Dingdong Dantes on being a father: “Kung talagang kailangan, I’ll drop everything para sa kanila.”

Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa isang interview kung gaano sila ka hands-on ni Marian Rivera sa kanilang son and daughter.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud na ikinuwento ni Dingdong Dantes sa interview niya sa isang podcast kung gaano niya naa-appreciate si Marian Rivera. Salaysay ni Dingdong Dantes, super hands-on ni Marian bilang ina sa daughter na si Zia at son na si Sixto.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Dingdong Dantes naaaliw sa curiosity ng son na si Sixto
  • Dingdong Dantes kay Marian Rivera: “We really enjoy the basic things in life”

Son ni Dingdong Dantes na si Sixto nakaaaliw ang curiosity

Naka-focus sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagbibigay ng oras sa kanilang son and daughter. Ngayon nga ay naka-work from home daw si Dingdong Dantes kaya mas nabibigyan niya ng atensyon sina Zia at ang son niya na si Sixto.

Kwento ni Dingdong, na-eenjoy niya ang pagkukulay ng coloring books kasama ang mga anak. Flinex naman nito ang asawang si Marian Rivera, aniya, hands-on daw talaga ito sa pag-aalaga sa mga anak.

“Kahit na gusto niya, ‘yong artistry niya had to be set aside. Pero syempre kaya maganda rin na meron siyang ginagawa rin na iba, para ‘di naman completely na hindi na siya maging active. Kasi syempre, as an artist may desire pa rin ‘yan to create e. To do things.”

Ipinaliwanag din naman daw nila sa kanilang mga anak kung bakit nila kailangang umalis minsan ng bahay para magtrabaho. At naiintindihan naman daw ito ng mga bata. Kaya lamang, may mga araw daw talaga na naglalambing si Zia na huwag na siyang pumasok sa trabaho dahil kailangan siya ng anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pero sometimes, may mga moments talaga, especially si Zia na parang ‘why do you have to go to work’, ‘wag. I need you…So, kapag gumanon na siya talagang drop everything. What is it about? Pag-usapan natin ‘to. Bakit?” saad ni Dingdong.

“Kung talagang kailangang-kailangan, I’ll drop everything talaga para sa kanila,” patuloy pa nito.

Sa ngayon naman daw ay naaaliw si Dingdong Dantes sa curiosity ng mga anak nila ni Marian Rivera lalo na sa kaniyang son na si Sixto. Dahil nga tatlong taon pa lang ang son ni Dingdong Dantes, ay talaga nga namang maraming bagay pa ang ikinamamangha nito.

“Nandon din ‘yong realization na, uy ha, ingat-ingat ka rin sa mga pinagsasasabi mo kasi forever na tatatak ‘yan e. And naaalala nila lahat. Kaya hindi pwedeng may pangakong napapako kasi aasa sila,” aniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Dingdong Dantes kay Marian Rivera: “We really enjoy the basic things in life”

Naikwento rin ni Dingdong Dantes ang kaniyang directorial career sa nasabing interview. Ang recent work nga niya bilang director ay ang documentary na ginawa nila ni Marian Rivera sa Israel.

Bukod pa rito, director din siya ng ilang episodes ng ‘Tadhana’ ni Marian Rivera. Nagsimula raw ito noong pandemic kung saan ay hindi makapunta sa studio si Marian Rivera kaya naman silang dalawa ang naging magkatrabaho nito.

“Para sa akin parang hindi work ‘yon e. Syempre working with Marian, whether on and off the cam for me is always a pleasure,” aniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa rito ay gumawa rin daw sila ng mga short film nang silang dalawa lang. Flex pa ni Dingdong Dantes,

“Napakaswerte ko na napangasawa ko siya.”

Matagal naman na raw niyang alam kung gaanong maalaga si Marian Rivera, pero nitong pandemic na madalas silang magkasama at hindi masyadong abala sa taping sa ibang location ay mas na-appreciate niya ang asawa.

“I can say na mas na-appreciate ko siya as a wife na parang, sana ganito parati akong nasa bahay kasi ang sarap being around her.”

Masasabi raw ni Dingdong Dantes na swerte siya kay Marian dahil talagang nai-enjoy nila ang presensya ng isa’t isa.

“We really enjoy the basic and simple things in life. Simpleng tawanan, simpleng kwentuhan, mga bagay na hindi namin masyadong nagagawa dati.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

“Sobrang jive kami. We laugh about the same things, we cry about the same things. ‘Yong interest namin sa mga bagay ay ganoon, pare-pareho.”

Dagdag pa niya, marami siyang natutunan bilang director. Marami din daw kasing gumabay sa kaniya simula pa noong Kakabakaba – una niyang proyekto sa GMA TV bilang director.

Aniya, nang maranasang magtrabaho sa likod ng camera, kahit madalas din siyang nasa harap ng camera ay mas na-appreciate niya ang hirap at galing ng mga taong madalas na nasa likod nito. Doon niya raw napatunayan kung gaano kahirap ang trabaho ng mga ito. Mula sa mga props men, cameramen, production assistants hanggang sa mga producer at directors.

“It’s not all about who is in front of the camera because your work is as good as kung ano ‘yong ibibigay ng mga tao sa likod…kailangang it has to be in harmony. So, dahil na-aappreciate ko ‘yon, mas naa-appreciate ko rin ‘yong craft as a whole,” saad ni Dingdong Dantes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan