Sa pagkakaalam ng marami, ang orgasm ng mga lalaki ay katulad ng kanilang mga ari—ito ay halata, dahil hatid nito ay ang ejaculation (o paglabas ng semen o semilya). Pero iyan ang akala natin. Alam mo bang sa katunayan, ang mga lalaki ay maaaring marating ang big O nang walang nilalabas na kahit ano? Kapag nararating nila ang orgasm nang walang ejaculation, ang tawag dito ay dry orgasm sa lalaki. Bakit matagal labasan ang isang lalaki? Alamin ang kakaibang “kondisyon” at kung ano ang mga epekto nito sa fertility.
Bakit matagal labasan ang isang lalaki?
Kapag nararating ang orgasm nang walang ejaculation, ito ay tinatawag na dry orgasm sa lalaki. Ayon sa The Mayo Clinic, heto ang mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit matagal labasan ang isang lalaki:
- Operasyon. Kung sumailalim sa operasyon ang lalaki para tanggalin ang kanyang pantog o prostate gland at ang mga pumapalibot na lymph node, hindi siya makakapag-produce ng semen.
- Namamali ang daan ng semen. Sa ibang mga lalaki, kapag sila ay nag-orgasm, dumadaloy ang kanilang semen sa pantog imbes na palabas ng ari. Ang tawag dito ay retrograde ejaculation.
- Hindi sapat ang semen. Hindi nakakagawa ng sapat na semen ang ilang mga lalaki dahil sa mga isyu (na kadalasang genetiko) sa kanilang reproductive system.
- Paulit-ulit na mga orgasm. Ang labis na sunod-sunod na mga orgasm ay makasasaid ng semilya ng lalaki.
Samantala, may mga lalaki na maaaring makaranas ng kabaligtaran. Lalabasan sila ngunit walang kaaya-ayang mararamdamang dulot ng orgasm.
Kamakailan, isang netizen sa Go Ask Alice na forum ng Columbia University ang lubhang nagulat nang sinabihan siya ng kanyang kabiyak na bihira itong nakararanas ng orgasm tuwing nilalabasan.
Ibig bang sabihin nito na ang mga lalake, sa katunayan, ay mas komplikado sa ating inaakala? Sa ilang paraan, oo. Nasanay tayo sa paniniwalang ang pagkakaroon ng orgasm at ejaculation ay iisa lang sa mga lalaki.
Pero ayon kina Richard Milsten at Julian Slowinski, mga may-akda ng The Sexual Male: Problems and Solutions, ang dalawang katawagan ay maaring paghiwalayin.
Ang pagdaranas ng isang pakiramdam ay hindi laging nagdudulot sa isa pa, magkaugnay man ang dalawa. Ang kasong ito ay may medikal na tawag: ejaculatory anhedonia. Sa pangkalahatan, walang panganib na dulot ang kondisyong ito.
Bakit matagal labasan ang isang lalaki: Sanhi ng Dry Orgasm
Ayon sa Healthline, ang dry orgasm ay isang uri ng anejaculation, isang kondisyon kung saan ay hirap na mag-ejaculate o labasan ang isang lalaki kahit na ini-stimulate ang ari nito. Ibig sabihin, hindi nilalabasan kahit narating na ang climax sa sex o sa pagma-masturbate.
Dagdag pa ng Healthline, ang mga posibleng sanhi ng dry orgasm ay ang kakulangan sa male hormone na testosteron o kaya naman ay may baradong sperm duct.
Depende sa sanhi, posibleng temporary lamang ang pagkakaroon ng dry orgasm o kaya naman ay pwede ring maging permanente.
Paano ito gamutin?
Hindi naman tinuturing na seryosong medical condition ang dry orgasm. Ito ay dahil nakararanas pa rin naman ng pleasure sa pag-o-orgasm ang isang lalaki kahit na hindi ito labasan. Pero ang treatment para dito ay nakadepende sa kung ano ang underlying cause.
Kung ang dry orgasm ay dulot ng iniinom na gamot, babalik din sa normal ang ejaculation kung titigil na sa pag-inom ng gamot tulad ng tamsulosin. Kung ang sanhi naman nito ay psychological stress, makatutulong ang counseling para ma-restore ang normal function ng iyong ari.
Samantala, kung retrograde ejaculation ang sanhi ng dry orgasm, maaaring mag-prescribe ang iyong doktor ng medication para matulungan ang bladder neck muscle na magsara tuwing climax na ng pakikipagtalik.
Kaya naman makatutulong na kumonsulta sa mga espesyalista kaugnay nito.
Dry Orgasms sa Lalaki: Mga Epekto sa Fertility
Kapag hindi makapagpalabas ng semilya ang lalaki, malinaw na may problema: maaari nitong ipahiwatig ang isang medikal na kondisyon. Madali itong masusuri ng isang doktor. Upang maisagawa ito, magsasagawa ang urologist ng ilang mga simpleng pagsusuri. Kung ang dahilan kung bakit matagal labasan ang lalaki o hindi talaga nilalabasan ay hindi physiological o hormonal, maaaring panahon na para kumonsulta sa isang sex therapist para malutas ang isyu ng dry orgasm sa lalaki.
Kung inaalala mo naman kung makaaapekto ba ito sa kagustuhan niyong makabuo ng bata, ayon sa Healthline, depende sa sanhi, posibleng ma-restore ang iyong abilidad na mag-ejaculate nang natural sa pamamagitan ng vibrator therapy. Pinaniniwalaan kasing ang pagtaas ng stimulation ay makatutulong upang ma-encourage ang typical sexual function.
Pero kung ang pagkakaroon ng biological na anak talaga ang main concern mo, pwedeng magrekomenda ang iyong doktor ng electroejaculation upang makakuha ng semen samples para sa artificial insemination. Pwede ring direktang kumuha ng sperm sa iyong testicles.
Kung sinusubukan ninyong mabuntis, dapat kumunsulta sa doktor para mapag-usapan ang iyong mga opsyon at kung paano kayo uusad.
Mga kababaihan, ang kakaibang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng stress sa iyong kabiyak. Huwag kalimutang suportahan siya, at siguruhin sa kanyang gusto mo pa ring makipagtalik sa kanya.
Mahalagang pag-usapan ang kalidad ng pagtatalik! Ngayong alam mo nang hindi bihira sa mga lalaki ang orgasm na walang ejaculation, karapat-dapat itong pag-usapan! Maaari nitong iligtas ang inyong relasyon, gawin kayong mas malapit sa isa’t isa, at tutulungan pa kayong magbuntis!
Updates by Jobelle Macayan
Basahin: 5 sex positions para sabay kayong mag-orgasm ni mister