Ellen Adarna: “My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding.”

Ayon sa eksperto, ang pagbabago ng suso matapos ang breastfeeding ay isang patunay ng sakripisyong ginagawa ng isang ina para sa anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sexy actress at mom na si Ellen Adarna proud sa mga pagbabago sa kaniyang katawan matapos maging isang ina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang sagot ni Ellen Adarna sa netizen na pinuna ang boobs niya.
  • Ang pagbabagong maaring idulot ng pagpapasuso sa katawan ng isang babae.

Ellen Adarna proud sa mga pagbabago sa kaniyang katawan dulot ng breastfeeding

Image from Ellen Adarna Instagram

Isa na ata sa pinakasusubaybayan ng maraming social media users sa ngayon ay ang buhay at mga post ng sexy actress na si Ellen Adarna.

Una, dahil sa nakakaintrigang lovelife nito na nauwi sa pagpapakasal niya sa aktor na si Derek Ramsay. Ang mga post ni Ellen at Derek, larawan ng mga kaligayahan at true love na marami ang napapa-sana all na lang.

Maliban dito, isa pa sa hinahangaan ng maraming netizen kay Ellen ay ang ganda at kaseksihan nito. Ito ay sa kabila ng pagiging isang ina niya na sa 3-year-old son niyang si Elias.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero siyempre hindi mawawala ang mga negative comments at body shamers na deretsahang sinasagot naman ng sexy actress at celebrity mom.

Isa na nga rito ang nakapansin na tila may “folds” sa kaniyang dibdib ng mag-photoshoot ang sexy actress para sa isang magazine.

“Why the cleavage has folds ‘di ba nakita ng nag-picture ‘yan?”

Ito ang komento ng netizen sa mga larawan ng naturang photoshoot na inupload ni Ellen sa kaniyang Instagram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Sinagot naman ni Ellen agad ang nasabing netizen. Paliwanag ni Ellen, ang nakita ng netizen ay isa sa mga resulta ng breastfeeding sa katawan ni Ellen. Mula ng maging isang ina at nagpasuso sa anak na si Elias ay hindi na kasing sexy ng dati ang mga boobs niya.

“My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear.”

Ito ang sabi ni Ellen na siyempre sinundan niya ng pakuwela at medyo may banat na pagkamadilta na kilala ang prankang Cebuana beauty.

“Enjoy yours coz it won’t be as perky as your profile pic forever,” ito ang sabi pa ni Ellen sa netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Kamakailan lang may isang netizen naman ang nakapansin na parang pare-pareho umano ang mga isinusuot na bikini ni Ellen. Ang netizen ay nai-comment ito sa mga larawang ibinahagi ni Ellen sa naging anniversary get-away nila ng mister na si Derek sa Sirom Beach House, Dasol, Pangasinan.

“Ms. Ellen, do you have another bikini? you always wearing the same O same O.”

Ito ang tanong ng netizen kay Ellen na sinagot din naman ng aktres. Proud niyang sagot sinadya niyang bumili ng maraming pares na nasabing bikini dahil dito siya komportable.

Dahil bilang isang ina ng active ng batang si Elias kailangan niyang masiguro na laging tama at maayos ang suot niya. Higit sa lahat pag-amin niya, gustuhin niya mang mag-suot ng mga sexy bikina tulad ng dati hindi na puwede sa ngayon. Dahil ang boobs niya ngayon ay sag na at ito ay resulta ng pagpapasuso niya sa anak na si Elias.

“As much as I’d want to be a hubadera and wear all kinds of bikini top unfortunately, not all bikini top cuts and style look good on me anymore because of my sagging breasts due to breastfeeding. So, sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly.”

Ito ang bahagi ng naging sagot ni Ellen sa naturang netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

BASAHIN:

Coleen Garcia ibinahagi ang cute sleeping routine ni baby Amari

“Motherhood has no time-outs,” said one mom who had to continue breastfeeding despite breast abscess

On the hunt for stylish nursing clothes? Here are 7 chic breastfeeding outfits

Mga pagbabagong maaaring idulot ng pagpapasuso sa katawan ng isang babae

Ayon sa health website na Healthline, natural lang na makaranas ng pagbabago sa  boobs ang isang babae matapos manganak at magpasuso.

Paliwanag ng OB-Gyn at women’s health expert na si Dr. Sherry A. Ross, ito ay dahil ang pagpapasuso ay mas nagpapalaki ng breast ng hanggang two o three times mula sa normal na laki nito. Nangyayari ito para magbigay ng dagdag na space para sa milk production na kailangan ng breastfed baby.

Sa oras na tumigil ng magpasuso ang isang ina ay syempre hindi na mapupuno ng gatas ang milk ducts. Ang resulta liliit ang suso niya o iimpis na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga pagkakataong mag-tighten ang balat ng babae base sa bago niyang breast size. Pero madalas ang elasticity ng suso ng dating breastfeeding mom ay hindi na tulad ng dati.

Ito ay maaaring magiging malambot o sag na produkto ng pagbibigay niya ng tinaguriang liquid gold para sa kaniyang anak. Isa sa mga sakripisyong ginagawa ng isang ina para sa anak niya.