LOOK: Dionne Monsanto ipinanganak na ang kaniyang baby girl!

Dionne masayang masaya sa buhay niya ngayon sa Switzerland kasama ang kanyang mister at kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Dionne Monsanto ligtas na ipinanganak ang kaniyang baby girl sa Switzerland.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Panganganak ni Dionne Monsanto sa kaniyang baby girl
  • Love story nina Dionne Monsanto at mister na si Ryan Stalder

Dionne Monsanto ipinanganak na ang kaniyang baby girl

Image from Dionne Monsanto’s Instagram account

Nanganak na ang aktres at dating PBB housemate na si Dionne Monsanto. Ang kaniyang anak ay isang healthy baby girl.

Ang balita ay ibinahagi ni Dionne sa kaniyang mga friends at followers kahapon sa Instagram. Ayon sa aktres, siya ay nanganak noong April 18.

“I have the best view ever. Our baby girl, born on 18 April 2022 at 04:22AM”

Ito ang caption ng IG post ni Dionne kalakip ang isang maikling video ng kaniyang baby na mahimbing na natutulog sa crib nito.

Agad namang nag-komento at bumati kay Dionne ang mga kaibigan niyang celebrities na masaya sa kaniyang bagong journey bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

kaye_abad Congrats sa bagong parents!!!

nikkivaldez Congratulations, D!!!!

mysheenahalili Congratulations

Buhay ni Dionne sa Switzerland

Image from Dionne Monsanto’s Instagram account

Wala pang ibinahaging kuwento at impormasyon sa kaniyang panganganak si Dionne sa ngayon pero una ng sinabi ng aktres na na-enjoy niya ang pagbubuntis at excited na siya sa mga sleepless nights na kasunod nito.

“I love being pregnant and everything that comes with it—both the good and the challenging aspects of it are simply amazing!”

“R & I are extremely excited to meet our little one. So giddy knowing that wonderful times (and sleepless nights) are up ahead.”

Ito ang pahayag ni Dionne na ngayon ay nakatira na sa Switzerland kasama ang mister na si Ryan. Base sa kaniyang post ay nai-enjoy niya ang stay niya dito, lalo na ang weather at relaxing environment ng lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Dionne Monsanto’s Instagram account

Noong Disyembre ng nakaraang taon inanunsyo ni Dionne ang kaniyang pagbubuntis. Ayon sa kaniya, ito ang best birthday gift na natanggap niya sa pagdiriwang ng kaniyang birthday noong December 5.

Dagdag pa ni Dionne, sa parehong taon ay maraming best moments ang nangyari sa buhay niya. Isa na nga rito ang mabuntis at makasal sa mister niyang si Ryan.

“This year has given me sooo much! I moved to a new country, learned a new language, discovered new interests, got engaged, married my best friend & love of my life @nayr_redlats, and together, we traveled & discovered different countries & cultures. BUT, this may be our most exciting adventure yet!”

“I have never been this in love with life, and with love itself. I am so wildly grateful to the universe for conspiring in my favor.”

Ito ang pahayag ni Dionne noon ng inanunsiyo niya ang kaniyang pagdadalang-tao.

BASAHIN:

Zeinab Harake pumalag sa nagsabing gumagawa siya ng issue: “Halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?”

LJ Reyes shares heartfelt message to Aki: “Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak.”

John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: “Stay mabait and sweet my love”

Love story nina Dionne Monsanto at mister na si Ryan Stalder

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Dionne Monsanto’s Instagram account

Marso ng nakaraang taon ng maikasal si Dionne at mister niyang si Ryan. Ang kanilang kasal ay ginanap rin sa Switzerland kung saan nakabase ito. Kaya naman si Dionne ay nauna ng nagsabi na magre-retire na siya sa pag-aartista para maging full-time wife at mom sa kaniyang pamilya.

Nito nga lang nakaraang buwan ay nag-celebrate si Dionne at Ryan ng kanilang first wedding anniversary. Ayon kay Dionne, sa lahat ng magagandang nangyari sa kaniya noong nakaraang taon ay ito ang pinaka-amazing at pinaka-masayang mga oras sa buhay niya.

“This past year has been the most amazing, happy, and calm time in my life. Our growing family is more than I could ever dream of & hope for.

You are the reason why I look forward to waking up every single day, for you make my reality much better than my dreams.”

Ito ang post ni Dionne sa Instagram nitong nakaraang buwan na bumati rin ng happy wedding anniversary sa kaniyang mister.

Base sa nauna na ngang panayam kay Dionne, nakilala niya ang mister na si Ryan noong 2007. Ito ang mga panahong nagsisimula siya sa PBB. Noon ay naging magkaibigan muna sila at nagsimula lang mag-date noong 2018.

Ayon kay Dionne, ang kanilang pagkakaibigan ang naging pundasyon ng masaya at matibay nilang pagsasama. Kaya naman hiling niya sana ay magtagal pa hindi lang ang pagsasama nila pati na ang friendship na kanilang sinimulan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ryan and I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018 – 11 years of knowing each other. Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow.

There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever. Here’s to forever + 49 years, my love @nayr_redlats.”

Ito ang pahayag ni Dionne noon tungkol sa love story nila ng mister na si Ryan.

Congratulations Dionne and Ryan sa inyong baby girl!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement