Baby ipinanganak na hawak hawak ang IUD ng kanyang ina

Gaano nga ba ka-epektibo ang IUD na mapigilan ang pagbubuntis? Ito ang sagot ng isang OB-Gyne.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Effective ba ang IUD? Ito ngayon ang tanong ng marami matapos mag-trending ang larawan ng isang baby na ipinanganak na hawak ang IUD ng kaniyang ina.

Baby na ipinanganak na hawak ang IUD ng kaniyang ina

Image from Hai Phong International Hospital

Isang bagong panganak na baby boy ang nakuhanan ng larawan na hawak-hawak ang IUD ng kaniyang ina. Ito ay agad nag-viral sa social media dahil sa nakakatuwang katotohanan na dapat sana ang IUD na hawak ng sanggol ang pumigil sa pagkabuo niya.

Kuwento ng kumuha ng larawan na si Dr.Tran Viet Phuong, isang obstetrician, ang larawan ay kuha mula sa Hai Phong International Hospital, Hai Phong City, Northern Vietnam. Ito ay nakuhanan ilang minuto matapos maipanganak ang sanggol.

Image from Hai Phong International Hospital

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Phuong, matapos lumabas ng sanggol mula sa kaniyang ina ay sumunod naman ang paglabas ng IUD nito sa pwerta niya. Saka ito umano nakuha ng sanggol at nahawakan ng mahigpit na tila ayaw niyang pakawalan.

Dahil sa palagay ni Dr. Phuong, ito ay nakakatuwang larawan ay agad niya itong nilitratuhan. Pero hindi niya umano akalain na mag-tetrending ito sa social media.

“After delivery, I thought him holding the device was interesting, therefore I took a photo. I never thought it could receive so much attention.”

Ito ang pahayag ni Dr. Tran sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Hai Phong International Hospital

Paliwanag niya maaring ang IUD ng ina ng sanggol ay nagalaw o naalis mula sa orihinal nitong posisyon. Kaya naman hindi nito napigilan ang pagbubuntis na pangunahing dahilan kung bakit ito ginagamit at inilalagay sa loob ng pwerta ng mga babae.

Pero sa kabila nito ay malusog namang isinilang ang sanggol. Ito nga ay may bigat na 3.2kg o 7 lbs. Pangatlo ito sa anak ng kaniyang 34-anyos na ina na ipinalagay ang IUD dalawang taon palang ang nakakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Effective ba ang IUD?

Nang dahil sa larawang ito ay maraming babae tuloy ang nagtatanong kung effective ba ang IUD. Lalo pa’t sinasabi na ang paglalagay nito ay magbibigay proteksyon sa isang babae upang hindi mabuntis.

Ayon kay Dr. Robyn Horsager-Boehrer, isang OB-Gyne, ang IUD ang isa sa pinaka-kilala at reliable na uri ng birth control method. Ito ay isang T-shaped device na gawa sa copper o hormone-embedded plastic na ipinapasok sa cervix ng isang babae. Sa pamamagitan nito ay napipigilan ang fertilization at pagbubuntis.

Ang IUD o intrauterine device ay madalas na inilalagay o ipinapasok sa mga babae matapos ang panganganak. At ito ay inaasahang magbibigay proteksyon mula sa pagbubuntis ng 3 hanggang sa 12 taon.

Kailan ito hindi nagiging epektibo?

Ayon pa rin kay Dr. Boehrer, napakababa ng tiyansa ng isang babae na mabuntis habang gumagamit ng IUD. May bibihirang pagkakataon lang na nangyayari ito. At ang madalas na dahilan ay nawala ito sa tama nitong posisyon.

“However, no form of birth control is 100 percent effective. While rare, it’s possible to become pregnant while using an IUD. Such was the case for a patient I saw in the spring of 2018. She had an IUD, and when she took a home pregnancy test, it was positive. The patient came in for an ultrasound, and the reason for the IUD failure was obvious – the IUD was sitting in the cervix, not higher up in the uterus where it could have been three times as effective at preventing pregnancy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Boehrer.

Sinuportahan naman ang pahayag na ito Dr. Boehrer ng website na Planned Parenthood. Ayon sa kanila, ito ang isa sa pinaka-the best na birth control method at maituturing na 99% effective.

Hindi nga daw ito tulad ng pills na maaring malimutang inumin o condom na maaring gamitin ng mali. Hanggang ito daw ay nasa tamang posisyon maaring maging kampante ang isang babae na hindi siya mabubuntis ng hanggang sa 12 taon.

“IUDs are one of the best birth control methods out there — more than 99% effective. That means fewer than 1 out of 100 people who use an IUD will get pregnant each year.”

Ito ang isang bahagi ng pahayag mula sa website na Planned Parenthood.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano masisigurong nasa tamang posisyon ang IUD

Kaya naman para masigurong nasa tamang posisyon ang IUD ng isang babae ay mahalagang regular siyang nagpapakonsulta sa kaniyang doktor.  Ito ay para ma-check kung nahulog o natanggal ba ang IUD sa dapat na pinaglalagyan nito. Bagamat ang mga pagkakataong ito ay nangyayari lang umano sa mga sumusunod na babae o kondisyon:

  • Hindi pa nagkakaanak.
  • Mas mababa sa edad na 20-anyos.
  • Inilagay ang IUD matapos manganak o matapos ang second-trimester abortion.
  • Mayroong fibroids o tumors sa uterus.
  • May unusual size o shape ang uterus.

Madalas kung mawawala o matatanggal ang IUD, ito daw ay lumalabas kasabay ng regla o monthly period. Maari rin daw maramdaman ng isang babae kung sumasabit ang string nito sa loob ng kaniyang pwerta. Sa ganitong mga pagkakataon ay ipinapayong agad na magpatingin sa doktor upang ito ay matingnan at makasigurado. Dahil sa oras na mawala ito sa tamang posisyon ay ang oras na ito ay hindi na nagiging epektibo.

 

Source:

Planned Parenthood, WebMD, Select News, Reporter, UTSW Med

Basahin:

Birth control implant sa braso napunta sa dibdib, babae kinailangang operahan