FIRST LOOK: Dianne Medina, isinilang ang anak nila ni Rodjun Cruz

FIRST LOOK: Dianne Medina, isinilang ang anak nila ni Rodjun Cruz

Baby Name Generator

Gender

Letter

Category

Country

Results

No Results

Tinawag na “answered prayer” ni Dianne Medina ang kanilang baby boy ng asawang si Rodjun Cruz. Isinilang ng TV host-actress ang kanilang panganay kaninang 1:55 am ng September 10 sa St. Luke’s Medical Center.

Dianne Medina

Isinilang ni Dianne ang kaniyang baby ng 1:55 am ng September 10

Sa maikling mensahe ni Dianne sa kaniyang Instagram account, isinulat nito: “My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III 💙Thank you my Almighty Father 🙏🏻 September 10, 2020 1:55 am 👶🏻”

Pinasalamat din nito ang kaniyang duktor na si Dr. May Gonzaga.

Samantala, nag-post din ang new dad na si Rodjun sa kaniyang sariling Instagram account: “( September 10, 2020) Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever & guide you every step of the way!💘😍🙏🏻 #AnsweredPrayer Thank you Lord ☝🏻 #BabyJoaquinILustre

Dianne Medina

Pinanganalan nina Dianne at Rodjun na Rodolfo Joaquin Diego III ang kanilang baby boy, isinunod sa tunay na pangalan ni Rodjun na Rodolfo

Dianne Medina’s pregnancy

Noong Easter ay inanunsiyo ni Dianne Medina na siya na nga ay nagdadalang-tao sa kanilang unang anak ng asawang actor-dancer na si Rodjun Cruz. Sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ipinakita ni Dianne ang kaniyang baby bump habang hawak naman ni Rodjun ang sonogram image ng kanilang baby.

“Easter is all about celebration of New Life. Today, as we celebrate the Resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me! We are immensely happy to announce that Rj and I are expecting! I’m 17 weeks pregnant!”

Dagdag pa nito: “We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way. And we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter day. Even if we are in this dire situation, we can hope for a brighter future ahead because Jesus has risen, and this is the bedrock of our faith. Please pray together with us on this journey. God bless and protect us all! Happy Easter! Thank you LORD! So happy!”

Binahagi rin ni Dianne Medina sa kanyang instagram account noong May ang kanyang journey sa pagbubuntis. Dahil sa COVID-19 at lockdown hindi na siya nakabili ng maternity clothes. Kaya naman sinusuot niya ang mga damit ng asawang si Rodjun.

Dianne Medina

Nag-post din si Rodjun sa kaniyang Instagram ng litrato na hawak niya ang kamay ng kaniyang baby boy

 

Isang malaking blessing ang pagdating ng kanilang little one. Dahil ayon kay Dianne at Rodjun, matagal na nilang gustong magkaroon ng anak at makabuo ng pamilya. Kinasal ang dalawa noong December 2019.

SOURCE:

Dianne Medina Instagram, GMA News

 

READ MORE:

Dianne Medina, buntis sa unang anak nila ni Rodjun Cruz

Homebirth at water birth, mas safe nga bang option ngayong may pandemic?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner