X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dry orgasm: Bakit hindi nag-e-ejaculate ang lalaki?

3 min read

Ang orgasm ng mga lalaki ay katulad ng kanilang mga ari—ito ay halata, dahil hatid nito ay ang ejaculation (o semen). Pero iyan ang akala natin. Alam mo bang sa katunayan, ang mga lalaki ay maaaring marating ang big O nang walang nilalabas na kahit ano? Kapag nararating nila ang orgasm nang walang ejaculation, ang tawag dito ay dry orgasm sa lalaki. Bakit matagal labasan ang isang lalaki? Alamin ang kakaibang “kondisyon” at kung ano ang mga epekto nito sa fertility.

Bakit matagal labasan ang isang lalaki?

dry-orgasm-sa-lalaki

Image from Freepik

Kapag nararating ang orgasm nang walang ejaculation, ito ay tinatawag na dry orgasm sa lalaki. Ayon sa The Mayo Clinic, heto ang mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit matagal labasan ang isang lalaki:

  • Operasyon. Kung sumailalim sa operasyon ang lalaki para tanggalin ang kanyang pantog o prostate gland at ang mga pumapalibot na lymph node, hindi siya makakagawa ng semen.
  • Namamali ang daan ng semen. Sa ibang mga lalaki, kapag sila ay nag-orgasm, dumadaloy ang kanilang semen sa pantog imbes na palabas ng ari. Ang tawag dito ay retrograde ejaculation.
  • Hindi sapat ang semen. Hindi nakakagawa ng sapat na semen ang ilang mga lalaki dahil sa mga isyu (na kadalasang genetiko) sa kanilang reproductive system.
  • Paulit-ulit na mga orgasm. Ang labis na sunod-sunod na mga orgasm ay makasasaid ng semilya ng lalaki.
dry-orgasm-sa-lalaki

Image from Freepik

Ang ilang mga lalaki ay maaaring makaranas ng kabaligtaran. Lalabasan sila ngunit walang kaaya-ayang mararamdamang dulot ng orgasm. Kamakailan, isang netizen sa Go Ask Alice na forum ng Columbia University ang lubhang nagulat nang sinabihan siya ng kanyang kabiyak na bihira itong nakararanas ng orgasm tuwing nilalabasan.

Ibig bang sabihin nito na ang mga lalake, sa katunayan, ay mas komplikado sa ating inaakala? Sa ilang paraan, oo. Nasanay tayo sa paniniwalang ang pagkakaroon ng orgasm at ejaculation ay iisa lang sa mga lalaki.

Pero ayon kina Richard Milsten at Julian Slowinski, mga may-akda ng The Sexual Male: Problems and Solutions, ang dalawang katawagan ay maaring paghiwalayin.

Ang pagdaranas ng isang pakiramdam ay hindi laging nagdudulot sa isa pa, magkaugnay man ang dalawa. Ang kasong ito ay may medikal na tawag: ejaculatory anhedonia. Sa pangkalahatan, walang panganib na dulot ang kondisyong ito.

Dry Orgasms sa Lalaki: Mga Epekto sa Fertility

dry-orgasm-sa-lalaki

Image from Freepik

Kung hindi makapagpalabas ng semilya ang lalaki, malinaw na may problema: maaari nitong ipahiwatig ang isang medikal na kondisyon. Madali itong masusuri ng isang doktor. Upang maisagawa ito, magsasagawa ang urologist ng ilang mga simpleng pagsusuri. Kung ang dahilan ay hindi physiological o hormonal, maaaring panahon na para kumonsulta sa isang sex therapist para malutas ang isyu ng dry orgasm sa lalaki.

Kung sinusubukan ninyong mabuntis, dapat kumunsulta sa doktor para mapag-usapan ang iyong mga opsyon at kung paano kayo uusad.

Mga kababaihan, ang kakaibang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng stress sa iyong kabiyak. Huwag kalimutang suportahan siya, at isiguro sa kanyang gusto mo pa ring makipagtalik sa kanya.

Mahalagang pag-usapan ang kalidad ng pagtatalik! Ngayong alam mo nang hindi bihira sa mga lalaki ang orgasm na walang ejaculation, karapat-dapat itong pag-usapan! Maaari nitong iligtas ang inyong relasyon, gawin kayong mas malapit sa isa’t isa, at tutulungan pa kayong magbuntis!

 

Basahin:

5 sex positions para sabay kayong mag-orgasm ni mister

Partner Stories
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
Your Secret’s Safe with Us: The Novelty of Shopping Online
Your Secret’s Safe with Us: The Novelty of Shopping Online
Your child's passion awaits in this remarkable country!
Your child's passion awaits in this remarkable country!

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

theAsianparent Philippines

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Relationship
  • /
  • Dry orgasm: Bakit hindi nag-e-ejaculate ang lalaki?
Share:
  • 11 Reasons some moms find it difficult to orgasm

    11 Reasons some moms find it difficult to orgasm

  • Normal lang ba na mahirap magkaroon ng orgasm ang mga babae?

    Normal lang ba na mahirap magkaroon ng orgasm ang mga babae?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 11 Reasons some moms find it difficult to orgasm

    11 Reasons some moms find it difficult to orgasm

  • Normal lang ba na mahirap magkaroon ng orgasm ang mga babae?

    Normal lang ba na mahirap magkaroon ng orgasm ang mga babae?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.