Dominique Cojuangco blooming mom-to-be sa kaniyang latest maternity photoshoot

Tingnan dito ang mga larawan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dominique Cojuangco hiyang sa pagiging buntis, blooming sa kaniyang latest maternity shoot.

Mababasa dito ang sumusunod:

Dominique Cojuangco blooming sa kaniyang maternity shoot

Larawan mula sa Instagram

Glowing mom-to-be, ganito kung paano isalarawan ng mga netizens si Dominique Cojuangco sa kaniyang latest maternity photoshoot. Si Dominique makikitang hiyang na hiyang sa kaniyang pagdadalang-tao at talagang angat ang kagandahan sa ngayon.

Ilang araw nalang at ipapanganak na ni Dominique ang baby nila ng mister na si Michael Hearn. At biglang paghahanda sa pagdating nito ay isinagawa ang maternity photoshoot ni Dominique na kung saan makikita ang malaki na niyang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang photoshoot blooming si Dominique sa suot niyang see-through tulle dress na may malaking ribbon na gawa ng designer na si Vania Romoff. Agaw pansin rin ang suot niyang Bvlgari Serpenti necklace na nagkakahalaga ng 8 million pesos.

Makikita rin na very excited sa kaniyang pagbubuntis ang mister niyang si Michael Hearn. Kasama niya rin ito sa nasabing photoshoot pati na siya syempre ang kanilang fur babies.

Larawan mula sa Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buhay mag-asawa nina Dominique Cojuangco at mister na si Michael Hearn

Marso ng nakaraang taon ng maikasal sina Dominique Cojuangco at mister nitong si Michael Hearn. Ang kanilang kasal dinaluhan ng mga socialites at mga artista kabilang na sina Sofia Andres at Ria Atayde. Syempre present rin sa kasal ni Dominique ang inang si Gretchen Barretto na makikitang naiyak sa kasal ng kaniyang anak. Ito ay makikita sa wedding video na ibinahagi ni Dominique nitong nakaraang buwan biglang pagdiriwang sa wedding anniversary nilang mag-asawa.

Walong buwan matapos maikasal ay ibinahagi ni Dominique na siya ay nagdadalang-tao sa unang anak nila ng mister niyang si Michael. Limitado ang mga impormasyong ibinabahagi ni Dominique tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao pati na sa kaniyang pamilya. Pero base sa isa sa kaniyang latest Instagram post ay present lagi para sa kaniya ang inang si Gretchen Barretto.

Larawan mula sa Instagram account ni Dominique Cojuangco

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement