Easy Filipino Mother’s Day recipes na siguradong magugustohan ni misis ngayon araw ng mga ina.
Easy Filipino Mother’s Day recipes
Ilang araw nalang Mother’s Day na, may naisip ka na bang gimik o regalong ibibigay kay Misis para gawing espesyal ang araw na ito? Kung wala pa, ay wala ng tatamis pa kung siya naman ang paglulutuan mo ng putaheng katatakaman niya. Para sa tips at ideas ay narito ang ilang easy Filipino Mother’s Day recipes na maari mong ihanda para sa kaniya.
Chessy Baked Salmon
Mga sangkap:
2 200-gram salmon fillets
4 na butil ng bawang
½ piraso ng lemon, kunin ang juice
1/4 cup ng mayonnaise
1 kutsaritang asukal
1 kutsaritang liquid seasoning
1/4 cup ng ginadgad o grated na quick-melting cheese
Durog na paminta
Paraan ng pagluluto:
- I-preheat ang oven toaster. Lagyan ang baking sheet ng foil.
- Kuskin ang salmon fillet ng dinikdik na bawang, lemon juice at paminta. Saka ito ihilera ng maayos sa baking sheet na kung saan ang skin side nito ang dapat nakaharap pababa o nakapailalim.
- Haluin ang mayonnaise, asukal at liquid seasoning sa isang bowl. Maglagay ng mixture nito sa ibabaw ng salmon fillets. Saka i-top ang bawat fillet ng grated cheese.
- I-bake ito sa 350° degrees na oven ng 15-20 minuto o hanggang sa matunaw na ang cheese at luto na ang salmon fillet. I-serve ito kaagad kapares ang ginisang gulay at mainit na kanin.
Soy-Calamansi Tuna Belly
Mga sangkap:
500 grams tuna belly
4 na kutsarang toyo
2 kutsarang calamansi juice
Asin
Paminta
2 piraso hiniwang kamatis
Sliced green onions
Lemon slices, pang-garnish
Paraan ng pagluluto:
- I-marinate ang tuna belly sa toyo at calamansi juice ng 10 minuto. Saka ito i-season ng asin at paminta ang magkabilang sides nito.
- Sa mainit na kawali o grill ilagay ang tuna belly na kung saan ang skin side nito ang nakaharap pababa o nakapailalim. Lutuin ito sa loob ng 5 minuto.
- Baligtarin ang tuna belly at lutuin sa loob ng 5 minuto ang kabilang side nito. Siguraduhing hindi ma-overcook ang tuna belly.
- I-serve na may kasamang chopped tomatoes at green onions. I-garnish rin ito ng lemon slices para mas gumanda ang presentation nito.
Chicken Afritada
Mga sangkap:
1 kutsarang vegetable oil
1 hiniwang sibuyas
3 butil ng bawang, pinitpit at hiniwa
1 cup ng kamatis na tinanggalan ng buto at hiniwa
1 buong manok na hiniwa ng pira-piraso
3 cup ng tubig
1 ng tomato sauce
3 patatas ng hiniwa ng pa-kwadrado
1 green bell pepper na tinggalan ng buto at pinaghihiwa ng mahaha at maninipis
1 carrot na hiniwa ng pa-kwadrado
Asin at paminta
Paraan ng pagluluto:
- Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang hanggang sa maluto.
- Idagdag ang sibuyas at lutuin. Saka ilagay ang kamatis, durugin hanggang sa mahiwalay ang balat at laman nito.
- Ilagay ang karne ng manok sa kawali. Lutuin sa loob ng 5 minuto o hanggang sa mamula o magkulay brown ito. Ibuhos ang tubig, takpan at pakuluin.
- Saka ihalo ang tomato at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto.
- Ilagay na ang patatas at lutuin sa loob ng 10 minuto. Sunod na ilagay ang carrots at bell pepper. Lutuin sa loob ng 5 minuto at i-season ng asin at paminta.
Turbo Broiler Chicken Recipe
Mga sangkap:
1 1/2 kilo chicken
1/4 cup ng soy sauce
3 butil ng bawang na tinadtad
1/3 cup ng calamansi juice
1/2 kutsaritang asin
1/4 kutsaritang pamintang buo
Paraan ng pagluluto:
- Paghalu-haluin ang toyo, bawang, calamansi, asin at paminta. Saka dito i-marinate ang manok. Tusukin ng tinidor ang manok para makasiguradong masisipsip nito ang ginawang mixture. Dapat ay nakalubog o mababad ang lagpas kalahati ng manok sa mixture. Takpan ito at i-marinate sa loob ng isang oras, mas mainam kung magdamag.
- I-set ang turbo broiler sa chicken mode o 250 degress. Lutuin sa loob ng 40 minuto hanggang sa ang balat nito ay mag-golden brown na. I-serve agad at paresan ng buttered vegetables para mas masarap.
Bacon-Wrapped Beef Fillets
Mga sangkap:
12 bacon strips
1 kutsaritang rubbed sage o dahon ng sambong
1/2 kutsaritang dried rosemary, crushed
1/2 kutsaritang dried savory
1/4 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang dinurog na paminta
6 beef tenderloin steaks (1 to 1-1/2 inches ang kapat at 6 ounces bawat isa)
Paraan ng pagluluto:
- Ilagay ang bacon strips sa microwave-safe palate na sinapinan ng paper towel. Saka takpan muli ng paper towel at i-microwave sa loob ng 2-3 minuto hanggang sa maluto ng bahagya.
- Sa isang bowl ay paghaluin ang sage, rosemary savory, paminta at asin. Ikiskis sa beef steak. Saka ibalot ang bawat steak ng dalawang strips ng bacon at i-secure gamit ang toothpick.
- I-broil sa init ang steak sa loob ng 6-7 minuto kada side o hanggang sa maluto ito.
Saucy Beef with Broccoli
Mga sangkap:
1 ½ lbs. beef sirloin o lomo ng baka
3 kutsarang toyo
2 kutsarang cooking wine
2 kutsarang cornstarch
4 kutsarang oyster sauce
2 cups ng broccoli florets
2 piraso ng luya
1 pirasong sibuyas
1 ½ cup beef broth
3 kutsarang cooking oil
Asin at paminta
Paraan ng pagluluto:
- Paghalu-haluin ang karne ng baka, toyo, cooking wine at cornstarch sa isang bowl. I-marinate sa loob ng 15 minuto.
- Magpainit ng mantika sa kawali. Kapag mainit na ay saka igisa ang luya at sibuyas hanggang sa maluto.
- Idagdag ang na-marinate na baka sa kawali saka i-stir fry hanggang sa maluto at mamula.
- Idagdag ang oyster sauce at i-stir fry ng isang minuto.
- Ibuhos ang beef broth at haluin. Saka takpan ang kawali at lutuin pa sa mahinang apoy sa loob ng 10-12 minuto.
- Saka ilagay ang broccoli. Takpan uli ang kawali at lutuin sa loob ng 3 minuto.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Ilagay sa serving plate at ihain.
Basahin:
Unique Mother’s Day gift that can be delivered at your doorstep