Aktres, host, model at entrepreneur na si Divine Lee nagsilang ng isang baby girl.
Mababasa sa artikulong ito:
- Divine Lee ipinanganak ang kaniyang baby girl
- Birth story ni Divine Lee
Divine Lee ipinanganak ang kaniyang baby girl
Last October 10, 2021 ay isinilang ni Divine ang pangatlo niyang anak na si Dalida Go.
“Meet Dali,” caption ng aktres sa kaniyang instagram post.
Ginawan din niya ng instagram account ang kaniyang baby girl, kung saan makikita ang mga cute na cute na larawan ni baby Dali.
Sa isang Instagram post sa nasabing account ay ipinaliwanag nila kung bakit nga ba Dalida ang kanilang napiling pangalan.
“Hi Guys! I’m Dali.. well, that’s short for Dalida Bader Lee Go. Following the tradition of my siblings, parents named us after inspiring people. My nickname is Dali same like the artist Salvador Dali! Named after artists like ahia Baz and Achi Blanca who’s supposed to be nicknamed Banksy (but Ahia made it doodoo 😂).”
Ayon din sa unag ig post sa account ni babyDalida Go, ang Dalida ay nangangahulugan din na gold or ginto sa tagalog. Si Divine Lee ay kilala bilang isang taong mahilig sa gold, at napatunayan niya ito lalo na noong siya ay ikasal suot ang isang gold na wedding gown.
Birth story ni Divine Lee
Sa isang vlog ni mommy Divine ay kanyang ibinahagi ang kaniyang birth story.
October 8 ay nagpaadmit na si Divine sa ospital, ang dahilan nito ay kinakailangan niya pang sumailalim sa iba’t ibang test.
“I am an IVF person,” sabi ng aktres.
Bago pa man umano magpakasal si Divine ay na-stored na ang kaniyang mga egg cells dahil bukas ang kaniyang isipan sa surrogacy noon, hindi man ito legal sa Pilipinas.
“I stored my eggs, thinking na, baka one day hindi ako mag-asawa. But I want kids I really love kids,” pahayag pa niya.
Dagdag pa ni Mommy Divine ang pagbubuntis niya ito ay mailalarawan niya bilang “God’s thing”. Lahat umano ng bagay ay pwede niyang paghandaan, pero sa huli Panginoon pa rin ang nakakaalam ng lahat.
“The rest of my worries I really just have to, ibigay ko sa dasal.”
Matatandaan na noong July 13, 2021 ay isinugod sa ospital ang aktres dahil sa matinding pagdudugo habang ipinagbubuntis ang kaniyang third baby.
Nagkaroon umano siya ng kondisyon na tinatawag na Placenta Previa, isang kondisyon kung saan ang placenta ni baby ay nababalot sa cervix ng nanay.
Dahil dito ay malaki ang posibilidad na makaranas muli ng matinding pagdudugo sa Divine sa araw ng kaniyang panganganak, na maituturing na isang delikadong sitwasyon.
Para kay Divine ang pinakamahirap na araw sa kaniyang panganganak ay ang pag-alis nila ng bahay upang pumunta sa ospital.
“You know that feeling na aalis kayo tas hindi ka sure kung uuwi ka and then you see your kids. That was super duper hard for me.” sabi ni Divine
Isa rin umano ito sa mga rason kung bakit pinili niya pa rin magtrabaho kahit nasa ospital na sila, ay upang maiwasan niya ang masiyadong pag-iisip at mabaling ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay.
Ikinwento rin niya noong mga panahong kinakailangan niyang mag-impake ng kanilang “going home clothes”. Hindi niya umano mapigilan na umiyak dahil na iisip niya na baka hindi niya rin magamit ang mga ito.
“Iniisip ko kahit ano pang suot ko basta makauwi lang ako diba, eh dati kailangan full outfit,” biro pa niya.
Bago manganak ay ibilin na rin niya ang kanyang life sheets, passwords and insurances. At laking pasasalamat niya dahil hindi naman ito nagamit.
“Pagpasok namin doon sa delivery, trust na lang with God and your Doctors ang natitira.”
At habang ginaganap ang procedure ng panganganak ay nasurpresa muli ang mga doktor dahil nakadikit ang kaniyang placenta. Kaya kinakailangan ito kasama din ang kaniyang follopian tube at isa sa kaniyang ovaries dahil “nakakalat” ang mga ito.
Sa huli ay puno ng pasasalamat ang aktres. Sapagkat kinaya niya ang lahat ng pagsubok sa kaniyang panganganak. Ito’y dahil sa suporta ng kaniyang mga kaibigan at pamilya, gayundin sa tulong ng Panginoon.