Dry labor, ano nga ba ito? Mom shares her own experience

Narito kung bakit nakakaranas ng dry labor ang isang babaeng buntis at bakit mahalagang maipaalam agad ito sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dry labor, narinig mo na ba ang tungkol dito?

Image from Freepik

Dry labor experience ng isang ina

Isang ina sa theAsianparent community ang nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa dry labor.

Ayon sa ina, February 8 ng umaga ng makaramdam na siya ng pananakit o contractions sa kaniyang tiyan. Pero nawala ito at muling bumalik kinabukasan na kung saan may konting tubig ng lumabas sa kaniyang pwerta. Dito na nagpunta sa ospital ang ina na kung saan napag-alamang 1-2cm dilated palang siya. Patuloy ang paghilab ng kaniyang tiyan na sinundan ng paglabas sa kaniyang pwerta ng buo-buong dugo. Palatandaang naging dahilan upang magdesisyon ang doktor na i-emergency cesarean section delivery na siya. Ito ay kahit hindi pa pumuputok ang panubigan niya tulad ng mga nangyayari sa normal na panganganak. Paliwanag ng doktor, konti na lang ang tubig sa panubigan niya. At ito ay lubhang mapanganib na para sa kaniyang baby.

“11am IE ulit 2-3cm pa din.. And mataas pa din siya. So call na nila OB ko para mag update.. Kasi sobrang dami na ng dugo and buo buo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12:30pm dumating si OB, IE ako pero 2-3cm pa din. So nag decide na ECS na ko kasi wala na daw din water sa loob, sobrang konti na.

1:20 start operation. Nahirapan sila kunin si baby kasi wala na talagang water sa loob..Sobrang konti na lang.

1:35pm nailabas na si baby!!!!! Buti na lang at sumugod kami agad sa hospital at text agad kay OB kasi kung binaliwala namin yun, baka di na nami  kasama si baby ngayon.”

Ito ang pagkukwento ng ina sa kaniyang karanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang dry labor?

Ayon sa isang analysis na ginawa ni Dr. Charles Norris, isang professor ng Obstetrics and Gynecology sa University of Pennsylvania ang dry labor ay nangyayari kapag nakaranas ng premature rupture of the membranes o PROM ang isang buntis. Ang PROM ay tumutukoy sa maagang pagputok ng panubigan ng isang buntis. At ito ay madalas nangyayari bago ang ika-37th week ng pagdadalang-tao.

Habang ayon naman sa imbestigasyon na ginawa ni Dr. A. H. M. J. Van Rooy, professor ng Obstetrics and Gynaecology sa Univerity of Amsterdam, ang dry labor ay nangyayari kapag pumutok ang panubigan ng babae bago pa man ito mag-labour o makaramdam ng pananakit sa kaniyang tiyan. Ito ay mapanganib. Dahil sa kondisyong ito ay maaring makaranas ng prolonged compression ang sanggol sa loob ng tiyan. O kaya naman ay makaranas ito ng komplikasyon tulad ng umbilical cord prolapse at placental abruption. Habang tumataas din ang tiyansa ng pagkakaroon ng impeksyon sa uterus kapag nakakaranas ng kondisyong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Risk factors ng PROM

Samantala, ayon sa US National Library of Medicine ang maagang pagputok ng panubigan o premature rupture of the membranes ay wala pang tukoy na dahilan. Ngunit mas tumataas ang tiyansa ng isang babae na maranasan ito dahil sa sumusunod na risk factors:

  • Impeksyon sa uterus, cervix, o vagina
  • Labis na stretching o pressure sa amniotic sac
  • Paninigarilyo
  • Dumaan sa surgery o biopsy ng cervix.
  • Naunan ng nakaranas ng PROM sa pagbubuntis.
  • Pagiging underweight o kulang ang nutrisyon sa katawan
  • Short cervical length

Sintomas ng PROM

Ang natatanging sintomas ng PROM ay ang pag-leleak ng fluid mula sa pwerta ng babaeng buntis. Ito ay maaring dahan-dahan o biglaan. Ang ibang babaeng nakaranas na nito ay sinabing inakala nilang ihi lang ang lumalabas sa kanila. Ngunit mahalagang tandaan na ang amniotic fluid ay madalas na walang kulay at mas matamis ang amoy kaysa sa ihi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Mga dapat gawin

Sa oras na mapansin o mangyari ito sa isang buntis ay dapat magpunta na agad sa doktor. Ito ay para ma-check kung pumutok na ba ang panubigan niya. Dahil kung oo, madalas, ang tanging paraan lang para mailigtas ang sanggol sa kondisyong ito ay agarang pagsisilang sa kaniya. Lalo na kung lagpas na sa 37 weeks ang pagbubuntis.

Kung 34 weeks palang pababa ang pagbubuntis, ang preterm delivery ay maaring ring isagawa para maiwasang makaranas ng impeksyon ang sanggol pati na ang kaniyang ina. Ngunit kung nakikita namang malusog ang sanggol at wala pang palatandaan ng impeksyon tulad ng lagnat ay maaring ipagpatuloy ang pagbubuntis habang mahigpit itong sinusubaybayan.

Sa oras naman na mangyari ito sa pagitan ng 24-34th week ng pagbubuntis, ay maaring maghintay hanggang sa ganap ng develop ang baby para sa delivery. Sa pagkakataong ito ay binibigyan ng antibiotics ang buntis para makaiwas sa impeksyon. At tinuturukan din siya ng potent steroids o corticosteroids para mapabilis ang development ni baby. At kung nasa 32nd week naman ang pagbubuntis pababa ay bibigyan ang babaeng buntis na magnesium sulfate upang maprotrktahan ang nervous system ni baby sa oras na kailangang i-deliver ito sa susunod na mga araw.

Paano maiiwasan

Sa ngayon ay wala pang tukoy na dahilan kung bakit nangyayari ang PROM. Kaya naman ay hindi pa alam kung paano ito maiiwasan. Ang tanging paraan lang na ipinapayo ng mga doktor sa mga buntis ay ang alagaan ng maayos ang sarili. Regular na magpacheck-up at agad na magpunta sa doktor kung makaramdam ng kakaiba sa pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCE: Science Direct, OBGYN Online Library, Medline Plus, Mayo Clinic, Standford Children’s Org

BASAHIN: 11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito