TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Maid humihingi ng tulong dahil mahuhulog na sa condo; Amo nag-video lang

2 min read
Maid humihingi ng tulong dahil mahuhulog na sa condo; Amo nag-video lang

Isang domestic helper ang nakaranas ng abuse sa kamay ng kaniyang amo nang humingi ito ng tulong dahil mahuhulog na sa condo—at hindi ito tinulungan. | Photos: Daily Mail

Kilala ang Kuwait bilang isang mayamang bansa dahil sagana ito sa krudo. Mayroong humigit kumulang na 600,000 na mga domestic helper na nagtratrabaho doon mula sa iba’t ibang Asian countries, kabilang na ang Pilipinas. Ngunit sa kasamaang palad, mayroong mga kaso ng abuse ang nangyayari sa mga ito—sexual, physical, pati financial dahil hindi naibibigay ang sweldo.

Sa isang viral video, makikita ang kalupitan ng isang amo sa kaniyang Ethiopian na domestic helper, isang klarong kaso ng abuse.

Humihingi ng tulong

Ayon sa ulat ng Daily Mail, isang katulong ang sinubukan na tumakas sa apartment unit ng kaniyang amo sa seventh floor ng isang condominium building.

Sa isang shocking video, makikita na nakasabit na lang ang katulong sa building gamit ang kaniyang isang kamay na nakakapit sa bintana. Nang makita ito ng amo niya, sinimulan siyang kuhaan ng video nito. Maririnig na sinasabi ng amo, “Oh, crazy, come back.”

Sumagot naman ang katulong ng, “Hold me, hold me!”

Ngunit walang ginawa ang amo, bagkus nagpatuloy lang na kuhaan ng video ang katulong.

Dahil na rin isang kamay na lang ang nakakapit sa bintana at ang buong bigat nito ay nakasalalay dito, hindi na nakayanan ng katulong at tuluyan nang nahulog ng pitong palapag. Dinig na dinig sa video ang lagapak nito bubong sa ibaba. Patuloy lang kinukuhanan ng amo ang video.

Himala naman na nakaligtas ang katulong mula sa kaniyang pagkakalaglag. Dinala siya ng paramedics sa ospital. Nagtamo ito ng pagkabali ng buto sa kamay at duguan na ilong at tenga.

Domestic helper abuse

Nang magsimula ang imbestigasyon noong March 2017, inaasahan na papapanagutin ang amo dahil sa hindi pagtulong sa biktima. Ngunit sa huli ay nakasuhan it ng paglabag sa karapatang pantao na bawal kuhaan ng video at i-publish ang video nang walang pahintulot ng taong kinukuhanan.

Depensa ng amo, ayon sa Stepfeed, kinuhaan daw niya ang kaniyang katulong ng video upang maging ebidensya na hindi niya ito sinaktan.

Dahil sa kaniyang krimen, nasintensiyahan ang amo ng isang taon at walong buwan na pagkakakulong.

Narito ang video ng buong pangyayari. Babala: nakakabagabag ang video na mapapanood.

Partner Stories
Abbott’s Growth Watch Empowers Parents to Beat Childhood Stunting
Abbott’s Growth Watch Empowers Parents to Beat Childhood Stunting
For gifts and giveaways: Christmas Baskets now available at Metro Supermarket
For gifts and giveaways: Christmas Baskets now available at Metro Supermarket
IDEAYALA 2023: A Journey of Innovation and Creativity Among Kiddie Entrepreneurs
IDEAYALA 2023: A Journey of Innovation and Creativity Among Kiddie Entrepreneurs
Google launches Startups Accelerator program to help Filipino startups and businesses
Google launches Startups Accelerator program to help Filipino startups and businesses

Source: Daily Mail

Basahin:
10 things to tell your maid when looking after your baby
Viral video highlights sad reality of maid abuse

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kasambahay
  • /
  • Maid humihingi ng tulong dahil mahuhulog na sa condo; Amo nag-video lang
Share:
  • Kasambahay, itinali sa puno ng kaniyang amo

    Kasambahay, itinali sa puno ng kaniyang amo

  • Directory ng Cleaning at Yaya Services sa Metro Manila at iba pa

    Directory ng Cleaning at Yaya Services sa Metro Manila at iba pa

  • Kasambahay, itinali sa puno ng kaniyang amo

    Kasambahay, itinali sa puno ng kaniyang amo

  • Directory ng Cleaning at Yaya Services sa Metro Manila at iba pa

    Directory ng Cleaning at Yaya Services sa Metro Manila at iba pa

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko