Duvadilan: Pag-gamit, side effects, at presyo

Alamin ang lahat ng kailangang malaman tungkol sa gamot na Duvadilan mula sa Abbott. Paano ito inumin? Ano ang mga side effects? Magkano ito sa tindahan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Duvadilan ay ang brand name para sa gamot na Isoxsuprine HCI. Mula ito sa manufacturer na Abbott at idini-distribute ng Zuellig. Alamin natin ang lahat ng kailangang malaman sa Duvadilan.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Para saan ang Duvadilan?

Ang Duvadilan ay inirereseta sa para sa paggamot ng premature labor bilang Tocolytic. Pinapatagal nito ang panganganak nang ilang araw para makagamit ng glucocorticoids na nagpapabilis sa maturity ng baga ng fetus. Nakakatulong din ito sa pag-bawas ng contractions ngunit bahagi lamang ito ng epekto.

Maaari rin itong gamitin bilang pampalaki ng mga daluyan ng dugo, o vasodilator, para sa mga naggagamot ng cerebral vascular insufficiency, Raynaud’s phenomenon, at iba pang kundisyon.

Tamang doses sa paggamit

Para sa mga nagpipigil ng maagang panganganak, o premature labor, ito ay ibinibigay sa pagturok sa ugat. Sa simula ay 200-500 mcg/min at ina-adjust depende sa tugon ng pasyente. Tuloy-tuloy ito hanggang sa ma-kontrol ang labor. Kapag nakontrol na ang labor, 10mg ang ibibigay kada 3-8 oras sa pamamagitan ng injection sa muscles. Maaaring uminom ng 30-90mg ng Prophylaxis araw-araw.

Bilang vasodilator, ang Duvadilan ay ipinapa-inom nang tig 10-20mg tatlo hanggang apat na beses araw-araw.

Maaaring itong inumin nang may laman ang tiyan o wala. Upang mabawasan ang maaaring idulot na kawalan ng ginhawa sa tiyan, pinapayo na uminom nito kasabay ng pagkain, gatas o antacid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maaaring gumamit ng Duvadilan

Ang Duvadilan ay hindi maaaring ibigay agad pagkatapos manganak. Hindi rin iminumungkahi ang paggamit nito para sa premature labor kung may nararanasang impeksiyon. Ang panganib ng pulmonary edema ay nangangahulugan na kailangan maging lubos na maingat.

May ilang mga kondisyon na nagiging rason kung bakit hindi maaaring bigyan ng Duvadilan ang pasyente.

Hypotension

Ipinagbabawal ito sa mga may mababang blood pressure. Kapag ang blood pressure ng isang pasyente ay mas mababa pa sa 100mmHg systolic, hindi pinapayuhan na gumamit nito. Ito ay dahil, kadalasan, ang Duvadilan ay nakakapagpababa ng blood pressure. Ang pagbaba pa lalo ng blood pressure ng isang tao ay hindi maganda sa kalusugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Prolonged Premature Rupture of Membranes (PPRM)

Ito ay ang maagang pagputok ng panubigan nang wala pang 37 linggong nagbubuntis. Kapag ang dilation ng fetal membranes ay humigit na sa 4cm, ang posibilidad na maging epektibo pa ang gamot at mababa. Para sa mga may PPRM, ang makukuha sa pagpapatagal ng paglabas ng bata ay dapat ikumpara sa posibilidad na ang pagpapatagal ay maaaring mas lalong malagay sa panganib ang nanay at bata.

Side effects ng paggamit ng Duvadilan

Ang paggamit ng gamot na ito ay maaaring magdulot ng:

  • Mabilis na pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Pamumutla
  • Tachycardia (mabilis na pagtibok ng puso)
  • Pagpapantal
  • Problema sa sikmura
  • Maternal pulmonary edema

May ilang kaso ng mga hypertensive na pasyente ang nakaranas ng panandaliang pagbaba ng blood pressure matapos mabigyan sa pamamagitan ng pagturok sa ugat o muscles. Hindi nakikita ang epektong ito kapag ang gamot ay pinapa-inom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Presyo sa tindahan

Ang Duvadilan ay karaniwang mabibili nang 10mg na mga tableta. Bawat tableta ay nagkakahalaga nang nasa P25.75.

Source: Mims

Basahin: Isoxilan: Pag-gamit, side effects, at presyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement