Ang pag-disiplina ay isang paraan para maipakita ng isang magulang ang pagmamahal sa kanilang anak. Dahil dito nila naipapadama na gusto nilang mapabuti ang kanilang anak, na lumaki ito na mabait at tunay na mabuting tao.
Pero ano nga ba ang “tamang” paraan ng pagdi-disiplina. Walang makakapagsabi ng pinaka-magandang paraan dahil bilang magulang, marahil ay alam mo na ang ito. Pero walang magulang na perpekto at kailangan din nila ng guidance para lalo pang ma-improve ang kanilang parenting skills.
Kaya’t maganda ring malaman ang experience ng ibang mga magulang, upang matuto mula dito.
Narito ang lima sa mga karaniwang dapat iwasan sa pagdi-disiplina sa iyong mga anak.
1. Pag-saway sa hindi “pasaway” na ugali
Sabi ni Kelly R. sa Popsugar, ang 9-anyos niyang anak na lalaki ay makulit, madaldal. Minsan ay pasaway ang tingin niya dito pero ang pagiging expressive ay may kagandahan din naman. So pagka-sobrang kulit ng anak niyo, magandang tignan niyo muna kung naaangkop ba ito sa edad nila. Madalas ay normal na parte ito ng paglaki nila at ang mukhang pasaway na ugali ay hindi naman pala dapat sawayin.
2. Pag-sigaw ng malakas
Madalas hindi mo talaga maiiwasan ang sigawan ang anak mo. Sabi ni Nicole P., sa pakiramdam niya ay tinuturo ng pag-sigaw sa anak niya na okay lang ang sigawan nito ang kapwa niya.
Ang pag-sigaw ay karaniwang pag-express ng frustration, pero ugaliing maging kalmado at maging klaro sa pag-explain sa anak mo kung bakit hindi maganda ang kaniyang ginawa. Linawin mo din na hindi siya ang problema, kung hindi ang ginawa niya.
3. Pagiging inconsistent
Halimbawa, sinabi mo sa anak mo na 1 hour lang siya puwedeng maglaro sa iPad pero the next day, pumayag kang sumobra siya dito. Sa susunod na araw, ide-demand na niya ang more than one hour dahil naging inconsistent ka sa pag-set ng rules.
Mahalaga ang consistency, lalo na sa mga batang nasa edad 6 pataas. Marunong na silang mag-reason out at sa edad na ito, mas nagiging malakas ang need nila na i-assert ang indepedence nila.
Dapat ituro sa kanila na ang bad behavior ay may negative outcomes. Sa paraang ito, mababawasan din ang pagod at frustration mo bilang magulang.
4. Pagdi-disiplina na hindi angkop sa edad
Sa bawat stage ng buhay ng anak mo, magbabago din ang requirements ng pag-disiplina sa kanya. Kasama na rito ang pag-disiplina. Hindi dapat “one size fits all” ang pagsaway sa anak. Halimbawa, sa batang edad 10 hanggang 12 months maaaring tumalab na ang pagsabi ng “No” o pagpalo ng light lang sa kamay. Pero kapag preschooler na ang anak mo, puede mo na sila turuan ng “right or wrong” o bigyan ng karampatan na parusa ang bad behavior. Puwede mong kunin ang favorite toy nila o bigyan sila ng time out sa paglaro. Kung ano man ang way na pag-disiplina, i-explain mo sa kanila kung bakit at ipaalala sa kanila na ginagawa mo ito dahil gusto mo lang silang maging mas mabuti.
5. Pinag-iisa ang disiplina at punishment
Ang pagpaparusa at pag-disiplina ay dapat ng magkahiwalay. Tandaan: ang pag-disiplina ay pagturo ng pagka-kaiba ng good at bad behavior. At ang punishment naman ay isang technique na parte ng pag-disiplina. Importanteng mag-establish ng self-control ang isang magulang sa pagpataw ng punishment, huwag masyadong severe dahil baka lalong mapasama lamang ang mga anak mo. Set boundaries and discipline with love dapat ang gawing priority.
Mayroon ba kayong maidagdag sa list? Ilagay lamang sa comments below.
READ: 7 Natural behavioral traits in kids parents mistake for being pasaway
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!