Ina ng anak ni Diego Loyzaga lumantad sa publiko at sinabing pinalayas siya at kaniyang baby ng aktor kapalit sa ibang babae

May pagbabanta din daw ang aktor na titigilan na nito ang pagsusustento sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diego Loyzaga girlfriend at ina ng kaniyang anak lumantad sa publiko. Pero siya ay may pasabog tungkol sa aktor at ama ng kaniyang baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Diego Loyzaga girlfriend na si Alexis Suapengco.
  • Aktor na si Diego Loyzaga bilang isang ama.

Diego Loyzaga girlfriend na si Alexis Suapengco

Larawan mula sa Instagram account ni Alexis Suapengco

Sa sunod-sunod na Instagram stories ay nagpakilala si Alexis Suapengco sa publiko. Siya ay isang model at yoga teacher na girlfriend at ina umano ng baby ni Diego Loyzaga na si Hailey. Si Alexis hindi basta lumantad para magpakilala. May revelations rin siya tungkol kay Diego na lingid sa kaalaman ng marami.

Base sa post ni Alexis, sila ng kaniyang baby ay pinalayas daw ng aktor sa bahay nito. Ito daw ay para maibahay ang ibang babae sa katauhan ni Cecile Mendoza.

Ibinahagi rin ni Alexis ang isang panayam kay Diego na kung saan sinasabi ng aktor na nagbago na siya. Pero ayon kay Alexis, ito ay hindi totoo.

“Love the way you lie though. Yes, he is aware now but never sober.”

Ito ang sabi pa ni Alexis. Matatandaang minsan ng napabalita ang paggamit ni Diego ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga post na ito ni Alexis nakarating daw kay Diego at ito ay may pagbabanta para sa kaniya at kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw.”

“ok boy bye.”

Ito ang sabi pa ni Alexis.

Larawan mula sa Instagram account ni Alexis Suapengco

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na si Diego Loyzaga bilang isang ama

Hunyo ng nakaraang taon ng ibahagi ni Diego sa publiko na siya ay isa ng ama. At ang pagdating ng kaniyang anak ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya.

“It’s an instant na parang my whole life has changed. There is this baby na, now I have to prepare.”

“I’m also trying to be the most supportive dad that I can be for the mom and my baby.”

Ito ang sabi pa ni Diego sa isang panayam noon.

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement