Iba’t iba ang paniniwala natin sa bawat miyembro ng pamilya. Stereotypes kumbaga.
Nandyan ang tatay nila na matatapang at malalakas na nagdadala ng pamilya. Kapag nanay naman, sila ang mga maintindihin at takbuhan ng mga anak. Marami rin ang naniniwala na kapag panganay ka, ikaw ay responsable at pinakamatalino. Ngunit may iba rin na kapag pangalawang anak ka sa magkakapatid, ikaw ang pinapakamatigas ang ulo. Samantalang ang bunso naman, sila ang mga spoiled at baby sa pamilya.
Ngunit paano kapag ikaw ay walang kapatid o only child ka lang ng iyong mga magulang?
Ayon sa pag-aaral, ang mga only child daw ay self-entitled. Ngunit ano nga ba ang nagpapatunay nito?
Advantage and disadvantages of being an only child
Marami ang naniniwala sa stereotype na kapag only child, sila ay spoiled, selfish, anti-social at bossy. Dahil rin ito sa theory na dahil only child, napapagtutuunan siya ng pansin ng kanyang mga magulang. Walang kaagaw at kahati sa lahat ng bagay. Nabibigay ang mga kagustuhan at mga nais na bilhin na bagay. Ngunit hindi lahat ay may disadvantages sa pagiging only child.
Bukod kasi rito, may advantage din ang pagiging only child.
Advantages of being an only child
1. Closer relationship sa magulang
Dahil nga solong anak, natututukan sila ng mabuti ng kanilang mga magulang. Pagka-uwi galing school, sabay sabay kakain kasama ang mga magulang sa round table at pag-uusapan ang mga nangyari sa kanilang araw. Dahil rito, mas tumitindi o mas nagiging malapit ang relasyon ng magulang sa solong anak.
2. Priority ng magulang
Bilang solong anak, halos ng pagkakataon ay nakukuha nila ang nais nilang hilingin. Kapag gusto nila ang isang laruan, mabibigyan agad sila. Sa gastusin naman pagdating sa tuition sa school, mga gamit o mga bagong laruan, napupunan agad ng mga magulang ito.
3. Nagiging matured na anak
Dahil nga walang kapatid ang isang solong anak, most of the time ang mga magulang lang nito ang tangi nilang kausap bukod sa kanilang mga outside friends. Sa ganitong sitwasyon, natuturuan sila ng mga lessons ng kanilang mga magulang. Ginagabayan at pinapaalalahanan sa mga gagawing desisyon sa future. Dahil dito, lumalaking may advance learning ang isang only child at nagiging matured ito.
4. Good leaders
Katulad ng isang panganay, ang mga only child rin ay karaniwang nagiging high achievers sa school. Matataas na marka, responsable sa pag-aaral, ito ang nakaugalian niya.
Disadvantages of being an only child
1. Nararanasang masabihan ng weird
Dahil nga nasanay makipag-usap sa mga magulang, ang kanilang isip ay mas advance sa ibang mga ka-edad niya. Kaya ang tendency nito, nasasabihan siya ng kapwa ka-edad niya na ‘weird’ dahil nga sa mga sinasabi niotng hindi maintindihan ng ka-edad niya.
2. Self-centered
Minsan ang resulta kapag nakakakuha ang isang only child ng madaming opportunity, sila ay kadalasang nagiging spoiled. Nararamdaman kasi nila na sila ang sentro ng lahat dahil nga priority sila ng mga magulang nila.
3. Anxiety and low self-esteem
Dahil nga solong anak, may pagkakataon rin na napepressure ang isang bata sa mga magulang. Lahat kasi ng atensyon at goals ang magulang ay pinapasa sa kanilang solong anak. Katulad na lamang na dapat, mataas ang kanilang grado dahil sila lang ang inaasahan ng pamilya. Dahil rito, dumadating sa pagkakataon na napepressure ang isang bata at natatakot magkamali dahil sa high expectation sa kanya ng kanyang mga magulang. Once na sila ay mag failed, hindi maiwasang makaramdam sila ng anxiety at low self-esteem.
4. Highly sensitive
Ang mga only child ay sobrang emosyonal at sensitive pagdating sa damdamin at kanilang feelings. Ito ay dahil sa theory na dahil walang siyang mga kapatid na mang-aasar sa kanya. Kaya once na asarin siya ng kaibigan niya, siya ay agad na magagalit.
“When children are young, their first lessons in social dynamics usually involve siblings. Children learn from both their own actions toward a sibling and the actions of their sibling toward them. They also learn from the mistakes they observe their siblings make. They experience disagreements and discord with one another which their parent then mediates by perhaps separating the children, teaching them how to work out their problem, or delivering consequences.”
— Caroline Artley, LCSW-C Psychotherapist
Source: Psychology Today
BASAHIN: Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral