Elisse Joson, priority si Felize kahit busy sa career at pag-aaral: "Kapag nandito ako sa bahay, gusto ko hands-on ako."

Sa kabila ng pagiging busy, sabi ni Elisse sinisiguro niya na hindi siya nawawalan ng oras kay Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-aaral muli ang aktres na si Elisse Joson sa college. Pero this time, mula sa kursong fashion design noon ay nag-shift na siya sa Psychology.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Elisse Joson sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa college
  • Paano nababalanse ni Elisse ang oras sa pagiging isang ina, pag-aaral at pag-aartista

Elisse Joson sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa college

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Balik sa pag-aaral ang aktres na si Elisse Joson. Ito ang masayang ibinahagi ni Elisse sa isa sa panayam sa kaniya kamakailan lang. Ayon kay Elisse, ito ay ginagawa niya kasabay ng pagiging ina at pagtratrabaho bilang isang artista.

“Nakapag-adjust na din sa schedule of being a mother, working and also studying. Very jampacked schedule pero masaya, fulfilling.”

Ito ang sabi ni Elisse sa panayam.

Mula sa dating kursong fashion design ay nag-shift courses din si Elisse sa kursong Psychology. Dahil na-realize daw niya na wala sa dating kurso ang passion niya.

“Na-feel ko lang kasi sa fashion parang hindi roon ang ano ko ang passion talaga. Although mahilig talaga ako sa damit, sa trendy fashion. Pero parang mayroon akong hinahanap na mas gusto kong pag-aralan.”

Ang tinutukoy niya ay kung paano mas maintindihan ang bawat tao at ito ay nakita niya sa pag-aaral ng kursong psychology.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Doon ko na-realize nung na-try ko mag-psychology, how the mind works. Parang doon ako na-curious. Very interesting kasi kung paano malaman 'yong mga tao,” sabi pa ni Elisse.

Paano nababalanse ni Elisse ang oras sa pagiging isang ina, pag-aaral at pag-aartista

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Sa ngayon sabi ni Elisse, pinagsasabay-sabay niya ang pag-aaral, pagiging isang ina at pag-aartista. Mabuti na nga lang daw at online pa lang ang classes niya. Sa kada linggo, dalawang araw lang ang nakagugol sa online classes niya. Ang natitira niyang oras hinahati niya sa pag-aartista habang pina-prioritize parin ang anak niyang si Felize.

“As much as possible syempre kapag nandito ako sa bahay gusto ko hands-on ako. Pero may trabaho ako, lalo na 'yong work ko nowadays mostly nasa bahay nahahati din yung oras. Pero kapag may break time o spare talaga kay Felize napupunta yung oras ko.”

Mabuti na nga lang daw at isang mabait na bata si Felize kaya hindi siya nahihirapan. Napakalaking bagay rin daw ang presence nito sa buhay niya. Dahil sa oras ng problema, ang anak daw ang nagpapagaan sa loob niya.

“Kapag meron akong pinagdadaanan o meron akong problem, I'm going through something tapos titingnan ko lang siya mag-ask lang ako ng hug sa kaniya mapi-feel mo na mahal ka niya no matter who you are. 'Yong di mo kailangang magpasikat o magbigay ng kahit ano pero mahal ka niya kung ano lang ikaw.”

Ito ang sabi pa ng celebrity mom na si Elisse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa nga niya, hindi siya naiilang o nahihiyang pag-usapan ang pagiging ina niya. Excited pa nga daw siya sa tuwing ito ang pinag-uusapan.

“Para kasi siyang isang karangalan to be a mom, so ako lagi lang akong proud,” sabi pa ni Elisse.

Elisse and McCoy 2nd anniversary

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, nito lang din Hulyo ay nagdiwang ng kanilang 2nd anniversary sina McCoy at Elisse.

Si McCoy may sweet na mensahe kay Elisse kung saan nabanggit niya ang tungkol sa paghihiwalay at muling pagbabalikan nila. Ganoon rin sa pagpapatuloy ng kanilang relasyon at sa pagbuo nga nila ngayon ng kanilang pamilya.

“Nung sinubukan natin ulit noon, alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin. Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isa't isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Si Elisse may mensahe ring inalay kay McCoy sa kaniyang Instagram account. Doon ay sinabi niyang hindi man naging madali ang journey nila ni McCoy ay nagpapasalamat siya sa mga naging karanasan nilang magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Always, all ways. Another year of togetherness, growth, and trials.. it's never easy but I'm thankful for all of it. Happy Anniversary to us. Mahal kita @mccoydeleon.”

Ito ang sabi pa ni Elisse.

Sa parehong Instagram account ay ibinahagi rin ni Elisse ang naging anniversary celebration nila ni McCoy. Ang kanilang celebration, ginawa daw nila ng mas maaga para makasiguradong ito ay maipagdiriwang nila. Sila ay nag-date overnight sa isang hotel at camping site sa Batangas. Sinolo nila ang isa’t-isa at nag-spend ng quality time ng silang dalawa lang.

Sa huling bahagi ng anniversary vlog nina Elisse at McCoy ay nagpasilip sila ng isang game na ginawa nila sa kanilang anniversary date. Gamit ang mga letra mula A to Z ay nagbigay sila ng mga salitang nagpapaalala sa kanila sa isa’t-isa.

Si Elisse sa letrang A ay asawa ang naisip na salita. Ito ang paliwanag niya kay McCoy kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Asawa kasi magiging asawa kita someday.”

Ito ang natatawang sabi ni Elisse kay McCoy.