha ng sarili nilang dugo para sa blood sugar testing, o kaya ay mag-ineksyon ng insulin sa kanilang katawan. Hindi katulad ng Type 2 diabetes na isang lifestyle disorder, walang siguradong paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng Type 1 diabetes.

 

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

Source: Daily Mail

Basahin: Mga Food Allergies ng mga Babies

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pagkain na may gluten, iwasan daw kapag nagbubuntis!
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko