Donnalyn Bartolome nag-sorry sa baby-themed photoshoot: "It was an honest mistake”

Humingi ng dispensa si Donnalyn Bartolome hingil sa issue ng sexy baby-themed photoshoot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglabas ng pahayag si Donnalyn Bartolome ukol sa trending issue ng kaniyang baby-themed photoshoot. Ito ay matapos makatanggap ng samu’t saring kritisismo mula sa mga netizen.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Donnalyn humingi ng sorry: “It was never my intention to enable horrifying acts”
  • Ano ang pedophilia at bakit banta nito sa iyong anak

Donnalyn humingi ng sorry: “It was never my intention to enable horrifying acts”

Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Donnalyn Bartolome nang mag-trending ang issue ng kaniyang birthday photoshoot. Ang tema kasi ng nasabing photoshoot ay “sexy baby”. Makikita sa mga larawan si Donnalyn Bartome kung saan ay nakabihis ito na tila isang sanggol habang tila seductive ang aura.

Maraming netizen ang hindi natuwa sa mga larawan ng vlogger. Saad ng mga ito, tinutulak daw ng naturang mga picture ang mga masasamang loob na lalong i-sexualize ang mga bata. Anila, maaaring magdulot ng pagkabuhay ng malaswang imahinasyon ng mga pedophile ang mga larawang tulad ng baby-themed photos ni Donnalyn Bartolome.

Ang nasabing photoshoot na nagdulot ng issue ay para sana sa ika-28 kaarawan ni Donnalyn Bartolome noong July 9.

Samantala, agad ding naglabas ng pahayag si Donnalyn Bartolome matapos mag-trending ang issue. Sa kaniyang Facebook post ay humingi ng sorry ang vlogger at sinabing, “It was an honest mistake.”

Aniya, hindi niya sinasadya ang naging epekto ng photoshoot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Donnalyn

“It was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth.”

Akala umano nila ay “light” and “funny” lang ang napili nilang tema pero nang mabasa ang kritisismo ng mga netizen, ay agad din naman siyang sumang-ayon at naunawaan ang pinupunto ng mga ito.

“Upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala si Donnalyn Bartolome na protective sa kaniyang mga nakababatang kapatid. Kaya naman, giit niya na hindi niya talaga intension ang naturang issue.

Nakipag-ugnayan na rin daw ang vlogger sa Facebook at iba pang social media managers para ma-take down ang mga kumalat na larawan.

Nagpasalamat naman si Donnalyn Bartolome sa mga kumausap sa kaniya ng maayos hingil sa naturang issue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Donnalyn

“Thank you to everyone who let me know, especially those who did it so kindly, you’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy…but I’ll do my best.”

Ginamit din ni Donnalyn Bartolome ang pagkakataon na humingi ng tulong para sa mga batang naabuso. Aniya sa kaniyang post, na-admit siya sa Nayon ng Kabataan care-facility noong siya ay minor pa.

“The children admitted there carry so much pain, you can donate or send them little gifts to make them feel better.”

 BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang pedophilia at bakit banta nito sa iyong anak

Pedophile ang tawag sa taong may pagnanasang seksuwal sa mga bata. Generally, nagkakaroon ng sexual attraction ang mga pedophile sa mga batang nasa edad 13 taon pababa.

Ayon sa WebMD, ikinokonsidera ng American Psychiatric Association na mental disorder ang pedophilia simula pa noong 1968. Kabilang umano ito sa tinatawag na paraphilias. Ang paraphilias ay tumutukoy sa recurrent, intense sexually arousing fantasies, sexual urges, o behaviors sa mga bata, non-human subjects, o iba pang non-consenting adults.

Hindi naman daw lahat ng pedophiles ay child molesters. Mayroong ibang dumaranas ng pedophilia ngunit nakararamdam ng guilt o nakokonsensya at umiiwas na i-approach sexually ang mga bata. Subalit, tinuturing pa rin na may pedophilic disorder ang mga ito.

Larawan mula sa Freepik kuha ni Jcomp

Additionally, hindi malinaw kung gaano karami o pangkaraniwan ba ang mga pedophile na hindi gumagawa ng sexual molestation sa mga bata. Kaya mahalaga pa ring bantayan at ingatan ang inyong mga anak mula sa ibang tao. Lalo na kung hindi ninyo kilala nang lubos ang mga adult na lumalapit sa inyong anak.

Sinusubukang i-justify ng ibang pedophile ang kanilang sexual orientation at niyayakap pa ito. Ang mga ganitong uri ng pedophile ang malalang banta sa kaligtasan ng inyong anak. Samantala, mayroon din namang pedophile na naniniwalang ang pagnanasa sa bata ay morally wrong. Ang mga ganitong uri ng pedophile ay karaniwang dumaranas ng frustration, isolation, depression, anxiety, at madalas na mag-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ikaw naman ay dumaranas ng ganitong mental health disorder makatutulong ang pag-seek ng professional help. Mahalagang kumonsulta sa mental health professional o sex therapist upang ikaw ay matulungan kaysa sarilinin ang problema.

Karamihan sa mga eksperto sa larangan ng mental health ay hindi naniniwala na curable o nagagamot ang pedophilia. However, makatutulong ang therapy para ma-manage ang sexual attraction upang hindi makagawa ng krimen o maiwasan ang pangmomolestiya sa mga bata.

Ang ilang pasyente na may mataas na tsansa ng pag-commit ng sexual offenses ay maaaring sumailalim sa medications upang mabawasan ang kanilang sex drive.

Sinulat ni

Jobelle Macayan