DSWD travel clearance: Step-by-step guide sa pagkuha nito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga patnubay sa pagkuha ng travel clearance. Ito ay upang maiwasan ang ano mang uri ng pang-aabuso. Sumasailalim ito sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and the Philippine Passport Act of 1996. Alamin natin ang mga kailangan sa pagkuha ng DSWD travel clearance.

Hindi lahat ng 17 taong gulang pababa na nais lumabas ng bansa ay kailangan ng travel clearance. Ang tanging nasasakupan nito ay:

  • Mga menor de edad na lalabas nang bansa mag-isa.
  • Mga menor de edad na may kasamang sino man bukod sa magulang o legal guardian.

Kung ang bata ay kasama kahit sino sa mga magulang, hindi na kailangan ng DSWD travel clearance. Ganito rin kung ang kasama ay legal guardian, ngunit maaaring kailanganin ang mga dokumentong nagpapatunay nito. Kahit pa kapatid, tito/tita, lolo/ lola, o kahit ano pa man ang relasyon sa bata, kapag hindi magulang o legal guardian, kailangan ng travel clearance.

DSWD travel clearance

Step 1: kumpletuhin ang mga requirements

Iba-iba ang kailangang mga dokumento sa pagkuha ng DSWD travel clearance. Nahahati ito sa mga sumusunod na kategorya:

Unang beses kukuha ng DSWD travel clearance

  • Nasagutan na application form na maaaring ma-download dito.
  • Photocopy ng birth certificate ng menor de edad (SECPA)
  • 2 colored passport size na litrato ng menor de edad. Dapat nakunan nang hindi hihigit sa 6 na buwan. Hindi pinapayagan ang scanned photos.
  • Photocopy ng passport ng makakasama ng menor de edad.
  • Notarized Affidavit ng Support and Consent to Travel.
  • Valid ID ng mga magulang na may kasamang specimen signature.
  • Photocopy ng alin mang angkop sa mga sumusunod:
    • Marriage certificate ng mga magulang
    • Certificate of Legal Guardianship
    • Solo parent identification card o certificate mula sa Municipal DSWD Office; o kung Muslim, Tallaq o Fasakh certification mula sa kahit anong Muslim Barangay, sa Shariah court o religious leader
    • Para sa mga illegitimate na anak: Certificate of No Marriage mula sa lokal na civil registrar
    • Kung sumakabilang buhay na ang isa sa mga magulang, death certificate
    • Kung imigrante, visa petition approval
    • Medikal na rason ng paglabas ng bansa, medical certificate
    • Para sa pag-aaral sa ibang bansa, acceptance letter mula sa paaralan abroad
    • Kung para dumalo sa conference, certificate mula sa mga organizers
  • Authorization Letter mula sa mga magulang/Legal Guardian kung ang maglalakad ng application ay hindi magulang o legal guardian.

Renewal ng DSWD travel clearance

  • Nasagutan na application form na maaaring ma-download dito.
  • Orihinal na kopya ng dating travel clearance.
  • 2 colored passport size na litrato ng menor de edad. Dapat nakunan nang hindi hihigit sa 6 na buwan. Hindi pinapayagan ang scanned photos.
  • Photocopy ng passport ng makakasama ng menor de edad.
  • Notarized Affidavit ng Support and Consent to Travel.
  • Valid ID ng mga magulang na may kasamang specimen signature.
  • Authorization Letter mula sa mga magulang/Legal Guardian kung ang maglalakad ng application ay hindi magulang o legal guardian.

Mga posibleng dagdag na kailangang dokumento

  • Round trip ticket ng menor de edad at kasama
  • Notarized Affidavit of Support of sponsor na nagpapakita ng kanyang employment status at salary
  • Notarized Affidavit of Undertaking
  • Pinakabagong ITR (income Tax return) o Certificate of Employment ng sponsor at/o  mga magulang
  • Invitation letter para sa mga bibisita sa mga kaibigan o kamaganak
  • Kopya ng passport ng mga magulang kung sila ay naninirahan sa ibang bansa

Step 2: pumunta sa pinakamalapit na DSWD field office

Kailangang ipasa ang mga requirements sa DSWD field office na sumasailalim ang menor de edad. Tandaan na ang kanilang office hours ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 nang hapon lamang. Maaaring tumawag sa kanila para sa mga dagdag na katanungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang listahan ng mga DSWD field offices, address at contact number:

  • DSWD National Capital Region (NCR)
    389 San Rafael St. corner Legarda St.,
    Sampaloc, Manila
    Phone: +632 313-1435 local 210, +632 733-0010 to 14
  • DSWD Field Office I
    Quezon Avenue, San Fernando, La Union
    Phone: +6372 888-2505, +6372 888-2184
  • DSWD Field Office II
    3 Dana Pagyaya, Regional Government Center
    Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan
    Phone: +63 78 846-7532, +63 78 846-7043
  • DSWD Field Office III
    Government Center, Maimpis, San Fernando, Pampanga
    Phone: +63 45 861-2413
  • DSWD Field Office IV-A (CALABARZON)
    Alabang-Zapote Road, Muntinlupa City
    Phone: +63 2 387-2632, +63 2 850-8380, +63 2 807-1518
  • DSWD Field Office IV-B (MIMAROPA)
    1680 F.T. Benitez St. corner Gen. Malvar St., Malate, Manila
    Phone: +63 2 336-8106 local 401, +63 2 336-8106 local 103
  • DSWD Field Office V
    Magnolia St. PBN Buraguis, Legazpi City
    Phone: +63 52 821-7920, +63 52 480-5346, +63 52 480-5754
  • DSWD Field Office VI
    M.H. del Pilar Street, Molo, Iloilo City
    Phone: +63 33 300-0526, +63 33 337-6221
  • DSWD Field Office VII
    MJ Cuenco Avenue cor. Gen. Maxilom Ave., Cebu City
    Phone: +63 32 233-8779
  • DSWD Field Office VIII
    Magsaysay Boulevard, Tacloban City
    Phone: +63 53 321-3090, +63 53 321-117, +63 53 321-1007
  • DSWD Field Office IX
    General Vicente Alvarez St., Zamboanga City
    Phone: +63 62 991-6030, +63 62 991-6056
  • DSWD Field Office X
    Masterson Ave., Upper Carmen, Cagayan de Oro City
    Phone: +63 88 858-8892, +63 88 858-8959
  • DSWD Field Office XI
    Suazo St., cor. Magsaysay Ave., Davao City
    Phone: +63 82 226-2857, +63 82 227-8746
  • DSWD Field Office XII
    9506 Purok Bumanoag, Brgy. Zone 3, Koronadal City
    Phone: +63 83 520-0572, +63 83 228-3180, +63 83 228-8637
  • DSWD Field Office CARAGA
    R. Palma St. Butuan City
    Phone: +63 85 346-0113, +63 85 815-9173
  • DSWD Cordillera Administrative Region (CAR)
    40 North Drive, Baguio City
    Phone: +63 74 444-3209, +63 74 444-3262, +63 74 442-7917

Step 3: ipasa ang mga requirements

Narito ang mga gagawin sa pagpasa ng mga requirements sa DSWD Field Office:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Lumapit sa security guard at sabihin ang pakay na travel clearance. Kumuha ng sequnce number.
  • Mag-register sa logbook at antayin na matawag ang number.
  • Ipasa ang mga requirements sa social worker para sa paunang screening.
  • Kung nasa-ayos ang mga dokumento, sasailalim sa interview mula sa social worker.
  • Kung masagot nang maayos ang mga tanong, ipro-process na ng social worker ang travel clearance.
  • Magbayad ng processing fee:
    – P300 travel clearance na may bisa hanggang 1 taon
    – P600 travel clearance na may bisa hanggang 2 taon
  • Bumalik para sa pag-release ng travel clearance.

Ang approval at issuance ng travel clearance ay maaaring matapos sa loob ng 24 oras basta lahat ng kailangang dokumento ay maibigay. Ngunit, kahit pa mabilis ang proseso nito, pinapayuhan ng DSWD na kumuha nito 1 o 2 linggo bago ang petsa ng pag-alis. Ito ay upang masigurado na hindi kulangin sa oras kung kailanganin ng mga dagdag na dokumento.

 

Source: DSWD, The Poor Traveler

Basahin: 9 family-friendly destinations in Hong Kong that your kids will absolutely love

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement