Bukod sa improvement ng talent skills, mayroon din daw epekto ang music sa brain ng mga may dementia. Ano-ano ito? Narito ang opinyon ng experts.
Mga mababasa as artikulong ito:
- Pakikinig sa music may magandang effect daw sa brain ng dementia patient
- Five benefits na mayroon ang pakikinig sa music
Pakikinig sa music may magandang effect daw sa brain ng dementia patient
Ano nga ba naman ang buhay kung walang musika? Hindi ba’t nagkakaroon daw dagdag na effect ang isang movie dahil sa background music nito? O kaya naman mas nagiging memorable ang alaala sa tuwing mayroong nagpe-play na kanta. Music is literally everywhere at anytime. Kaya nga marami rin ang nahuhumaling dito.
Kaliwa’t kanang benepisyo kasi ang maaaring ibigay nito sa tao. Para sa iba, life saver nila ito dahil nabibigyan sila ng pinansya at ginawang trabaho.
Sa iba naman, pampalipas nila ng oras. Mayroon ding gustong ginagawa ito dahil fulfilling para sa kanilang passion. Alam mo ba na bukod sa mga ito, may epekto rin daw sa brain ng dementia patients ang music? Ito ang nalaman ng experts sa bagong pag-aaral.
Benefits of music for dementia patients
Sinubukan na ire-examine ng researchers ang benepisyo ng music sa mga taong mayroong dementia. Taong 2018 nang mailathala ang literature review sa journal ng Dementia Neuropsychologia ukol dito. Mula sa 24 na iba’t ibang pag-aaral nakita na ang music daw ay nakakapag-improve sa mood at memory ng dementia patients.
Ayon sa eksperto, maaaring kaya raw ganito ay dahil ang musical memories ay na pipreserve sa dementia patients. Nagiging dahilan ito upang ma-activate ang memories na kaakibat ng musikang pinakikinggan.
Ibig sabihin, hindi naman talaga nakakatalino ang pakikinig sa musika. Mas sa mood at arousal daw ang epekto nila kaya good for the brain.
Napauunlad din daw nito ang cognitive skills at brain ng tao. Nadedelay rin daw ng music ang cogintive decline lalo na kung regular na pineplay ang isang musical instrument.
Five benefits na mayroon ang pakikinig sa music
Walang nagtatakda kung ano ang maganda at pangit na musika. Iba-iba kasi ang taste ng tao pagdating dito at nilikha naman ito para maenjoy ng bawat isa. Lahat ng musika ay para sa partikular na taong nais maabsorb o magamit ang kanta sa punto ng kanyang buhay.
Bukod nga sa nae-enjoy nila ito, gaya ng nabanggit sa itaas marami rin talagang ang bitbit na benepisyo ng musika. Narito ang ilan sa kanila:
1. Good for elderly brain
Gaya nga ng nabanggit sa pag-aaral na maganda ang music for dementia patient, dagdag ng experts maganda raw ito para sa elderly talaga. Habang tumatanda raw kasi mas nagagawang alert and healthy ng music ang brain ng isang tao. Hinahayaan kasi nitong ma-exercise ang brain, mag-increase ang memory skills, at maboost ang mental sharpness.
Good way rin daw ang pagpasok sa music ng mga matatandang malilimutin. Helpful daw ito para matulungan sila na maregain ang partial o full access sa memories kung mayroong brain damage.
2. Nai-stimulate ang brain ng bata.
Mainam na sinismulan ang bata na maipakilala sa music sa murang edad pa lamang. Marami raw kasing magandang epekto ito para sa brain niya. Napauunlad daw ng music ang communication skills, verbal skills, at visual skills nila kahit bata pa lamang.
Sa katunayan, nakita sa pag-aaral ng mga batang edad 4 hanggang 6 na taong gulang ang epekto nito. Sila ay kapwa nabigyan ng musical training kabilang ang pag-aaral sa rhythm, melody, pitch, at basic musical concepts at voice. Nakita ng researchers na na-enhance ang kanilang ability na unawain ang mga salita maging ang kanilang mga kahulugan.
Nalaman din na mas madalas ngumiti at magpakita ng signs ng sophisticated brain response ang batang exposed sa music.
3. Nagpapalakas ng puso
Maraming pag-aaral na ang nagpakita na mayroong ability ang music na palakasin ang puso. Nagagawa raw kasi ng music na mag-release ng endorphins sa brain upang mapaunlad ang health ng puso. Kaya dahil din dito napapababa niya ang bllod pressure at napapabagal naman ang heart rate.
Nakakapagpasaya ng tao
May kakayahan din ang musika na baguhin ang mood ng tao. Nakadepende ito sa pinakikinggan niya upang maset ang kanyang nararamdaman. Nakakapag-release ng dopamine kasi ang musika kaya maaaring magkaroong ng “feel-good” chemical ang tao.
Ang joy at excitement daw na dala nito ay halos katumbas ng pakikipagtalik o pagkain ng isang paboritong dish o dessert.