Dimples Romana proud sa achievement ng anak na si Callie na ngayon ay licensed commercial pilot na!
Mababasa dito ang sumusunod:
Dimples Romana daughter na si Callie isa ng licensed commercial pilot
Patuloy nga ang pagbibigay ng karangalan ng only daughter ni Dimples Romana na si Callie sa kanilang pamilya. Dahil sa edad na 20-anyos, ito ngayon ay isa ng licensed commercial pilot. Ito ang masayang pagbabahagi ni Dimples sa kaniyang social media accounts kamakailan lang.
“So our child number one finally completed her flying licenses yesterday 👩🏻✈️✈️all the way from the land down under 🇦🇺
Finally, a licensed commercial pilot!💪🏻✨ didn’t you just turn 20 years old, two months ago, Amanda!?!?”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Dimples tungkol sa achievement ng anak na nasa Australia.
View this post on Instagram
Mensahe ni Dimples sa anak
Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana
Si Dimples hindi nga mapigilang maging emotional sa achievement na ito ng kaniyang panganay. Lalo pa’t sumasalamin daw ito sa maayos nilang pagpapalaki ng mister niyang si Boyet Ahmee sa anak.
“YOU ARE A ROCKSTAR Capt @callieahmee
You’re making dad @boyetahmee and I look so darn good!!! WE ARE PROUD and humbled .”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
Pagpapatuloy pa niya, alam niyang hindi naging madali ang struggle ng anak na malayo sa kanila. Pero napatunayan nitong kaya niyang maging independent at tuparin ang pangarap niya. Kaya naman hiling niya sa anak ay magpatuloy na maging inspirasyon pa sa mga kapwa niya babae.
“May your beautiful story of dreaming big, staying true to yourself, leaving the comforts of home, living alone, creating a path of your own with a heart determined to soar high inspire many other young people. Especially women like yourself to never be afraid to march to the beat of their own drum and fly confidently like you do .”
Ito ang sabi pa ni Dimples na may pahabol sa anak na treat para sa achievement nito.
“You have us always . Love you. Now, go cook adobo and sinigang ”
Ito ang mensahe pa ni Dimples sa anak niyang si Callie.
Larawan mula sa Facebook account ni Dimples Romana
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!