X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

4 min read

Dimples Romana nanganak at sinalubong na ang baby niyang si Elio! Ramdam na agad ng baby ni Dimples ang pagmamahal mula sa kaibigan ng tanyag na aktres.

Mababasa rito ang mga sumusunod:

  • Dimples Romana nanganak na at super happy sa pagsilang ni Baby Elio
  • Pag-announce ni Dimples Romana sa kaniyang pregnancy
  • Baby gender reveal

Dimples Romana nanganak na at super happy sa pagsilang ni Baby Elio

Sa wakas ay nanganak na si Dimples Romana para sa kaniyang third child na si Elio.

Sa Instagram post ng beteranang aktres ay makikitang katabi na niya si Elio matapos niyang magsilang.

“I spy with my little eye. Hi, Elio. SURPRISE.”

“I guess it’s going to be a good goood weekend for [the family].”

dimples romana nanganak

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Makikita sa larawan na todo ngiti si Dimples habang katabi niyang nakahiga ang kanilang baby ng kaniyang mister na si Boyet Ahmee.

Napuno naman ng pagbati ang comment section ni Dimples Romana dahil sa pagsilang ni Baby Elio.

Kasama sa mga nagpaabot ng congratulatory message kay Elio ay sina Sue Ramirez, Andrea Brillantes, Charlie Dizon at Iza Calzado.

Sue Ramirez: Our little baby Elio!!! Congratulations Ate

Iza Calzado: Congratulations to the family!!!!

Andrea Brillantes: Congratulations my Mommy Dragon!!!! See you soon Baby Elio.

Charlie Dizon: ELIOOOOOO Congrats ate and Papa.

Pag-announce ni Dimples Romana sa kaniyang pregnancy

Matatandaan na sa panayam ni DJ Chacha kay Dimples Romana noong March ay sinorpresa niya ang kaniyang mga fans. Doon kasi niya inanunsyo na siya ay buntis sa kaniyang third child. . Buong giliw din na ipinakita ni Dimples ang kaniyang baby bump sa madla.

“Ladies and gentlemen, I am expecting baby number 3! Say hello to my baby bump! Hello!”

dimples romana nanganak

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Kuwento pa ng aktres, pakiramdam niya na kaya mas mabilis silang nagkaroon ng baby ay dahil maganda ang kalagayan ng kaniyang katawan. Pag-amin pa niya, nagulat sila ng malaman ang balitang buntis siya dahil hindi naman daw nila ito sinubukan talaga. 

Noong araw rin na ito, bago pa man sumalang ang aktres sa press conference ng isang vitamins, nagbigay na rin ito ng hint sa kaniyang instagram account ukol sa kaniyang magiging biggest revelation. Narito ang kapsyon ng naging post ng aktres sa kaniyang social media:

“Just the FOUR of us. BIG ANNOUNCEMENT from our FAhmeely today! Blessing reveal.”

Saad ng aktres, na ayon pa sa kaniya ang araw na March 18, 2022 ay siyang big day para sa kanila. 

“Ngayon pa lang NAIIYAK na ako. Because when I think of God’s unfailingly love and grace, I THINK OF these three. We can’t wait to share with you the NEWS.”

Sa kaparehong araw rin makikita sa kaniyang Instagram account ang sunod-sunod na litrato ng kaniyang baby bump at ilan pang kuha kasama ang kaniyang pamilya. Makikita rin sa isang post ang pagtawag niya sa kaniyang bunso bilang Baby E. Napag-alaman kalaunan na Elio ang ipapangalan niya sa kaniyang anak.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Ang Elio ay nangangahulugan na “My God is the Lord” sa French language. Ito rin ay hango kay Helios, ang God of Sun sa Greek mythology.

BASAHIN:

Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee

Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: “In time… kapag okay na ang lahat.”

Chito Miranda idol si Gary V. sa pagiging tatay: “He has so much love to give.”

dimples romana nanganak

Larawan mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Baby gender reveal

Matatandaan din na ipinakita ng aktres sa kaniyang YouTube channel ang gender reveal para sa kaniyang baby. Dinaluhan ito ng ilang kilalang personalidad sa showbiz gaya nina Angel Locsin, Sue Ramirez, Karina Bautista at Jerald Napoles. Sa unang bahagi ng vlog ay nagpasalamat ang aktres sa mga pumunta sa pagtitipon, 

“Ang tatapang niyo, basta bukas ‘pag may sumama ‘yong pakiramdam, text lang kayo ha!”

Sa pagdiriwang ay nagkaroon din ng mga palaro at papremyo na siya rin namang sinalihan ng mga dumalo. Isa na rito si Jerald Napoles na siyang nanalo sa palaro kung saan ang may pinakamabilis na makaubos sa laman ng breast feeding bottle ang siyang mananalo. Biro pa ng aktor ay nag-practice pa siya para sa laro na siya namang dahilan upang matawa si Dimples Romana.

Samantala, sa may kalagitnaan naman ng vlog, ipinakita ang mag-anak sa entablado. Sa pamamagitan ng pagtusok sa isang lobo na gagawin ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet, malalaman ang magiging kasarian ng kanilang anak. Sa pagputok ng lobo ay siya namang paglabas ng mga asul na confetti na nangangahulugang lalaki ang kanilang magiging anak. 

Matapos malaman ang kasarian ng baby, agad na nagtalunan, nagsigawan at nagyakapan ang mga nagsipagdalo. Patunay na masaya at nakikidiwang sa kasiyahan ng mag-anak. Napuno ng sayawan at maging ng kantahan ang pagtitipon.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.