Diego Loyzaga bilang isang ama: "Di ko paparamdam sa anak ko yung naramdaman ko."

Aktor nangangakong gagawin ang lahat para mabigyan ng masayang buhay ang anak at magiging mabuting ama para dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diego Loyzaga as a father sisikapin daw ang lahat para maging most supportive dad.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Diego Loyzaga as a father.
  • Aktor hindi naniniwala sa kasal.

Diego Loyzaga as a father

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Aktor na si Diego Loyzaga, ibinahagi sa isang panayam kung gaano siya kasaya ngayon na siya ay isa ng ganap na ama. Ayon pa kay Diego, gagawin niya ang lahat para maging pinaka-supportive dad sa anak at ina ng anak niya.

“I’m trying to be the most supportive dad I can be for the mom and my baby.”

Ito ang sabi ni Diego sa isa sa kaniyang latest na interview.

Ayon pa sa aktor, ngayon ay naiintindihan niya ang mahalagang papel ng ama sa buhay ng anak niya. Kaya naman pangako pa niya ay gagawin niya ang lahat para hindi maiparanas sa anak ang mga naranasan niya.

Matatandaang matagal ring may gusot sa pagitan ni Diego at amang si Cesar Montano. Pero nitong 2022 ay nagkaayos na ang mag-ama. Sila nga ay lagi ring lumalabas at nakiktia kasama ang mga anak ni Cesar sa aktres na si Sunshine Cruz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Diego. May pagkakataon pa ngang nag-suicide siya dahil sa mga problema sa kaniyang sarili at pamilya. Ngayon ang pangako ni Diego, gagawin niya ang lahat para hindi maranasan ng anak ang mga naranasan niya.

“I was a different person. Kaya lagi kami nagko-collide noon. It took me to reach 28, to finally understand my dad as a human, as a parent.”

“There’s sometimes like a question mark, how I should do things, my character, what I really want. I guess you pick that up from the dad.”

“Di ko paparamdam sa anak ko yung naramdaman ko.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Dagdag pa niya, mula ng dumating sa buhay niya ang anak ay nagbago na ang pananaw niya. At lahat ngayon ay gagawin niya para maiparamdam ang pagmamahal sa anak, tulad ng ginawa ng inang si Teresa Loyzaga sa kanila ng kapatid niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There’s nothing in this life now that I wanna do aside from if its for her. That’s it. I think as a dad or any parent, it’s kinda like deadset already. Like I said it was a moment for me, when I saw her, ‘Goodbye, Diego. This is now my vow to you, the rest of my love.’ And I saw that with my mom. How much she gave up. She gave up so much for my brother and I.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Larawan mula sa Facebook account ni Diego Loyzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor hindi daw naniniwala sa kasal

Si Diego ibinahagi rin na hindi siya naniniwala sa kasal. Ito daw ay isa lang piraso ng papel.

“Ang sa akin lang kasi if we fight in the future and it gets to the point na ayaw ko na sa iyo at ikaw ay galit na galit sa akin, it’s not a big matter of having to go somewhere and get annulled, get divorced. Wala tayong divorce”, sabi ni Diego

At base sa karanasan niya, hindi assurance ang kasal na magiging pang-habangbuhay ang pagsasama ng isang mag-asawa. Dahil narin sa kinahinatnan ng pagsasama ng kaniyang mga magulang na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s because I guess growing up I grew around it so much and I get to see it so much, separation. I mean aside from my own parents, even (people around me). Until now minsan malabo, minsan we’re just doing it for the kids. So okay why do you have to sign a piece of paper? What do you get in the end?”

Ito ang sabi pa ni Diego.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement