Bahagi na ng ating buhay ang pagsubok ng mga bago at kakaibang experiences. At pati sa sex life, importante rin na kahit papano ay sumubok ng mga bago para gawin itong mas exciting. Isa na rito ang tinatawag na edging.
Ay edging ay isang technique kung saan pinipigilan ang pagkakaroon ng orgasm ng paulit-ulit, upang maging mas intense ang actual na orgasm.
Paano gumagana ang edging?
Kaya ito tinawag na edging ay dahil pinapaabot mo sa dulo ang orgasm, sa “edge” kumbaga, pero hindi mo ito hahayaang magtuloy.
Nakakatulong ito na magbigay ng mas intense na orgasm dahil sa paulit-ulit na pagpigil nagiging mas matindi ang nangyayaring stimulation. Dahil dito, nagiging mas masarap ang sensation ng orgasm.
Puwede itong gawin parehas ng mga lalaki at babae, at parehas na nagiging mas intense ang orgasm kapag ginagawa ito.
Paano ito makakatulong sa sex life ng mga mag-asawa?
Maganda itong subukan ng mga mag-asawa dahil magbibigay ito ng bagong excitement sa kanilang sex life.
Mayroon din kasi itong elemento ng “teasing” kaya’t nakakadagdag ito sa excitement. May ilang mga tao na gusto kapag sila ay inaakit, kaya’t mas nasasarapan sila kapag ginagawa ito.
Bukod dito, nakakatulong din ang ganitong technique upang maging mas intense ang mga orgasm sa mga babae. Ayon sa ilang pag-aaral, mas matindi raw ang epekto nito sa mga babae at napapahaba at napapalakas ang pagkakaroon nila ng orgasm.
Sa mga lalake naman, nakakatulong ito upang makaiwas sa premature ejaculation. Ito ay dahil sa pag-delay ng orgasm, mas nasasanay ang lalake na kontrolin ang kaniyang orgasm. Nakakadagdag din ito ng confidence sa mga lalaki na mayroong problema sa premature ejaculation.
Paano ito gagawin?
Ang pinakamagandang paraan para i-practice ito ay sa pagmamasturbate. Nakakatulong ang masturbation para malaman mo kung malapit ka na mag orgasm, at para sanayin ang iyong sarili na pigilan ang orgasm.
Magandang subukan ang tinatawag na squeeze method sa mga lalaki, kung saan kapag malapit nang mag-orgasm ay titigil ng 30 seconds habang pinipisil ang ari ng lalake.
Para sa mga babae naman, kailangan lang nilang itigil ang stimulation kapag malapit na silang mag orgasm, upang masanay sila sa pakiramdam nito.
Nakakatulong rin ang Kegel exercises para ma-kontrol ang orgasm, at maganda itong gawin kasabay ng edging para sa mas masarap na orgasm.
Hindi naman para sa lahat ang edging, pero wala namang masama kung susubukan ninyo ito upang maging mas interesting at exciting ang inyong sex life.
Source: Live Strong
Basahin: Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik