X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Donita Rose at Felson Palad, ikinasal na!

5 min read
LOOK: Donita Rose at Felson Palad, ikinasal na!

Tingnan dito ang mga larawan sa kasal nila Felson at Donita.

Donita Rose ikinasal na kay Felson Palad sa isang intimate wedding ceremony sa California.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Felson Palad and Donita Rose wedding.
  • Love story ni Donita Rose at Felson Palad.

Felson Palad and Donita Rose wedding

donita rose wedding with felson palad

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Makikita ang saya sa mukha ng kilalang Fil-Am TV host at actress na si Donita Rose sa bagong chapter ng kaniyang buhay. Si Donita kasal na sa gospel singer na si Felson Palad. Ang kanilang kasal nangyari sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony sa San Clemente, California.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Donita ang pinakahihintay nilang event ni Felson sa kanilang pagsasama.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever.”

Ito ang caption ng IG post ni Donita kalakip ang mga larawan sa kanilang kasal.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Ang mga celebrity friends ni Donita hindi naman napigilan na mag-comment sa saya na makitang kasal na ito sa lalaking pinakamamahal.

KC Concepcion: Omg yessss Congratulations ate D!

Gelli de Belen: OMG ao happy for you!!!!! Congratulations and best wishes Barbie doll!!!! @dashofdonita

Jackie Forster: Sooooo beautiful D “What God has joined together, let no man put asunder.” Congratulations.

Ruffa Gutierrez: You deserve to be happy, Dee!! Love you so much!!

Samantala, makikita naman sa wedding photos na ibinahagi ng aktres na masaya sa tabi niya ang anak niyang si JP. Si JP o Joshua Paul sa buo nitong pangalan ay ang anak ni Donita at dati niyang mister na si Eric Villarama. Ito ngayon ay 18-anyos na.

donita rose wedding with son jp

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Sa mga larawan naman ng Nice Print Photo na siyang official photographer sa kasal ni Donita at Nelson ay makikitang ang anak niyang si JP ang naghatid sa aktres sa altar. Habang ang ilan namang friends at kamag-anak ni Donita at Felson ay sinamahan sila sa kanilang kasal sa pamamagitan ng conference call.

Si Felson may post din tungkol sa kasal nila ni Donita sa kaniyang IG account. Ang caption ng post niya ay ito.

“It took 37 years.”

Ang post na ito ni Felson ay tumutukoy sa kaniyang edad sa oras na maikasal kay Donita. Si Felson ay 10 years younger sa aktres na una daw naging dahilan noon para mag-dalawang isip si Donita na i-entertain si Felson.

donita rose wedding with felson palad

Larawan mula sa Instagram account ni Donita Rose

Love story nina Donita at Felson

Matatandaang Abril nitong taon na ibahagi ni Donita na may bagong lalaking nagpapatibok ng puso niya. Agad naman itong sinundan ng pag-aanunsyo niya na sila na ni Felson Palad na kilalang gospel singer sa California.

“I think it’s safe to say I’m seeing someone…”

Ito ang caption ng post ni Donita noon tungkol sa pagbabahagi niya ng relasyon nila ni Felson. Pagbabahagi pa noon ni Donita nalungkot siya na malamang marami ang tila namba-bash sa relasyon nila ni Felson sa social media.

“There have also been a ton of negative comments from netizens regarding articles written about us and our social media posts, some making memes and trolling on us.”

“Yes, they have been painful for me, I’ll admit, but just know that @felsonpalad and I prayed blessings for them.”

Ito ang bahagi ng post ni Donita tungkol sa nararamdaman niya matapos makatanggap ng negative comments sa relasyon nila ni Felson. Pero sa kabila nagpatuloy si Donita sa pagbabahagi ng moments nila ni Felson bilang mag-boyfriend at girlfriend. At isang buwan matapos i-anunsyo ang kanilang relasyon ni Felson, sila ay na-engaged agad.

“Am now officially engaged!”

Ito naman ang caption ng post ni Donita noon na ibinibida ang engagement ring niya.

Samantala, si Felson minsan na ring ibinahagi kung gaano siya ka-thankful na makilala si Donita. Para nga daw sa kaniya ay isang answered prayer ang pagdating nito sa buhay niya.

“I feel like I have found someone who speaks my language, hears the real music of my heart, and laugh at my corny jokes. To the people who commented, “ feeling pogi” I do. Hahaha. Guys, it’s @dashofdonita who would not be? But kidding aside, I am humbled every day to know God has heard my prayers. God bless everyone.”

Ito ang sabi noon ni Felson sa isang Instagram post.

Si Donita ay una ng naikasal sa model na si Eric Villarama.

Matatandaang taong 2016 ng kumpirmahin ni Donita Rose na hiwalay na sila ng mister na si Eric Villarama. Ito ay matapos mag-post si Eric ng picture niya sa Instagram kasama ang ibang babae.

Kuwento ni Donita, dalawang taon bago ang opisyal nilang hiwalayan ay on and off ang relasyon nila. Pero sinusubukan nilang ayusin ito. Kaya naman laking gulat niya ng mag-post ng picture ang mister niyang si Eric Villarama na may kasamang babae. Ito ang nakita niyang kompirmasyon nito na ang relasyon nga nila ay tapos na at wala ng pag-asa.

 Instagram

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Donita Rose at Felson Palad, ikinasal na!
Share:
  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko