Dimples Romana proud at kinilig ng marinig ang recorded voice ng anak na si Callie habang nagmamaneho ng isang aircraft.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Reaksyon ni Dimples Romana ng marinig ang recorded voice ng anak na si Callie habang nagmamaneho ng isang aircraft.
- Payo ni Dimples sa pagpapalaki ng anak na may pangarap.
- Dimples Romana as a mom of three.
Reaksyon ni Dimples Romana ng marinig ang recorded voice ng anak na si Callie habang nagmamaneho ng isang aircraft
Muling nagbahagi ang aktres na si Dimples Romana ng kaniyang nararamdaman sa achievements ng panganay na anak niyang si Callie sa Australia. Si Callie kasalukuyang nag-aaral ng pagpipiloto sa Southern Cross University.
Sa latest niyang Instagram post ay nag-share si Dimples ng recorded voice ni Callie habang nagmamaneho ng isang aircraft. Si Dimples hindi napigilang kiligin at mas maging proud sa kaniyang panganay na anak.
“That cool sound of future Capt @callieahmee ‘s dreams slowly coming to life 👩🏻✈✈🌎.”
Ito ang bungad ng post ni Dimples.
View this post on Instagram
Kasunod nito ay ibinahagi ni Dimples ang isang payo at aral na sinabi sa kaniya ng tatay niya noon pagdating sa pangangarap at pagtupad nito. Higit sa kabutihan at respeto isa raw ito sa mahahalagang bagay na dapat ituro sa ating mga anak.
“Sabi ng Tatay ko, one day when I will have children of my own, apart from kindness and respect, I must be able to impart to them the value of DREAMS. Yes, pangarap. Mas Mabuti na daw kasi ang mahirap na may pangarap kesa may kaya na Walang pangarap. Tama naman.”
Payo ni Dimples sa pagpapalaki ng anak na may pangarap
Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana
Pag-amin ni Dimples, sa sitwasyon ng kanilang pamilya ay medyo challenging ang pagtuturo sa mga anak niya na mag-dream big. Pero kahit maluwag ang kanilang buhay ay ginagawa niya ang lahat para maituro ito sa mga anak.
Dahil ang pagkakaroon ng inspirasyon ay ang nagbibigay ng drive sa isang tao na magpursige. Maliban dito ay ipinapaliwanag niya rin ang kahalagan ng failure sa isang tagumpay na itinuro rin sa kaniya ng kaniyang ama.
“So no matter how rich and able you are in life, to find inspiration in one thing, one must know the feeling of having nothing or at least close to that.
To want to be better, one must know what it feels like to FAIL. For failure is temporary but so is success. So in anything, just like what my Papa made sure I knew before he had passed on.”
Pagpapatuloy pa ni Dimples, maswerte siya na lahat ng katangian na dapat taglay ng isang tao ayon sa kaniyang ama ay mayroon ang anak niyang si Callie. At dahil dito pakiramdam niya at mister na si Boyet Ahmee na tama ang naging pagpapalaki nila sa anak.
“DREAMS spark HOPE and often hope and faith are all we really need. Thank God you have both my Capt @callieahmee.”
“Proud of you @callieahmee. You make dad @papaboyetonline and I look soooo darn good, LOVE YOU.”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
Dimples Romana as a mom of three
Nitong Setyembre ay saglit na bumisita si Callie dito sa Pilipinas para makasama ang kaniyang magulang at kapatid. Si Dimples hindi pinalampas ang pagkakataon at nagpa-photo shoot para sa kaniyang pamilya.
Sa isang IG post ay ibinahagi ng aktres ang pakiramdam na sa wakas ay nakasama niya na ang tatlong anak sa isang litrato.
“•mom of three. A dream come true. All three of my children in one photo.”
Ito ang bungad ni Dimples sa kaniyang IG post.
Sunod ay ikinuwento niya na ito ang unang pagkakataon na magkita ang panganay niyang si Callie at bunsong anak na si Elio. Dahil noong maipanganak si Elio nitong Hunyo si Callie ay hindi nakauwi at busy sa kaniyang pag-aaral bilang piloto.
“When I gave birth to #ElioJuanManolo , Capt @callieahmee was in Australia scheduled to fly actual and could not come home to be here for the birth. But the lord has ways to make this yearning momma’s heart very happy.”
Ito ang kuwento ng aktres.
Pagpapatuloy niya pa, isang linggo ang inilagi dito ni Callie. At the moment na makita daw ito ng kaniyang kapatid na si Alonzo ay nag-iiyak na ang pangalawa niyang anak hanggang sa maihatid nila sa airport si Callie para bumalik sa Australia. Sa tagpong ito sabi ni Dimples ay mas naging feeling blessed siya sa mga anak.
“Nakauwi si ate @callieahmee for a week and finally met her bunso brother and kuya #AlonzoRomeoJose was crying as soon as he saw ate and right up til she had to go. Lots of uncertainties in life but one thing is for sure, our kids remain to be the biggest blessings we will always have in life.”
Ito ang sabi pa ni Dimples.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!