Pagiging responsable, nasa DNA rin ng tao ayon sa isang pag-aaral

Hindi lang katalinuhan at itsura ang namamana natin sa ating magulang, pati pala ang kanilang pagiging responsable rin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Namamana natin ang ating itsura at ilang personalidad sa ating mga magulang kaya madalas nating naririnig na sinasabihan tayo na kamukha natin sila.

Ngunit hindi lamang ito ang namamana natin, pati na rin ang DNA ng pagiging responsable nila ay nakukuha natin ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa Pennsylvania State University.

Paano namamana ang DNA ng pagiging responsable

720 na magkakapatid na may edad 12 hanggang 14 ang sumali sa ginawang pag-aaral ng mga researchers. Kasama dito ang mga fraternal twins, magkakapatid mula sa buo at broken families, half-siblings at step-siblings.

Lumabas na malaki ang parte ng DNA bukod sa paraan kung paano pinalaki ang mga bata.

Napatunayan din ng mga scientists na ang mga magkakapatid na malapit sa isa’t-isa ay mas nagiging katulad ng kanilang mga magulang, kahit pa half-siblings sila o ste-siblings at nakatira sa iisang bubong.

“A lot of studies have shown a link between parenting and these virtuous traits, but they haven’t looked at the genetic component,” sabi ni Dr. Amanda Ramos ng Department of Psychology ng unibersidad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I thought that was a missed opportunity because parents also share their genes with their children, and what we think is parents influencing and teaching their children these characteristics may actually be due, at least in part, to genetics,” dagdag ni Dr. Ramos.

Paano ginawa ang pag-aaral sa DNA

Ibinahagi nila sa iba’t-ibang kategorya ang mga datos na kanilang nakuha at sinuri ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t-isa. Sa paraang ito nila napagtanto na may malaking papel ang genes sa pag-uugali ng isang tao, partikular ang pagiging responsable nila.

Halimbawa ay ang mga identical twins na may iisang DNA kumpara sa mga step-siblings na hindi talaga magkaanu-ano ngunit nakatira sa iisang bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If identical twins are more similar than fraternal twins, for example, it’s assumed there’s a genetic influence,” ani Dr. Ramos.

Dagdag pa niya, “Including multiple degrees of relatedness can give you more power to disentangle the genetic influences from the shared environment.”

Sinuri din ng mga scientists ang degree ng relasyon ng mga mag-anak, mula sa positibong aspeto gaya ng pagpuri at pakikisama hanggang sa negatibong aspeto gaya ng pagsaway at pag-aaway ng mga magkakapatid.

Nang tumuntong sa edad na 25 hanggang 27-taong gulang ang mga bata, muli nilang sinuri ang pagiging responsable nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Essentially, we found that both genetics and parenting have an effect on these characteristics. The way children act or behave is due, in part, to genetic similarity and parents respond to those child behaviors,” sabi ni Dr. Ramos.

“Then, those behaviors are having an influence on the children’s social responsibility and conscientiousness.”

Sang-ayon din dito ang may-akda ng pag-aaral na si Jenae Neiderhiser, propesor ng psychology at human development and family studies sa University of Pennsylvania.

“Most people assume that parenting shapes the development of virtuous character in children via entirely environmental pathways. But our results suggest there are also heritable influences” ani Prof. Neiderhiser.

“This doesn’t mean that if parents are conscientious their children also will be regardless of how the children are parented. ‘It does mean, however, that children inherit a tendency to behave in a particular way and that this shouldn’t be ignored,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinapakita ng nasabing pag-aaral na may potensyal ang DNA ng pagiging responsable sa paghubog ng pagkatao natin ngunit malaking impluwensya pa rin ang paraan ng pagpapalaki at environmental factors para mangyari ito.

“People still make their own choices and have agency in shaping who they become,” sabi ni Dr. Ramos.

Nakalathala ang naturang pag-aaral sa Journal Behavior Genetics.

 

Source: Daily Mail

Images: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN: Pagiging payat, nasa DNA ng tao—ayon sa isang pag-aaral