EA Guzman inaming nahirapan noong una sa relasyon nila ni Shaira Diaz. Dahil pagbabahagi ni EA, si Shaira isa sa mga naniniwala na dapat i-reserve ang virginity hanggang sa maikasal siya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- EA Guzman and Shaira Diaz engagement.
- Pagsasama ni EA at Shaira.
EA Guzman and Shaira Diaz engagement
Nitong nakaraang linggo ay marami ang natuwa ng ibinahagi nina EA Guzman at Shaira Diaz na sila ay engaged na. Ang balita ibinahagi nila sa Instagram na kung saan ini-reveal rin nila na ang engagement ay nangyari noon pang 2021.
Pagsasama ni EA at Shaira
Sa isang latest na panayam sa kanila, ibinahagi ni EA na noong una ay naging napakahirap sa kaniya ng relasyon nila. Dahil si Shaira umano naniniwala na dapat niyang pangalagaan ang kaniyang virginity hanggang sila ay maikasal na.
“First two years namin umiiyak ako sa kanya, kasi ang hirap. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya.”
Ito ang pagbabahagi ni EA. Pero pinili niya daw na maghintay kay Shaira. Ngayon nga ay 11 years na silang magkarelasyon.
Bagamat mahirap, pagbabahagi pa ni EA ay mas lalo niyang minahal si Shaira sa prinsipyo at paniniwala nito.
“Isa ito sa kinahahangaan ko sa kanya. Sige, sasabihin ko na po. Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still a virgin. Kaya ko siya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganoon. Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save hanggang after marriage. So, para sa akin, wow!”
“Kaya para sa akin, marriage muna, kasi yun din ang gusto ni Shaira. Nirerespeto ko ang desisyon niyang yon.”
Ito ang pagbabahagi pa ni EA.
Ayon sa nauna na nilang panayam, magpapakasal umano ang dalawa sa oras na makatapos na sa kolehiyo si Shaira. Si Shaira nakatakdang magtapos sa college ngayong taon.