Naghahanap ng bangko na may easy loan application at hindi mo na kailangan pa ng collateral o co-maker? Narito ang ilang bangko na maari mong pagpilian.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Mga bangko na nag-ooffer ng easy loan application.
- Requirements kung gusto mo mag-apply ng loan.
Mga bangko na nag-ooffer ng easy loan application sa bansa
-
Metrobank Personal Loan
Ang Metrobank ang isa sa mga bangko na nag-ooffer ng easy application process. Dahil ang hinihinging requirement ng Metrobank para maka-loan ang isa nilang miyembro ay dalawa lang. Una ay isang valid government-issued ID at signed promissory note and disclosure statement (PNDS).
Sa pamamagitan ng Metrobank Personal Loan maari ng makapangutang ng P20,000 hanggang isang milyong piso. Dapat lang ay may gross annual income na P350,000 kada taon. At ikaw ay regular na empleyado ng pinagtratrabahuhang kompanya ng hindi bababa sa isang taon. Kung self-employed ay dapat nasa dalawang taon mo ng pinapatakbo ang iyong negosyo.
-
BPI Personal Loan
Ang isang bangko na nag-ooffer rin ng personal loan ay ang BPI. Hindi mo na kailangan ng collateral. At maari kang makapag-apply online at doon ipasa ang mga requirements na hinihingi. Kabilang na dito ang isang valid government-issued ID na may picture at pirma. Pati narin ang latest payslips mo ng nakaraang tatlong buwan. O ang iyong latest ITR at DTI o SEC business registration certificate kung self-employed.
Sa pamamagitan ng BPI Personal Loan ay maaring makapangutang ng P20,000 hanggang tatlong milyon.
Larawan mula sa Shutterstock
-
CIMB Bank Personal Loan
Isa pang bangko na nag-ooffer ng easy loan application sa bansa ay ang CIMB. Tulad ng Metrobank at BPI ay mayroon rin silang personal loan. Mula P30,000 hanggang isang milyon ang maaring ma-loan dito.
Ang kailangan lang ipasa ng requirements ay one valid government-issued ID at proof of income. Dapat lang ay may gross monthly income kang P15,000 at nagtratrabaho ng hindi mas bababa sa anim na buwan na. Kung self-employed dapat ang negosyo mo ay nag-ooperate ng isang taon o higit na.
-
PSBank Flexi Personal Loan
Nag-ooffer rin ng personal loan ang PSBank. Maari ring makautang sa pamamagitan ng loan window na ito ng P20,000 hanggang P250,000. Ang mga dapat ihanda lang na requirements ay isang government-issued ID at photocopy ng BIR Form 2316 mo. Kung ikaw ay may credit card kailangan mong maipakita ang latest credit card bill mo.
Kung self-employed ka naman, maliban sa ID, ay dapat ka ring magpasa ng BIR Form 1701 at Audited Financial Statements (AFS) na may BIR stamp sa nakaraang dalawang taon.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Uno Digital Bank
Isa rin sa may pinakamadaling loan application process ay ang Uno Digital Bank. Dito ay maaring makapangutang ng P10,000 hanggang P200,000. Ang mga requirements lang na kailangang ihanda ay isang valid government-issued ID at iyong contact details. Dapat lang isaisip na ikaw ay dapat may annual gross income na P180,000 at nagtratrabaho ng hindi bababa sa anim na buwan.
Ang loan offer na ito ng Uno Digital Bank ay para nga lang sa mga nakatira o nagtratrabaho sa mga sumusunod na lugar.
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Bulacan
- Pampanga
- Cavite
- Cebu
- Batangas
- Iloilo
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga bangko sa Pilipinas na nag-ooffer ng easy loan application. Marami pang bangko at online loan app na legit at matutulugan ka sa panahon ng kagipitan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!