Chesca Garcia at Doug Kramer, masayang ibinahagi sa isang interview ang ilan sa napakaraming bagay na kanilang natutunan mula sa pagiging boyfriend-girlfriend hanggang sa kanilang married life.
Mababasa sa aktikulong ito:
- Chesca at Doug Kramer married life
- 4 Financial tips para sa mga married couple
Chesca at Doug Kramer married life
“When I graduate from college, I will marry you right away.” ‘yan ang mga katagang binitiwan ni Doug Kramer kay Chesca Garcia noong mag nobyo pa lamang sila.
Masayang ibinahagi ng dalawa ang tungkol sa mga pinagdaanan ng kanilang relasyon mula sa pagiging magnobyo hanggang maging mag-asawa sa isang interview kasama si Toni Gonzaga.
Inamin ng dalawa na sa simula ng kanilang married life, hindi naging ganon kadali para sa kanila. Dumaan sila sa napakaraming pagsubok. Lalo’t higit sa financial aspect ng kanilang buhay.
Kung babalikan, hindi naman ito natatanaw ni Chesca sa negatibong paraan. Bagkus, para sa kaniya,
“Those are one of the happiest days of life… When we didn’t have much because I really saw the hands of God in our married life.”
Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer
Ayon pa sa kaniya, sa pamamagitan ng pagsubok na pinagdaanan nilang dalawa noong mga panahon na iyon, mas lalo silang natuto magtiwala sa Diyos at sa isa’t isa. Na-practice na rin nilang dalawa ang palaging dumepende sa isa’t isa.
Gaya ng nararanasan ng maraming pamilya, dumaan rin ang sila sa napakaraming pagsubok. Ito’y bago nila marating ang estado ng relasyon at buhay nila ngayon.
Hindi lamang nila isang beses naranasan ang problemang pinansiyal. Ilang beses nasubok ang tatag ng kanilang relasyon sa aspetong ito.
“We were going through financial problems.. Sabi ko, ‘sige, ako na sasalo lahat’” pagbabahagi ni Doug noong panahon na pinagdaraanan nila ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer
Gusto lamang umano niya na mag-focus ang kaniyang asawa na si Chesca sa pagiging healthy para sa kanilang magiging anak at pamilya. Bagama’t naging maintindihin, hindi naman niya nagawang itago ang hirap mula sa kaniyang mga isinakripisyo.
Ayon sa kaniya,
“Lumalabas na physically. I was getting alopecia, bald spots on my body, stress.”
Ito ang ilan sa mga naging epekto ng hirap at stress na kaniyang dinanas noon na ngayo’y kanila nang nalampasan nang masaya at sama-sama.
Proud na sinabi ng dalawa na, “We’ve never fought about money.” Lagi raw silang nakikipag-communicate sa isa’t isa, at laging bukas pag-usapan ang lahat ng bagay tungkol sa kanilang relasyon.
Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer
Marahil ito nga raw ang isa sa mga rason kung bakit maraming tao ang sumusuporta sa pamilya na mayroon sila. Dahil katulad ng normal na pamilya, bagamat sila ay kilala, hindi naman nila naiwasan ang dumaan sa mga pagsubok o challenges.
Isang malaking factor at susi kung bakit patuloy nilang nalalampasan ang mga problemang kinakaharap ng kanilang relasyon ay ang walang hanggang pagtitiwala sa isa’t isa.
“Not one role is greater but each role is as significant as the other,” pagsasaad ni Doug Kramer.
Ang tiwalang binigay ni Chesca sa kaniya mula pa lamang sa simula ng kanilang buhay mag-asawa ay ang parehong tiwala na kaniyang pinanghahawakan hanggang sa kasalukuyan. Iyon ang nagsilbing inspirasyon at bagay na itinuring niyang responsibilidad na dapat ingatan at parating patunayan.
Parati lamang daw tinatandaan ni Chesca ang bagay na ito,
“I’m not living with an enemy. I’m living with my partner, whom I chose to spend the rest of my life with.”
Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Kramer
BASAHIN:
Chesca at Doug Kramer kinakausap na ang mga anak tungkol sa sex as early as 6-year-old
Doug and Cheska Kramer celebrate 13 years of marriage: “I’d marry you over and over again!”
Chesca at Doug Kramer sa paggamit ng social media ng mga anak: “We are very much involved as parents”
4 financial tips para sa mga married couple
1. Isipin ang pinakamagandang paraan upang i-combine ang inyong finances
Kahit na ang pinaka-successful na mag-asawa ay dumaan rin sa pagsubok. Lalo na sa pag-handle ng kanilang finances. Mas mahirap ito lalo na sa unang bahagi ng buhay mag-asawa.
Subalit mahalaga na ibahagi rin sa isa’t isa ang bigat ng gastusin. Nang sa gayon, mayroong mga bagay kayong matatawag na talagang “amin” o “atin.”
2. Mag-set ng short-term at long-term goals
Ang pagkakaroon ng financial goals ay makakatulong upang panatiliin ang pagkakaroon ng maayos na direksiyon. Halimbawa na lamang ng short-term goals ay ang pag-upgrade ng mga lumang gamit sa bahay.
Pwede rin na pang-repair sa mga nasira, maliliit na improvement sa bahay, o maaari ring savings kung sakali na magkaroon ng emergency.
Samantala, ang pagpaplano ng pamilya, pagbili ng bahay, at pagse-save para sa retirement. Ang ilang mga halimbawa ng long-term goals na dapat isaalang-alang ng mag-asawa.
3. Matutong mag-budget
Hindi mahalaga kung gaano kalaki o gaano kaliit ang kinikita ninyong mag-asawa. Hindi rin kailangan maging komplikado ang pagbu-budget.
Kailangan lamang na aware kayong dalawa sa kung magkano ang inyong monthly income. Ganun din kung magkano rin ang inyong nagiging gastusin. Makakatulong ito para mas mabilis ninyong maabot ang inyong financial goals.
4. Maging open at transparent sa iyong partner
Isa sa mga mabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa pera sa buhay mag-asawa ay ang pagiging open sa isa’t isa. Mahalaga na parating maging tapat upang mapangalagaan ang tiwala na ibinigay sa bawat isa.
Bukod rito, maiiwasan din ang pagkakaroon ng misunderstanding sa usaping pinansiyal na magtutungo sa pagbuo ng matatag na financial trust sa relasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!