Dimples Romana sa anak niyang si Callie: “Everyday you remind me how to be brave in times of uncertainty”

Anak ng aktres may bagong achievement bilang isang licensed commercial pilot.

Dimples Romana may bagong proud post tungkol sa anak niyang si Callie. Dahil ang pilot daughter niya, muli na naman pinatunayan ang husay at tapang niya sa pagpapalipad ng eroplano.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Proud post ni Dimples Romana tungkol sa anak niyang si Callie.
  • Mensahe ni Dimples sa anak niyang si Callie.

Proud post ni Dimples Romana tungkol sa anak niyang si Callie

dimples romana with daughter callie ahmee

Larawan mula sa Instagram

Sa Instagram ay muli na namang nagbahagi ang aktres na si Dimples Romana ng bagong achievement ng kaniyang panganay na si Callie Ahmee. Si Callie nasa Australia parin ngayon at patuloy na nag-aaral na maging isang piloto.

Base sa pinakabagong post ni Dimples tungkol kay Callie ay may bago na namang skils rating na nagdagdag sa certification nito bilang isang piloto. At ito ang pagpapalipad ng eroplano na zero visibility at instruments lang ang ginagamit na guide para makarating sa paroroonan niya. Ayon kay Dimples, ang skills rating na ito sa mga piloto ang isa sa pinaka-mahalaga. Dahil dito makikita ang disiplina at napag-aralan nila. Kaya naman ang celebrity mom sobrang proud sa anak niya. Lalo pa’t si Callie ngayon ay 20-anyos pa lang at malapit na malapit na sa pagtupad ng pangarap niyang maging ganap na isang commercial pilot.

“To FLY blind. To keep FLYING even through zero visibility. Our
@callieahmee has just PASSED and finished her IR (An Instrument Rating (IR) is a pilot rating earned through intensive training focused on flying solely by reference to instruments.”

Ito ang sabi ng post ni Dimples.

Mensahe ni Dimples sa anak niyang si Callie

dimples romana daughter callie ahmee now a pilot

Larawan mula sa Instagram

Sabi pa ng aktres, ang bagong achievement na ito ng anak ay patunay ng determinasyon niya sa buhay. Pagbabahagi pa nga ni Dimples, ang magandang trait ng anak niyang si Callie na ito ay na-iimpluwensiyahan rin siya na mas maging resilient sa buhay sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan nila ng kaniyang pamilya.

“Today Cal, and everyday you remind me how to be brave in times of uncertainty. To be steadfast in faith, no matter the circumstance. You were always my roots. The one that keeps me grounded.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Dimples para sa anak niyang si Callie.

Pagpapatuloy pa nga ng aktres, hindi lang ang mga achievement ng anak ang nagbibigay proudness sa kaniya. Ito ay ang pag-uugali ng anak na hindi nagbabago sa kabila ng mga tagumpay na nararanasan nito sa mura nitong edad.

“And now you have grown your own wings. And have empowered mine. You make us proud ate. Not because of the many milestones, achievements and laurels at such a young age of 20. But more importantly of how you have remained true to who you are inspite of and despite of. I love you.”

Ito ang mensahe pa ni Dimples sa panganay niyang si Callie.

Samantala, maliban kay Callie, si Dimples at mister na si Boyet Ahmee ay may dalawa pang anak. Ito ay sina Alonzo na siyam na taong gulang na ngayon. At ang bunso niyang si Elio na magdadalawang taong gulang narin ngayong Hunyo.

dimples romana family 2

Larawan mula sa Instagram

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!