Dingdong Dantes, ibinahagi ang sariling paraan nila ng asawang si Marian Rivera kung paano i-manage at i-entertain ang kanilang mga anak na hindi lamang nakadepende sa technology.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dingdong Dantes at Marian Rivera parenting
- 5 tips sa pag-limit ng screen time ng mga bata
Dulot ng pandemya, hindi makalabas ng kani-kanilang tahanan ang mga bata. Dahil rito, wala ring pagkakataon na makisalamuha at makipaglaro ang mga chikiting sa mga kapwa nila bata.
Kaya naman sa panahon ngayon, maagang namumulat ang mga bata sa labi na paggamit ng gadyets at teknolohiya. Kapansin-pansin na sa murang edad pa lamang ay mayroon na silang kaalaman sa paggamit ng mga makabagong gadyets.
Gaya na lamang ng tablet, kompyuter, at smartphones. Tila teknolohiya na ang naging katuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Samantala, mayroon pa rin namang iilan kung saan ay nililimitahan nila ang kanilang mga anak sa paggamit ng technology, lalo na kung nasa murang edad pa lamang ang kanilang anak.
Kasama na rito ang celebrity couple na sina Dingdong Dangtes at Marian Rivera. Paano nga ba ang ginagawa nilang pamamaraan upang hindi masyadong mag-rely sa teknolohiya?
Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paggamit ng technology ng mga anak
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Nito lamang nakakaraan ay ipangmamalaking ibinahagi ni Dingdong ang parenting style nila ng asawang si Marian sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.
Ang parehong anak nila ay musmos pa lamang at nasa murang edad. Ang panganay nilang si Zia ay kaka-anim na taong gulang pa lamang noong Nobyembre, samantalang si Sixto ay dalawang taong gulang.
Sa panayam at panulat ni Rito Asilo, entertainment editor mula sa Philippines Daily Inquirer, ibinahagi ni Dingdong ang kanilang say tungkol sa paggamit ng technology ng mga anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Dingdong Dantes
Nang siya’y tanungin kung paano pinapanatili ng mag-asawang entertained ang kanilang mga anak sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya, ito ang naging tugon ng aktor,
“As parents, Marian and I don’t want to solely rely on just technology when it comes to raising kids because human interaction is also important.”
Kaysa sa technology o gadgets mas gusto umano ng dalawa na mag-enjoy ang anak sa paggawa sa gawaing bahay natuto na ay nag-e-enjoy pa sila. Mas gusto rin ng pamilya na mag-out of town palagi. Kamakailan nga nagbahagi si Marian ng video ng anak na masaya at enjoy sa paghuhugas.
Ayon pa kay Dingdong, sa pagbabahagi niya sa Skypodcast , bagama’t hindi na maitatanggi ang exposure ng kaniyang mga anak sa social media ay nililimatahan pa rin nila ito.
Sa pamamagitan umano ng hindi paggawa ng sariling social media account ng kanilang mga anak ay nagagawa nila ito. Dahilan ni Dingdong ang pagkakaroon ng social media ng mga anak nila ay desisyon nila at hindi silang mga magulang.
Larawan mula sa Instagram account ni Dingdong Dantes
Subalit sa tamang panahon ayon kay Dingdong ay pwede naman pero may limitasyon pa rin ito. Paglalahad niya,
“Let us just make a point not to launch their own social media platform. Ibig sabihin dapat wala sila ng sarili nila. Dapat it should be their choice later on whether or not gusto nilang magkaroon o hindi.”
“Whatever you see now are all from our pages, our own platforms. At least dun klaro pero kung hanggang saan may limitasyon pa rin.”
Dagdag pa ni Dingdong, isinet nila nung una na kapag naging 6 years old na ang mga anak nila ay titigilan na ang exposure nito sa social media. Ang dahilan dito, ayon kay Dong ay ito ang edad na papasok na sila sa paaralan.
Natatakot umano si Dingdong na baka sumubora ang exposure ng mga anak sa social media ay maging balakid ito sa freedom at sefety nila.
Ang anak ni Dingdong at Marian na si Zia ay 6 years old, pero naisantabi ang rule na ito dahil sa nararanasan nating pandemic. Sapagkat ang pagpasok sa school ay hindi pa face-to-face.
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
5 tips sa pag-limit ng screen time ng mga bata
Ayon sa pag-aaral, ang pakikipag-usap sa mga bata kung saan ay nagkakaroon din sila ng pagkakataon na makipaglitan ng salita may may epekto sa kanilng development. Sa pamamagitan nito, higit na nagiging maayos ang kanilang language development at social interaction.
Narito ang suggested screen time use base sa kanilang edad.
Bukod sa video-chatting, iwasang ma-expose sa screen media ang mga batang nasa ganitong edad pa lamang.
-
18 months hanggang 24 months
Ang mga magulang na nais i-introduce ang digital media sa kanilang anak na nasa 18 – 24-month-old ay dapat pumili ng high quality na programming.
At kung sakaling ito ay hahayaang manuod, mabuting panoorin ito nang magkasama para sa ganon ay higit na maintindihan ng bata ang kaniyang nakikita.
-
2 hanggang 5 taong gulang
Ang limit screen time pa sa mga batang nasa ganitong edad ay nasa isang oras lamang kada araw.Mas makakabuti kung hayaan itong manuod kasama ang magulang upang mas mainitindihan nila kung ano ang kanilang nakikita.
Bukod pa rito, may paggkakataon din ang magulang kung pano nila ipaliliwanag ito sa anak at magamit sa araw-araw nilang pamumuhay.
-
6 hanggang 12 taong gulang
Ang mga magulang ang dapat mag-set ng oras para sa kanilang anak. Dapat lamang na siguraduhing hindi naaapektuhan ang kanilang oras sa pagtulog, physical activities, at iba pang bagay na importante sa kanilang kalusugan.
Maglaan ng oras kung kailan hindi dapat gumamit ng gadgets at magkaroon ng screen time. Halimbawa na lamang nito ay tuwing kumakain, nag-dadrive, at iba pa.
Ilan pang tips na maaari mong gawin bilang magulang upang ma-limit ang screen time ng mga bata
1. Hangga’t maaari, manuod nang sama-sama
Kung ang bata ay magkakaroon ng screen time, mabuting samahan mo sila sa panunuod. Dahil don, magkakaroon ka ng pagkakataong maipaliwanag ang dapat nilang malaman at makakatulong sa kanila upang maintindihan ang pinapanuod.
2. Maging matalino sa pagpili ng media
Mahalaga na alam mo kung ano ang pinapanuod at mga application na ginagamit ng iyong anak. Siguraduhing akma sa kanilang edad ang mga app at videos na kanilang pinapanuod at ginagamit.
3. Panatilihing screen-free ang oras ng pagtulog, pagkain, at oras sa pamilya
Kailangang siguraduhin na balanse ang oras ng iyong anak online at offline.
Kung maaari, magkaroon ng kasunduan ukol sa curfew time, kung saan may espesipikong oras ang hangganan ng kanilang paggamit.
4. Limitahan mo ang paggamit ng iyong cellphone
Kadalasang ginagaya ng mga bata kung ano ang nakikita nila sa kanilang mga magulang. Habang sila ay bata pa, ang kanilang magulang ang pinaka-mahalagang tao para sa kanila.
Kaya naman dahil dito, ginagawa nilang role model ang kanilang magulang at nagagaya ang mga kilos nito.
Kung nakikita ng iyong mga anak na lagi kang nakaharap sa screen araw-araw, iisipin nilang walang mali sa iyong ginagawa at saka nila ito gagayahin.
5. Bigyang diin ang kahalagahan ng tatlong bagay: tulog, kalusugan, exercise
Ang tatlong bagay na ito ay ang pinakamahahalagang bagay na nakakaapekto sa growth at development ng mga bata. At ang sobrang screen ay maaaring makaapekto sa tatlong bagay na ito.
Mahalagang matutunan ng mga bata sa murang edad pa lamang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!