Isang ina mula sa Salt Lake City, Utah ang gumawa ng mala-customer review post ukol sa kaniyang karanasan sa pagkakaroon ng anak na may Down Syndrome at nag-viral sa social media. Narito ang kuwento sa likod ng kaniyang Down Syndrome review.
Kuwento sa likod ng ‘customer review’ post
Laking tuwa ni Jessica Egan at kanyang asawa nang malamang nagdadalantao na siya sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang limang taon nilang pagsubok na magbuntis. Dumaan sila sa napakaraming proseso, kabilang ang pagkakaroon ng bigong in vitro fertilization o IVF.
Ngunit ang tuwa ay napalitan ng kalungkutan nang malaman nilang may Down Syndrome ang kanilang anak, 11 linggo pa lang sa kaniyang pagdadalantao.
“In that moment I felt extreme devastation. I spent the next three days at home in tears, afraid to tell anyone the news,” sabi ni Jessica sa kaniyang panayam sa Mamamia.
Kasunod ng diagnosis, nagtungo si Jessica at kaniyang asawa sa isang lokal na Down Syndrome foundation sa kanilang lugar upang maintindihan ang kondisyon ng kanilang baby girl.
“We began to realize that Down’s syndrome was nothing to fear, and when our baby [Gwendolyn] was born we were overwhelmed with love for her,” aniya.
Down Syndrome review ni Jessica
Naisipan ni Jessica na gumawa ng isang Down Syndrome review na kahalintulad sa customer review na iniiwan ng mga tao sa produkto o serbisyo na kanilang natanggap.
Dito niya ikinuwento ang kanyang naging karanasan sa pagkakaroon ng anak na may Down Syndrome sa loob ng isang taon.
Sinimulan niya ang post ng ganito: “When I placed my order I said, ‘Regular amount of chromosomes, please!’ That’s what everyone else got and what I wanted too.
“They called me shortly after my order was in production and said ‘Great news, we went ahead and upgraded you to extra chromosomes for free! You’ll receive the extra chromosomes with your completed order in 9 months.’
“What?! I was mad! All the other orders I had seen displayed via perfect Instagram posts did NOT have extra chromosomes,” pag-amin niya sa down syndrome review post.
“Well I decided that receiving my order with extra chromosomes was better than not receiving an order at all, so I settled in to wait for this surprise upgrade to arrive.”
Dito na sinimulan ni Jessica ang makabagbag-damdaming mga pahayag ukol sa kaniyang pagmamahal sa anak na si Baby Gwendolyn sa kabila ng pagkakaroon nito ng Down Syndrome.
“I have now had my order for two months and am writing this review to let others know the upgrade to extra chromosomes is amazing!! If offered, definitely take it!”
“I posted some photos below of the finished product and you can see the extra chromosome is so worth it – it is extra cute, extra special, and extra-ordinary! So much extra joy. Would purchase again for sure,” saad niya.
Reaksyon ng mga tao sa Down Syndrome review post ni Jessica
Inamin ni Jessica na ang kaniyang post ay para lamang talaga sana sa kaniyang pamilya at mga kaibigan ngunit hindi niya sukat-akalain na magugustuhan ito ng publiko at naging viral sa social media. Sa ngayon ay umabot na ito sa higit 76,000 shares, 30,000 comments at 354,000 reactions.
Marami ang pumuri sa down syndrome review na ginawa ni Jessica. Marami rin ang naka-relate sa kaniyang post at na-inspire rin niya ang ilan sa mga magulang na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin sa pagkakaroon ng anak na may Down syndrome.
“The feedback has been so full of positivity, love, and acceptance that it is overwhelming. I hope people find comfort from my post, but I also hope that people who have no experience with Down’s syndrome or other chromosomal abnormalities will have their minds and hearts opened,” sabi niya.
Umaasa rin si Jessica na sa kabila ng sitwasyon ni Baby Gwendolyn ay magkakaroon pa rin ito ng magandang kinabukasan sa hinaharap at patuloy na makakatanggap ng pagmamahal at suporta mula sa publiko.
“I had a dream when I was pregnant that our little girl was grown up and she was working in a trendy decor store and was also a talented chef,’ Jessica said. ‘My hope is that there will be no limit to what she can become,” sabi niya.
Source: Daily Mail, Mamamia
Images: Our Sweet Gwendolyn Instagram and Facebook
BASAHIN: 10 Bagay na Dapat Malaman tungkol sa Down Syndrome