Babaeng may dalawang uterus, nanganak ng 2 beses sa loob ng 1 buwan

Narito ang kwento ng isang babae na nanganak ng kambal matapos manganak ng isang lalaking sanggol pagdaan ng 26 na araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Didelphys uterus o double uterus ang kondisyong taglay ng isang babae na hindi niya alam.

Dahil sa kondisyon ay nanganak siya ng isang lalaking sanggol na sinundan ng kambal matapos ang 26 araw.

Image from Freepix

Didelphys uterus o double uterus

Ang didelphys uterus o double uterus ay isang rare congenital abnormality. Ito ay tumatama sa isa sa 3,000 na kababaihan na nagdudulot ng malaking impact sa buhay nila.

Ang didelphys uterus ay nagsisimula sa maling pagkabuo ng uterus ng isang babaeng fetus.

Ang uterus ng isang babaeng fetus ay nagsisimula sa dalawang maliliit na tube. Habang nagdedevelop at lumalaki ang fetus, ang dalawang tube na ito ay nagsasama at binubuo ang uterus. Ngunit minsan, sa bibihirang pagkakataon, ang dalawang tubes ay hindi nagsasama. Kaya naman nabubuo ng magkahiwalay ang mga ito na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng double uterus o mas kilala sa tawag na didelphys uterus.

Ito ang paliwanag kung bakit nanganak ng isang lalaking sanggol na nasundan ng kambal matapos ang 26 araw ang isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng isang babaeng may didelphys uterus

Image from Freepix

Si Aria Sultana isang 20-year-old Bangladeshi woman na nanganak ng isang lalaking sanggol noong February.

Matapos ang ilang linggo pagkapanganak ay bumalik ito sa ospital dahil sa pananakit ng ibabang bahagi ng kaniyang tiyan.

Para matukoy kung ano ang dahilan ng pananakit ay dumaan ito sa isang ultrasound na hindi niya nagawa sa kaniyang naunang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At ang resulta ng ultrasound ay ikinagulat ng doktor pati narin ni Arifa.

Siya pala ay buntis parin at ang pananakit ng kaniyang tiyan ay sintomas na siya ay manganganak ulit, na sa puntong iyon ay isang kambal na.

Ayon sa gynecologist na tumingin kay Arifa na si Dr. Shiela Poddar ng Dhaka’s Ad-Din Hospital, si Arifa ay nanganak ng isang kambal na lalaki at babae sa pamamagitan ng caesarian section delivery.

Ang kambal ay ipinanganak na parehong malusog at ligtas ganoon narin ang kanilang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa National Institute of Health, napakabihira na magkaroon ng didelphys uterus o double uterus ang isang babae.

Isang napakabihirang sitwasyon rin na magkaroon ng anak na kambal ang mga babaeng may ganitong kondisyon.

Dahil madalas ang mga babaeng may didelphys uterus ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng miscarriage o premature birth bagamat possible rin ang successful pregnancy tulad nalang ng kay Arifa.

Ang didelphys uterus ay hindi matutukoy kung hindi dadaan ang isang babae sa pelvic exam o ultrasound.

Ngunit, ilan sa mga sintomas na may didelphys uterus ang isang babae ay ang pagkakaroon ng paulit-ulit na miscarriage. Pati narin ang napakalakas na regla na madalas ay nararanasan ng babaeng may didelphys uterus dalawang beses sa isang buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa premature birth at miscarriage, ang didelphys uterus ay maaring magdulot rin ng kidney abnormalities at infertility.

Sources:

People, Mayo Clinic

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement