Nanay, nagpro-produce ng breast milk... mula sa kaniyang ari

Narito ang bibihirang kuwento ng isang ina na naglalabas ng breastmilk sa kaniyang ari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ectopic breast tissue dahilan kung bakit nagpo-produce ng breast milk ang ari ng isang babae.

Image from Freepik

Babaeng may bibihirang kondisyon

Hindi man mukhang kapani-paniwala ngunit ang kondisyon na ito ay kasulukuyang nararanasan ng isang ina mula sa Austria.

Ayon sa report, ang 29-anyos na ina ay kapapanganak lang sa kaniyang pangalawang anak. Pagkapanganak ay nakaramdam daw ito ng sobrang pananakit sa kanang bahagi ng kaniyang ari.

Nang siya ay magpatingin, napansin ng mga doktor na may pamamaga sa kaniyang tahi sa ari dulot ng panganganak. Kaya naman inakala nila na maaring naimpeksyon at ninanana ang sugat niya.

Kuwento ng ina, apat na araw pagkatapos manganak ay nagkaroon siya ng pamamaga sa magkabilang pisngi ng kaniyang ari. Napansin niya rin na may lumalabas na “milky white” fluid mula dito. Sinabi niya ring nakaranas rin siya nito noong pinagbubuntis ang unang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Pexels

Ectopic breast tissue

Doon na nag-suspetsa ang mga doktor na maaring siya ay mayroong ectopic breast tissue o ang breast tissue na matatagpuan hindi sa suso kung hindi sa ibang parte ng katawan. At ang breast tissue na ito ay nagpo-produce din ng breastmilk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya para mapatunayan ang kanilang hinala ay nagsagawa ng ultrasound ang mga doktor sa ina na kung saan nakumpirma nga nila na siya ay may ectopic breast tissue.

Paliwanag ng mga doktor kaya namamaga at masakit ang kanang bahagi ng kaniyang ari ay dahil natatakpan ng tahi sa kaniyang panganganak ang excretory duct na lalabasan sana ng gatas mula sa breast tissue.

Ayon sa mga doktor bibihira ang kondisyon na ito at tanging 1 to 5% lang ng female infants ang ipinapanganak na may accessory o ectopic breast tissue sa katawan. At sobrang bihira daw na magkaroon nito sa pepe o ari ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas ang ectopic breast tissue ay makikita sa kilikili o armpit area ng isang babaeng mayroon  nito. Ang iba naman ay mayroon nito sa nipples o kaya naman ay sa areola ng suso. May mga kaso rin ng ectopic breast tissue na walang nipples o areola ng tulad sa kaso ng ina na taga-Austria.

Ang ectopic breast tissue condition ay madalas at mabilis na nadi-diagnose kapag buntis ang babaeng mayroon nito. Ngunit sa ibang kaso ay nadi-diagnose ito kapag cancerous na.

Ayon sa American Journal of Roentgenology may paraan naman para gamutin o malunasan ang ectopic breast tissue. Ngunit maari ring tuluyan na itong tanggalin lalo na kung ito ay nagdudulot na ng discomfort.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Live Science
Photo: Pexels

Basahin: Amazing dad ‘breastfeeds’ his newborn daughter