DIY holiday gift ideas ba ang hanap mo para sa iyong anak? Narito ang ilang handmade gifts na siguradong mai-enjoy niyang gawin at ma-appreciate ng taong pagbibigyan niya ngayong holiday season.
Mababasa dito ang sumusunod:
- DIY holiday gift ideas para sa iyong anak.
5 DIY holiday gift ideas na kayang gawin ng maliliit na bata
Nag-iisip kung paano gagawing productive ang nalalapit na Christmas break para sa iyong anak? Narito ang ilang DIY holiday gift ideas na maari mong maipagawa sa kaniya na siguradong magpapasaya sa mga taong mabibigyan niya.
-
Holiday cards (4 years old pataas)
Ang pagbibigay ng card sa mga special occasions ay tradisyon na para sa ating mga Pilipino. Kaya naman i-challenge ang creativity ng iyong anak sa paggawa ng personalized na holiday cards na ibibigay niya sa kaniyang mga kaibigan o inyong kapamilya. Gamit ang mga colored papers o kaya naman crayons o color pens ay hayaan ang iyong anak na mag-design ng kaniyang personalized card kalakip ang kaniyang handwritten message para sa espesyal na taong kaniyang pagbibigyan.
-
Jar lanterns (5 years old pataas)
Larawan mula sa Riverblissed Blogspot
Isa pang DIY holiday gift idea na siguradong mai-enjoy ng iyong anak na gawin ay mga jar lanterns. Kailangan lang ng mga hindi na ginagamit na garapon at wax paper o kinulayang tissue paper para maibalot ito. Kapag naibalot na ang garapon ay puwede mo na itong lagyan ng design na iyong gusto. Maaring magdikit dito ng mga ginupit na makukulay na papel o stickers. Saka lagyan ito ng maliit na kandila sa loob para mapailaw at makita ang tunay na ganda nito. Para mas may dagdag na effect ang iyong handmade lantern ay mas mainam na gumamit ng scented candle. Hindi lang mailaw ang inyong holiday season, ito rin ay siguradong babango.
-
Waterless snow globes (6 years old pataas)
Gamit muli ang isang garapon ay makakagawa na ng snow globe ang iyong anak. Para maiwasan ang pagkakalat ng tubig, gumawa ng waterless snow globe. Gumamit lang ng ginupit na maliliit na piraso ng puting styrofoam o papel. Idikit sa takip ng garapon ang napili mong Christmas object o design. Saka ito lagyan ng maliliit na piraso ng styro o papel at gawa na ang snow globe mo.
-
DIY photoholder (6 years old pataas)
Puwede rin subukang gumawa ng iyong anak ng DIY photoholder. Gamit ang bato, alambre at maliliit na beads at accessories ay maari niya ng gawin ito. Para mas maging makulay ay maari niya itong lagyan ng pintura o water color. Depende sa kung anong available na materyales at gusto niyang design.
-
Holiday cookies (4 years old pataas)
Siguradong mai-enjoy rin ng anak mo ang pagbebake ng cookies. Pero syempre magagawa niya kung siya ay tutulungan mo. Basta’t hayaan lang siyang maging involve sa pag-peprepare ng mga ingredients at pag-bebake nito. Bigyan din siya ng freedom na lagyan ng design ang cookies na kaniyang ginawa. Pati na ang pagbabalot dito at paglalay ng kaniyang message sa espesyal na taong pagbibigyan nito.
Ilan lamang ito sa mga DIY holiday gift na puwede mo pang maipagawa sa iyong anak ngayong holiday season. Hindi lang basta mahahasa ang creativity niya dito, siguradong mapapasaya rin nito ang taong pagreregaluhan ng anak mo.