TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Divine Lee ikinuwento ang kaniyang panganganak kay Baby Blanca

3 min read
LOOK: Divine Lee ikinuwento ang kaniyang panganganak kay Baby Blanca

Ang pamilya ni Divine Lee at asawang si Blake Go ay nadagdagan ng bagong miyembro. Ika-1 ng Oktubre taong 2019 nang ipinanganak ang baby girl na si Blanca Dietrich Lee Go.

Buwan ng Marso ngayong taon nang ibinalita ni Divine Lee na siya ay nagbubuntis sa ikalawang anak. Ngayon, ilang ulit din na binibiro ni Divine na kamukha siya ng kanyang kuya na si Basquiat Delfin Lee Go.

Si Blanca Dietrich ang pangalawang anak ni Divine Lee

Ibinahagi ni Divine kung paano nila napili ang unique na pangalan na ito para sa kanilang baby girl.

Makikita na pareho ng initials si Basquiat (Baz) at Blanca. Pinanatili nila Blake at Divine ang pattern na ito para kay Blanca.

Ayon kay Divine, ang Blanca ay sumisimbulo sa pagiging dalisay at kalmado. Ang Dietrich ay salitang German naman na nangangahulugan na pinuno ng mga tao. Napili nila ito nuong pride month. Subalit, sila ay tumagal bago napili ang Dietrich para sa bata. Sinadya na tradisyunal na pangalan ng lalaki ang pinili ng mga magulang dahil naniniwala si Divine na walang kasarian ang panggalan.

Naging inspirasyon din nila ang feminist na si Marlene Dietrich na kilala sa mga pelikula. Binigyang papuri ni Divine ang dating aktres sa mga nagawa nito. Bukod sa kilalang artista at mang-aawit si Marlene, malaki rin ang naitulong nito pagdating sa giyera. Siya rin ay isa sa mga unang kababaihan na nagsuot ng pantalon na isang naging malaking hakbang para sa mga kababaihan. Sa katotohanan, muntik na siyang ma-aresto dahil sa pagsuot ng pantalon sa publiko.

Ipinangalan ni Divine ang kanyang anak sa aktres para ipaalala dito na walang hangganan na makakahadlang sa bata.

Emergency CS

Biglaan ang naging panganganak ni Divine kay Blanca. Kahit pa nasa term na siya para manganak, hindi nila inaasahan na mapapa-aga ito. Kanila sanang tina-target na ipanganak ang bata sa ika-10 ng Oktubre para sa petsang 10-10.

Naging biglaan man, handa si Divine sa kanyang mga kakailanganin para sa panganganak. Sa kanyang ibinahaging Instagram story, pinakita niya ang kanyang mga bilin na kailangang dalhin sa kanyang asawa. Kasama dito ang pag-charge ng camera, pag-text sa photographer, pagtawag sa stemcord, at maging pagdala ng grazing box. Natuwa rin si Divine nang si Blake na ang nagtanong kung magdadala ba siya ng make-up.

Sa Facebook post ni Divine, siya ay nagpasalamat sa kanyang OB na si Dr. Tinette Mendoza para sa madali at kumportableng panganganak. Nagpasalamat din siya sa Anaesthesiologist na si Dr. Glenn Villarin. Laking pasalamat niya na hinawakan nito ang kanyang kamay nang siya ay natatakot.

Source: Divine Lee Facebook

Basahin: Divine Lee, nag-eexpect ng baby girl!

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Divine Lee ikinuwento ang kaniyang panganganak kay Baby Blanca
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko