E-bikes at e-trikes banned sa 19 major roads sa Metro Manila simula sa Abril

Banned ang e bikes at e-trikes sa ilang major roads sa Metro Manila. Ito ang inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

E bikes banned sa national roads sa Metro Manila! Nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na nagbabawal sa mga e-bikes at e-trikes sa ilang major roads sa National Capital Region.

E-bikes at e-trikes bawal na sa 19 na major roads sa NCR

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkoles, Pebrero 28, 2024 na ipinasa na ng Metro Manila Council ang resolusyon na nagsasabing banned ang e bikes at e-trikes sa 19 na kalye sa Metro Manila.

Larawan mula sa Shutterstock

“Ngayon pong umagang ito ay nagpasa ang MMC ng resolusyon regarding regulation ng e-trikes at other electric vehicles na pinagbabawal na po natin sa major roads na nasa jurisdiction ng MMDA.”

Ito ang sabi ni MMDA Chief Romando Artes sa isang press conference matapos ang MMC meeting.

Ang 19 na major roads na tinutukoy sa resolusyon kung saan banned ang e bikes at e-trikes ay ang mga sumusunod:

  1. Recto Avenue
  2. Quirino Avenue
  3. Araneta Avenue
  4. Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
  5. Katipunan Avenue/C.P. Garcia Avenue
  6. Southeast Metro Manila Expressway
  7. Roxas Boulevard
  8. Taft Avenue
  9. South Luzon Expressway (SLEX)
  10. Shaw Boulevard
  11. Ortigas Avenue
  12. Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
  13. Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
  14. Bonifacio Avenue
  15. Rizal Avenue
  16. Del Pan/ Marcos Highway. McArthur Highway
  17. Elliptical Road
  18. Mindanao Avenue
  19. Marcos Highway
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Maaari pa umanong madagdagan ang bilang ng mga kalsada kung saan banned ang e bikes at e-trikes. Nakadepende pa umano sa assessment ng Local Government Units (LGUs). Ayon pa kay Artes, ipinapatupad ang naturang polisiya para sa kaligtasan na rin ng mga driver, pedestrian, at mga pasahero.

“In coming up with a new set of regulations, we shall address these concerns, particularly safety issues. We will consolidate and harmonize all existing rules and regulations, as well as ongoing programs of the LGUs and even the national government concerning e-vehicles, to make it comprehensive. This will also cover not just Metro Manila but nationwide.”

Samantala, ang mga violator ng nasabing resolusyon ay papatawan ng P2,500 multa ayon kay Artes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Magiging required na rin umano ang pagkakaroon ng driver’s license para sa mga nagmamaneho ng e-vehicle. Kung mahuling walang driver’s license, mai-impound ang kanilang sasakyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epektibo na ang nasabing polisiya mula Abril 2024, 15 araw matapos ang publication at information campaign nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan