Kilala sina Doug Kramer and Cheska Garcia sa kanilang full of love na style sa kanilang parenting.
“Chesca and I always hear about this and reflected on how we worked hard on ours to get to goals. No one said being in a relationship is easy, but making it work is definitely worth it, and is always a choice every single day!”-Doug Kramer
Sa episode 5 ng kanilang vlog sa kanilang channel na Team Kramer na may pinamagatang ‘Family Matters’, masaya nilang binalikan ang mga alala ng kanilang relasyon dati, noong sila ay hindi pa kinakasal hanggang sa sila ay magkapamilya. Sa video, ikuwento nila ang mga pinagdaan nilang problema dati at kung paano ito ginawan ng solusyon.
1. “We are perfectly imperfect.”
Ganito kung paano i-describe ni Doug ang kanilang relasyon ni Cheska. Noong sila ay hindi pa kinakasal hindi talaga maiiwasan ang kanilang mga misunderstanding. Kapag sila ay nag-aaway, hindi nila ito hinahayaang patagalin o umabot ng araw. Dagdag pa nito na mas pinipili na lang nila ang tanggapin ang sinabi ng isa kahit na labag ito sa kalooban. Kesa naman hindi may mabuong grudge at tuluyan silang hindi makapag-usap.
“There a lot of times that we don’t really understand each other, but the point is we love each other and we do everything to make it work.”-Doug Kramer
2. “We need to cool-off.”
Ito ang mga katagang sinabi ni Cheska kay Doug noong sila ay hindi pa kasal. Ngunit mas pinili ni Doug ang hindi tumuloy sa ganung sitwasyon.
“I choose not to because I don’t wanna grow out of love. I would not suggest that to any couple.”
Dagdag pa nito na ang mga cool off at away na nangyayari sa isang relasyon ay maaaring tuluyang makapagpabago ng samahan ng isang couple. Kung hahayaan lang ito, baka isang araw magigising na lang sila na hindi na mahal ang isa’t-isa.
3. “We will not break up. That is not an option.”
Nang tanungin sila ng anak nilang si Gavin about sa paghihiwalay, ito ang sinabi ni Cheska. Kahit kailan hindi sumagi sa kanilang isipin ang maghiwalay. Hindi ito ang option para ma-solve ang isang problema.
Ayon kay Doug, sila ay may ‘covenant’ na pinanghahawakan. “It’s more than a promise.”
4. Is love hard to handle?
Choice ng isang tao ang magmahal at magpatuloy na magmahal.
“It can be hard to handle if you don’t choose to love cause everyday is a choice.”
-Cheska Garcia
Kailangan maintindihan ng bawat couple na kapag pinili mong mag-commit sa isang desisyon, katulad ng pagpapakasal, magiging mahirap ito kung hindi mo din tutuparin ang isang pangako hanggang sa huli.
5. “We are different but we have things in common.”
Screenshot fro Doug Kramer Official Instagram
Isang sikreto kung bakit patuloy na malago ang pagmamahalan sa relasyon nina Doug at Cheska ay ang pinanghahawakan nila ang kanilang pangako sa isa’t-isa. “We need God’s grace in our life.”Ayon kay Doug, hindi magiging ganito ka-healthy ang kanilang relasyon kung wala ang tulong ni God.
“Those things that we have in common is are covenant to each other.”
Sina Doug at Cheska ay ikinasal noong 2008.
Panooring ang buong video dito:
www.facebook.com/TeamKramerFive/videos/519669628663047/
Source: Team Kramer
BASAHIN: Kendra asks “Does that mean we are born rich?” Ang nakaka-touch na sagot nila Chesca at Doug Kramer , Doug Kramer remains positive after suffering a stroke
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!